"Ma'am Megan, handa na po ang breakfast niyo" rinig ko na sabi ni Yaya Serna pero hindi ako dumilat syempre kase tinatamad ako.
(Meet: YAYA SERNA- Yaya ko simula ng ako'y 5 years old hanggang ngayon na 18 years old na ako. Mabait at maalaga at lagi akong inistorbo sa umaga)
"Ma'am Megan, gumising na po kayo" pagkasabi niya nito ay tinapik niya ako sa braso ko. Hindi ko napigilang ngumiti sa ginawa ni Yaya Serna kase naman ay may kiliti ako sa braso ko e. Ang weird di ba pero hindi ko rin maintindihan kung bakit sa lahat ng parte ng katawan ko e sa braso pa ako may kiliti.
"Yaya, pwede po ba na mamaya na lang po ako bumangon kase medyo masakit po ulo ko kakareview kagabi para sa exam namin ngayon e. Tapos Yaya alam mo ba ang dami kong nalaman sa History ng Pilipinas kase sabi ng teacher ko mabait daw si Mar—"
"YAYAAA HINDI PA BA BUMABANGON SI MEGAN?" rinig ko na sigaw ni mommy
(Meet: MARIAN SULLIVAN- Ang aking mommy, laging busy sa bahay kahit walang ginagawa, at exempted doctor sa kaniyang pamilya. Laging galit kay pretty Megan)
Hindi ko na natapos ang kwento ko kay yaya dahil dali-dali akong bumangon mula sa higaan ko kase naman nakakatakot magalit si mommy na para bang may malaki akong masamang ginawa. Hayss
"Paano ka makakapasok sa Medical School ng Xavier kung ganyan ang ugali mo? Napaka-iresponsable mo Megan, Baguhin mo yang ganyang style mo ha"
"Opo mommy"
Wala na akong kahit anong paliwanag na sinabi kay mommy kase alam ko naman na hindi niya rin ako papansinin. Isa lang naman ang mahalaga sa kanila ni Daddy e ang makapasok ako sa Medical School kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako masyadong matalino pero hindi rin naman ako masyadong bobo ha.
Hindi ko nga alam kung bakit ako naging President ng SSG sa school e, iniisip ko nalang na sinuhulan nanaman nila mommy ang school para manalo ako.
"Inumin mo yung vitamins mo, nasa ref."
"Paracetamol?"
"Megann!" pagalit na sabi ni Mommy.
"Opo mommy"
Syempre hindi talaga paracetamol yon, alam ko naman kung anong vitamins yon e pampatalino daw sabi ng sipsip na Doctor na nag prescribed sa mommy ko. Wala naman akong magagawa kaya iinumin ko nalang yung gusto ni mommy.
"Papasok na po ako" sabi ko pero hindi ako pinansin ni mommy.
"Mommy, papasok na po ako sabi ko"
"Pumasok ka na, kailangan mo pa bang sabihin e talagang papasok ka" iritadong sabi ni mommy.
"Yaya, papasok na po ako"
"Sige Megan, mag-iingat ka" sabi ni yaya at ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
Sumakay na ako sa kotse namin para ihatid ako ni Manong Dencio sa School. Mabait ang mga katulong sa bahay namin. Lagi nila akong chinecheck kapag papasok at uuwi na ako galing school na sana ang mga magulang ko ang gumagawa non. Nakikita ko sa mga mata ni Mang Dencio na nag-aalala siya sa akin kase hindi ko napigilan na umiyak sa kotse.
"Miss Megan, okay lang po ba kayo? Eto po panyo punasan po ninyo yang sipon niyo" Inabot ko naman ang panyo at doon ko sininga yung sipon ko hehe.
(Meet: DENCIO MARQUEZ- 10 Years driver na sa aming pamilya. Mabait at mapagmahal na ama sa kaniyang pamilya)
"Eto po Mang Dencio, salamat po" akmang pag-abot ko sa kanya ng panyo.
BINABASA MO ANG
Hiding Through the Grasses | Series 2000
RomanceSi Megan na isang masiyahing babae, may pagka slow pero witty daw na ang tanging problema sa buhay ay ang kursong kukunin sa kolehiyo. Walang ibang ginawa kundi magbasa, mag-aral at maghanda para sa nalalapit na Entrance examination sa isang kilalan...