Chapter 42:

64 0 0
                                    

Isang linggo na mula nang piniling umalis at lumayo sa pamilya ko, Sa mga taong nakakakilala sakin.

Wala ding araw na hindi nagtetext at tumatawag ang mga kaibigan ko at pamilya ko pero miski isa wala akong sinagot sa kanila.

Duwag na kung duwag pero hindi ko pa kayang isang araw makikita ko si Ryle na kaya nang wala ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba siya.

Naghahanap ako nang mapapasukang trabaho ngayon dahil paubos na ang pera ko. Naglalakad ako nang biglang may magpop-up na message sa cellphone ko at nabasa ang pangalan ni Ryle.

Ryle:
Nasan ka?

Gusto kong matuwa kasi finally nagtext na siya sakin mula nang huling kita namin dahil miski yung text ko sa kanya hindi niya nireplyan pero sa tuwing bumabalik sakin yung takot na baka ngayon sabihin na talaga sakin ni Ryle na hiwalay na kami.

Ryle:

Bakit?


Hindi rin nagtagal ay nagreply agad siya sa text ko.

Ryle:
Ako ang nagtatatanong sayo kaya wag mo akong sagutin nang tanong.

Isang linggo na kitang hinahanap pero miski sila Cassie ay walang alam kung nasan ka.

Ngumiti ako sa nabasa ko. Masaya na akong bumalik na siya sa pamilya niya at sa mga kaibigan ko.

Ryle:

Nakabalik ka na pala sa maynila...
I'm glad to know that!
Ingat ka palagi and...
Don't look for me dahil hindi na ako babalik jan.

Pagkatapos kong isend at tinago ko na ang cellphone ko sa bag saka naglakad na kahit naramdaman ko ang tumunog ang cellphone ko ay hindi ko na pinansin.

Maibabalik ko lang yung sakit na dinulot ko kay Ryle. Yung ibang tao na nakakasalubong ko sinasabi nila sakin na parang pamilyar ako at parang nakita nila ako sa tv pero hindi ko nalang sila pinansin.

Dahil sa pag-iisip ko kay Ryle ay hindi ko namalayan ang padating ng matulin na sasakyan kaya napatili nalang ako saka naramdaman ang pagbanga nito sa katawan ko.

"Okay na po ba siya Doc?" rinig kong tanong sa isang matipunong boses.

"Okay na siya... Hindi naman ganon kalakasan ang pagkakabangga mo sa kanya," paliwanag sa kanya. "Natawagan mo na ba ang relatives niya?"

Minulat ko ang mga mata ko saka tumingin sa paligid kong puro puti lang at may dalawang lalaking nakatingin sakin.

"Where am I? What happened?" naguguluhan kong wika.

"Pasensya na miss kung nabangga kita ha? Tinawagan ko na pala yung taong nasa recent messages mo at sinabi kong nandito ka." paliwanag niya.

Inexplain rin sakin nang doctor ang nangyare kung bakit ako may benda sa noo at ang kaliwang kamay ko.

Napalingon nalang ako nang may tumulak nang pinto ng kwarto ko saka niluwa nito si Ryle kasama ang mga kaibigan namin.

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon