Pagbukas ko palang ng pinto ay ang isang malakas na sampal na agad ang isinalubong sa akin ni Mommy.
"Mommy, WHY?" tanong ko kay mommy sabay hawak sa pisngi ko na siguradong namumula.
"Why?" pasigaw na sabi ni mommy.
"Tinatanong mo sa akin kung bakit? Anong ginawa mo sa school mo? Di ba sabi ko naman sayo na pupunta ako sa Manila kaya umayos ka pero bakit ganito ang nangyari?"
Ipinakita sa akin ni Mommy ang isang text message galing sa aking adviser na pinapapunta siya sa school para pag-usapan ang Vote Buying sa SSG election.
"Wala naman akong alam dyan mommy, wala naman akong ginawa" sabi ko
"Yun nga, wala kang ginawa. Tinakasan mo yung pag-uusapan dapat sa Principal's Office para ano? Gusto mo na ako ang pumunta don para ipaliwanag ang nangyari na dinaya mo ng botohan?" nagulat ako sa sinabi ni Mommy dahil ako ang sinisisi niya sa nangyareng eskandalo sa Maxwell ngayong araw.
"Dinaya ko? Bakit ako Mommy? Di ba ikaw ang nangdaya don?" pagkatapos ko yung sabihin ay isang malakas na sampal ulit ang natamo ko kay Mommy.
"Ma'am Marian, tumigil na po kayo kase nasasaktan na yung bata" pagpipigil na Yay Serna kay Mommy.
"Bitawan mo ko Serna, bibigyan ko ng leksyon yang bata na yan" walang nagawa si Yaya Serna kundi bitawan si mommy at hayaang magsalita.
"Akala mo hindi ako sumugal para manalo ka bilang SSG President? Kung sana matalino ka lang e hindi ko na kailangan gawin ang mga bagay na iyon pero hindi. Wala kang utak at umaasa ka lang sa mga magulang kaya huwag ka mag-inarte kung may mga bagay kaming ginagawa dahil para yon lahat sayo!" galit na galit na sabi ni Mommy.
"Akala mo ba laro-laro lang sa akin kung bakit gusto ko maging Doctor ka? Dahil ayaw kita mapahiya sa mga kapatid ko at sa lolo at lola mo"
"Ako ba Mommy ang ayaw mong mapahiya o ang sarili mo? Wala akong ginawa kundi sundin lahat ng gusto mo kahit hindi ko kayang maabot yon. Hindi ko naman kailangan maging SSG President para lang maging Doctor dahil ang tanging gusto mo lang ay ang maging bida ka sa lahat ng bagay kahit ako na ang nahihirapan." Unti-unti na akong humagulgol at umiyak sa harapan ng Mommy ko.
"Pilit kong ginagawa lahat para maging isang mabuting anak na gusto niyo. Nag-aaral ako kahit hindi ko maabot ang average na gusto niyo. Mommy hanggang 91-92 lang ang kaya kong grade pero ikaw gusto mo ay almost perfect ako. Hindi ka na nakuntento sa kung ano ang kaya ko Mommy" "Sa tingin mo ba ay gusto kong maging Doctor? Hindi Mommy, ang gusto ko maging isang Writer. Writer ang gusto ko at ayaw ko ang pagbabasa ng mga medical terms pati ang Science at Math pero pinag-aaralan ko yon para sayo! Pero ano ang natatanggap ko sayo Mommy. Na ipamukha sa akin na kahit anong pilit ko ay hindi ko maabot ang expectation mo? Mommy para kong itinatago ang sarili ko sa mga damo" napaluhod na ako sa sobrang panlulumo.
"Writer? Wala akong anak na magiging writer lang pagdating ng araw. Kung yan ang gusto mo, umalis ka sa bahay na ito at maghanap ka ng iba mong magulang"
Umalis si mommy sa harapan ko at pumunta siya sa kwarto niya. Ako ay pinatatahan ni Yaya Serna at pilit pinapainom ng tubig. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako magpasyang pumasok na sa kwarto. Hindi na ako kumain ng Dinner at itinuloy nalang ulit ang pag-aaral tulad ng daily routine ko.
