20

42 7 5
                                    

romnick

Sinundan ko si Sheryl hanggang sa labas ng gusaling pinagtatrabahuhan ko, sigurado ako! Alam ko, narinig nya ang pinagusapan namin ni tito, marahil ay galit sya sa akin ngayon. Hindi ko na alam kung saan sya susundan dahil mabilis syang nawala sa paningin ko at nakatakbo.

Umakyat ako sa taas kung saan ang aking opisina para kuhanin ang susi ng sasakyan ko, pagkasakay ko ng kotse at nang makalabas ako ng parking lot agad kong pinatakbo ng mabilis ang aking sasakyan na para bang ako lang ang dumaraan sa daanan, habang natakbo ang sasakyan ay kasabay ng pagbusina ko para iwas disgrasya rin at akalain nilang emergency ang dadaan, sa bahay niya ako nagtungo at mabilis rin akong nakarating dito. Agad akong pumasok sa loob at iniwan sa labas ang aking sasakyan, pagkapasok ko sa loob sumalubong sa akin si Ate brielle na kakababa lang sa hagdan galing sa itaas

Tumingin ito sa akin na parang nagtatanong dahil siguro sa ekspresyon ng aking mukha at hindi tumitigal sa paghahabol ng aking hininga na para bang tinakbo ko ang opisina hanggang dito e samantalang ay naka sasakyan naman ako. Lumapit ito sa akin at nagsimulang magtanong

"Anong problema mo, at parang hinabol ka ng sampung kabayo?" tugon nito sa akin habang nakapameywang at nakatayo sa harapan ko

"A-ate, anjan ba si Sheryl" agad kong tanong sa kanya

"Wala. Hindi pa sya nauwi at alam ko pupuntahan ka nya sa opisina para sabihin ang resulta ng ultrasound?!" sambit nito na may halong pagtataka at kaba na makikita mo sa kanyang ekspresyon ng mukha

"Yun nga Ate eh, narinig nya ang pinaguusapan namin ni tito tungkol sa pagbubuntis nya at ang sabi namin ni tito na sana ipinalaglag nalang namin yung bata"

"Ano!?" kita ang pagkagulat sa mukha nya at takot, kinuha nya ang kanyang telepono sa bulsa at sa pagkakakita ko ay tinawagan nya si Sheryl

Ring*

Ring*

Ring*

Ring*

Tumingin sakin si Ate habang patuloy na tinatawagan si Sheryl "ayaw nya sagutin,shit" nagsisimula na syang magpanic at nagpaikot ikot habang patuloy na dinadial ang numero ng kanyang kapatid

--

Five hours na ang lumilipas pero wala parin ni anino ng mahal ko ang nagpapakita sa amin, nandirito na rin ang dalawa nyang kaibigan, sinuggest ko sa kanila na ireport na sa police ang nangyari ngunit sabi ni Tina ay hindi agad aaksyunan ng polisya ang nangyari dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalilipas, kinontak narin ni Manilyn o maging ni Tina si Sheryl pero walang respond sila na natatanggap. Nakaisang daang dial narin ata ako sa kanya o hindi lang pero hindi parin nya ito sinasagot, maraming mensahe narin ang pinadala namin sa kanya pero wala manlang ni isa samin ang nireplyan nya.

Nakaupo kami sa sofa sa sala at si Ate Brielle ay nakatayo at paikot ikot na para bang may pilit na inaalala o iniisip kanina pa at papitik pitik pa ng kanyang daliri





















































"Beach Resort!" sambit nito na para bang ito ang kanina pang iniisip nya "tama sa beach resort, marahil ay duon sya nagtungo, tina mane naalala nyo ba yung nagkasira sila nila tasha non, diba may binili syang isang kubo sa isang beach resort" pagtatanong nito sa dalawa "pero nakalimutan ko na kung saan ang lugar na iyon, alam nyo ba?" pagdagdag nito

My SECRETary LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon