Dahan-dahan ngumiti si Binibining Grace sa babae.
“Naintindihan ko ang iyong magaspang na dila, Binibining Dinah.”
Napahawak sa labi ang babaeng may magaspang na dila na nag-ngangalang Dinah.
“Alam mo ang pangalan ko?”
May gulat sa ekspresyon niya.
“Oo naman binibining Dinah! Sinong hindi makakikilala sa isang sikat na magspang ang dila? Hindi ba sikat ka sa pagiging magaspang ang dila?” May ngiti sa labing sabi ni Binibining Grace.
Ngumiti nang malaki si Binibining Dinah.
“Kilala rin kita Binibining Grace. Hindi ba't sikat ka sa pagiging tagahanga ni Binibining Heroine?” Tumingin pa si Binibining Dinah kay mama at ngumiti.
“Noong nalaman ko na ikaw ay tagahanga ni Binibining Heroine ay naisip ko na tignan kung totoo nga ba ang sabi nila, alam mo na, hindi ka puwedeng magtiwala sa mga kuwento-kuwento lang. Kaya... noong nasa piging tayo ay tinignan ko kung totoo, at!”
Napa-palakpak muna siya bago ituloy ang sasabihin niya.
“Totoo nga ang sabi nila! Nakita kong mayat-maya ang pagtitig mo kay Binibining Heroine. Ah! Alam mo ba sa mga oras na pinagmamasdan kitang naka ngiting naka tingin kay Binibining Heroine na halos mamula na ang iyong pisngi dahil sa kaka-ngiti, bigla tuloy akong napa isip... tagahanga lamang ba ang iyong nararamdaman? Hindi ba't sobrang kakaiba naman noon? Hindi kaya...”
Tumingin siya isa-isa sa mga babae. Hindi maiwasan ng mga ilang babaeng mapa lunok sa susunod na sasabihin niya.
“May nararamdaman ka kay Binibining Heroine na higit pa sa paghanga bilang isang babae!” Tinuro niya pa sina mama at Binibining Grace.
Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi niya at maka lipas ang ilang segundo ay napuno nang tawa ang buong kuwarto.
Nagulat akong napatingin kay Binibining Grace para makita ang reaksyon niya pero...
Nakayuko siya at nakakuyom ang magka-bilang kamao niya. At...
Namumula ang buong mukha niya.

BINABASA MO ANG
Hermia
FantasySi Hermia ay naniniwalang walang pakielam sa kaniya ang reyna, ang mama niya. Kaya tinuon na lamang ni Hermia ang atensyon niya sa nanay-nanayan niyang si Grace Villin. Pero noong nahulog siya sa hagdan, nakita niya ang nanay-nanayan niyang...