Pag-uwi ko sa bahay ay pamilyar ang katahimikan na para bang nakakatakot yumapak ng sapatos. Ganon naman lagi e, mag-isa akong anak, si mommy at yaya lang ang kasama ko. Paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko pag-uwi. Una, maghuhugas ng katawan, mag totoothbrush, kakain tapos uupo sa study table at mag-aaral ng mga medical terms as advance reading para hindi naman ako masyadong kulelat kung sakaling matupad ko yung gusto nila mommy.
"Mommy nandito na po ako"
"Oh Ma'am Megan, maghanda na po kayo para sa dinner para makapag-aral na rin po kayo" sabi ni Yaya Serna
"Hayss, Yaya naman e kauuwi ko lang galing sa pag-aaral tapos pag-aaralin mo nanaman ako dito sa bahay"
"Aba'y dapat lang Megan!" sabi ni Mommy sa aking likuran
"Ano pa ba ang dapat mong gawin dito sa bahay Megan kung hindi mag-aral. Hindi biro ang Entrance Examination sa isang Medical School kaya dapat ka lang mag-aral para hindi ka magmukhang katawa-tawa sa pamilya ko"
Dahan-dahan nalang umalis si Yaya Serna sa harapan namin at ako naman ay tumango nalang sa mga sinasabi ni mommy.
Hindi ko maintindihan kung bakit lagi nalang sinasabi ni mommy na "Pamilya ko". Bakit hindi ba ako kasama sa pamilya niya? Di ba anak niya ako pero bakit ganon nalang niya ako ituring. Hindi niya manlang ako bigyan ng pagkakataon na magpahinga o di kaya naman ay bigyan niya ako ng kahit konting motivation sa pag-aaral. Hindi ko naman kailangan ang mga material na bagay e. Hindi ko naman kailangang pumasok sa Xavier University para lang makapag-aral ng medicine at lalong hindi lang naman Medicine ang kurso sa College pero lahat ng gusto kong sabihin e hinahayaan ko nalang maipon sa puso ko dahil mahal ko ang mommy ko.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nagpahinga saglit. Pagkatpos ay naglinis ako ng katawan at lumabas na para kumain. Tahimik kaming kumakain ng magsalita si Mommy.
"Bukas pupunta ako sa Office ng Daddy mo sa Manila kaya naman si Yaya Serna lang ang makakasama mo sa loob ng isang linggo. Lagi mong inumin yung vitamins mo at mag-aral ka pag-uwi galing school. Wala kang ibang pupuntahan kundi school at bahay lang. Huwag ka malelate pumasok at maging mabuting Presidente ka ng SSG sa Maxwell."
"Opo Mommy"
Kinabukasan ay umalis na nga si Mommy sa bahay at mag-isa akong kumakain sa table.
"Yaya pwede po bang samahan niyo akong kumain dito? Nalulungkot po kase ako mag-isa na kumain e"
"Ha, pero Ma'am Megan"
"Pleasee Yaya" pagmamakaawa ko sa kaniya
Umupo naman siya at kumain sa tabi ko. Nagkwento ako sa kaniya ng mga nangyare sa akin sa school kasama na doon yung lalaking nakabunggo ko sa coffee shop.
"Ay oo nga pala, isesearch ko yung pangalan niya sa Fb"
Sinearch ko yung pangalan niya sa FB gaya ng sinabi niya. Tinype ko yung Philip Felipe Romero, Philip Felipe, Felipe Romero, Philip Romero pero wala akong nakita na account niya.
"Niloloko ako ng lalaking yun ah" "Akala ko pa naman totoo na yung sinasabi niya" sobrang inis kong sabi kay Yaya Serna
"Hehehe, baka naman nagkamali ka lang ng dinig Ma'am Megan"
Ganon ba Yaya, baka nga. Tinuloy nalang namin ang pagkain hanggang sa sumakay na ako ng kotse para pumunta na sa School.
Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kay Mang Dencio pat dirediretsyong pumasok sa campus ng Maxwell. Nakasalubong ko si Ma'am Santos at ngumiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hiding Through the Grasses | Series 2000
RomansaSi Megan na isang masiyahing babae, may pagka slow pero witty daw na ang tanging problema sa buhay ay ang kursong kukunin sa kolehiyo. Walang ibang ginawa kundi magbasa, mag-aral at maghanda para sa nalalapit na Entrance examination sa isang kilalan...