IKAW
oo ikaw
kailan ka titigil
titigil sa pagiyak
sa pag sayang ng mga butil na luha
sa taong walang ibang ginawa
kundi ang saktan ka at bigyan ka ng problemakailan ka mapapagod
mapapagod maghantay sa wala
maghintay na siya ay mag babago pa
at babalik sa dati noong panahong mahal ka pa niyahanggang kailan ka magpapakatanga
magbubulag bulagan at magpapamartir
huwag lang tapusin ang relasyon na sabay ninyong binuo ngunit winasak niyakailan ka maniniwala
na ang ikaw at siya ay wala na
dahil ang puso niya ay nasa iba nakailan ba?
kung kailan wasak na wasak kana?
kung kailan halos di muna makilala kung sino ka na ba talaga?tumigil ka na
oo ikawBuksan mo ang iyong mata at ang iyong puso
hindi karapat dapat na umiyak
at lalong lalo na sa taong katulad niyahuwag mong hayaang malugmok ka habang siya ay nagsasaya.
subukan mong unti unting buksan ang iyong isipan
wag puro puso ang pairalin sa mga oras na ikaw ay nasa kalungkutan maraming bagay ang nasasayang
at maraming pagkakataon ang dapat mas pagtuunan.oras na
oras na para bitawan lahat ng sakit na matagal mo ng kapit kapit. hayaan ang lahat at simulang buuin ang dating ikaw na sinira niya.dahil ikaw,
ikaw ang babaeng karapat dapat na sumaya at maging malaya.