Chapter 8
KANINA pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Malilikot rin ang kapwa mga mata ko sa 'di malamang dahilan. I've been waiting for him at halos isang oras na ang inabot sa paghihintay ko sa lalaking iyon.
Tuluyan na akong ginapangan ng kaba sa sitwasyong ito. Nasaan na kaya ito? Mag-iisang oras na ako rito sa C.R. Ghad!
Pansamantalang nagpaiwan muna ako sa C.R. Wala din namang ibang pupuntahan dahil lock ang ilang rooms at nakakahiya pang konprontahin si Dark para humiram ng susi. And here I'm waiting for him dahil inutusan ko siyang bumili ng napkin sa kahit anong tindahan. Nakakahiya man pero wala akong magagawa. Malawak ang mantsa ng dugo sa pink kong palda kaya't wala na akong magagawa.
I immediately remember his face lately. He worried a lot. Mas doble pa sa akin ang kaba na nararamdaman niya. Natakot siya sa mga sandaling iyon at tila ba'y sinisisi niya ang sarili niya sa kaganapan kanina.
I was going to laugh so hard about his expression but I immediately stop. Mas nangingibabaw 'yong sakit sa ibabang parte ko kaya hindi ako makapagconcentrate sa mga bagay-bagay. Hindi niya yata alam na normal lang 'to.
Dadating pa kaya siya?
Dahan-dahan akong nilalamon ng tanong. Kung 'di man siya dadating, bahala nang magtaxi na lang ako. Okay lang din para mabawasan ang kahihiyan ko sa kanya.
Napatingin ako sa kung saan-saan. Talagang malikot ang mga mata ko. Lakad-tigil rin ako sa paglalakad nang pabalik-balik. Wala na naman akong ibang gagawin. My phone was left in the couch. Ayaw kong lumabas. Ayaw ko ring maghintay nang matagal dito.
Hays.
I was about to sit when a familiar voice abruptly breaks the whole silence. Napapiksi ako sabay hawak sa dibdib nang dahil sa gulat. Fvck! Dark makes me thrill much. Muntik na tuloy akong mabangga ang pader kung 'di ko lang nakontrol ang emosyon ko.
Sh't!
"Y-your n-napkin is h-here." aniya. Pinihit ko ang seradura saka hinila ito sa sangkapat na luwag lang. Marahan niyang inilapag ang mamahaling bag sa sahig. Ilang segundo lang nang ilabas niya ang kanyang kamay. "I'm gonna die buying it. D*mn!"
Napahawak ako sa sentido sa nasabi niyang reklamo. Masyadong na-oa-an ako. Parang bibili lang ng napkin e. "Ahhh salamat."
Napabaling ako saglit sa butas. Kita ko ang basang-basa na katawan niya. Umulan siguro. Hindi ko naman alam dahil malayo ang C.r sa mismong bukana. Pero infairness, sobrang cute niya sa lagay niyang iyon, lalo na ang kanyang buhok. Halata rin ang pawis na pawis niyang noo kahit na mas nangibabaw ang tubig ulan dito.
Bakat din ang abs niya na siyang ikinatigil ko saglit. Ang matitipuno naman niyang katawan ang nagpanganga sa akin. What's this awkward feeling. Stop it Dixie! Hindi ka dapat magpaapekto sa katawan niya.
This is illegal to do. D*mn temptation.
"Masakit pa ba?" tanong niya. Napabalik ako sa sarili kong diwa.
Hinila ko ang bag saka dahan-dahang kinalas ang pagkakabuhol dito. "Oo."
Hindi ako puwedeng magsinungaling. Masakit pa naman talaga. Parang pinupunit ang kalamnan ko sa sakit. Sh't!
BINABASA MO ANG
Erotic Touch
RomanceOne night. One room. Numerous screams. An obsess one and her dropdead gorgeous buddy. Erotic Touch