Walang Kayo

114 2 0
                                    

Ikaw,siya Walang kayo!
wag kang magselos kung sa iba siya'y magkagusto
wag kang umasta na parang iniwan at niloko
uulitin ko, walang kayo!

Sa tuwing makikita mo siyang may kasamang iba
di mo mapigilan luha sa iyong mga mata
hitsura ng mukha mo,  di maipinta
tanung ko lang, anu ka ba niya?

Isa kang hamak na tagahanga lang niya
sa kanyang puso ay walang puwang ka
may mahal na siyang iba, kaya't wag nang umasa
walang kayo, wag kang tanga!

Masakit sabihin pero kailangang tanggapin
na sa iyo siya'y, walang pagtingin
kaya't wag mo nang pagkapangarapin
na puso niya pa'y iyong maaangkin

Walang kayo, paulit-ulit kong sasabihin
sarili mo'y wag mo nang paasahin
harapin ang katotohanan at pagkaisipin
na hindi siya ang karapat-dapat mong mahalin!

Tagalog Poetry CollectionWhere stories live. Discover now