Ganon naman talaga ang buhay diba na kahit anong pilit mo mabago ang nakatadhana sa iyo ay hindi iyon mangyayari. Kaya kahit gaano kahirap ay gagawin ko ang gusto ng Mommy ko kase siguro ito naman ang nakatadhana sa akin. Alam ko sa sarili ko na medyo nasagot ko si mommy pero kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam ko kase nailabas ko na yung ang nararamdaman ko.
Kinabukasan ay mag-isa akong kumain ng breakfast dahil hindi sumabay si mommy kaya naman tahimik lang ang buong bahay gaya ng dati. Pumasok ako sa Maxwell at doon nakita ko ulit si Philip. Hindi na ako nag-abalang kausapin siya o kamustahin siya kase wala na rin akong gana na makipag-kausap sa kahit sino pa.
Napatalsik ako sa pagiging SSG President pero wala naman na kaso sa akin yon kase halos isang buwan na lang ay matatapos na ang buong School Year kaya naman lahat kami ay todo paghahanda na para sa Final Exam. Nagsunog ako ng kilay kakareview at kakabasa para sa finals at hindi ko na rin nakita si Philip ng halos tatlong linggo dahil siguro tapos na rin ang ginagawa niya dito sa Maxwell kung ano man iyon.
"Hoy Megan, bababa ka din pala sa pagiging fake president e dapat noon pa di ba? Hindi ko manlang nasulit ang pagiging president kung lahat na ng credentials e nakuha mo na" sabi ni Mika the bully na panget.
Walang araw na lagi niya sinasabi sa akin ang mga bagay na yan pero wala na akong magagawa dahil nangyari naman na kase ang dapat mangyare. Dapat ko nalang patunayan sa lahat ng taga-Maxwell na kaya kong maging totoo sa sarili ko na kaya kong iangat ang pagkatao ko na walang halong pandaraya.
Humingi din ako ng tawad kay Annie dahil nasigawan ko siya. Umiyak ako sa harap niya kase akala ko isa den siya sa mawawala sa buhay ko o hindi na niya ako ituturing na kaibigan dahil sa ginawa ko pero nagkamali ako.
"Annie, sorry sa nangyare non sa gym, hindi ko napigilan yung sarili ko at naging lonely girl ako. Sana mapatawad mo ako at maging magkaibigan pa rin tayo. Hindi ko alam yung magiging buhay ko dito sa School kung hindi kita magigigng buddy"
"Oh ano? Okay ka na ba Meggy? Alam mob a nalaman ko na kung sino ang nasa likod ng mga poster na iyo at talagang hindi ka magugulat no"
Parang walang nagyare sa pagitan naming ni Annie. Hindi niya ni open up sa akin yung pagsigaw ko sa kanya at itinuloy niya lang young kwento. Naging magkasama pa rin kami araw-araw at lagi kaming nagtatawanan. Siya ang isa sa mga tine-treasure ko sa buhay ko na kahit kalian ay ayaw ko mawala.
Ayon din kay Annie e si Mika ang nasa likod ng mga poster kaya pala masayang-masaya siya na napatalsik ako sa SSG. Sinabi din sa akin ni Annie na may isang poging lalaki na pumunta sa Maxwell bago mag-uwian para makipag-usap sa school principal namin.
Sigurado ako na si Philip yon pero ano naman kaya ang sinabi niya sa principal at tungkol saan naman kaya yon? Tungkol kaya sa akin?
"Pero ano naman kaya ginawa niya doon?" wala sa sarili kong naitanong sa sarili ko din.
BINABASA MO ANG
Hiding Through the Grasses | Series 2000
RomanceSi Megan na isang masiyahing babae, may pagka slow pero witty daw na ang tanging problema sa buhay ay ang kursong kukunin sa kolehiyo. Walang ibang ginawa kundi magbasa, mag-aral at maghanda para sa nalalapit na Entrance examination sa isang kilalan...