"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Jasper nang makababa ako na dala ang gamit ko.Napalingon naman sakin si Mommy at Daddy pero umiwas nalang ako nang tingin sa kanila.
"Aalis nalang po ako dito... Kung nahihirapan kayong makita si Ryle na kasama ko ay aalis nalang ako dito," ani ko.
"Pero----"
Pinutol ko na agad si Kuya Jasper para hindi humaba pa ang usapan.
"I... I didn't expect this. Never in my life that I'll expect this day, That I need to leave my family..." hagulgol ko.
"A-Anak?" ani Dad. Inilingan ko lang siya saka tumingin kay Mommy.
"I never regret having this family, For being part of this family but... Ang sakit niyong maging pamilya. Ang sakit maging anak ninyo.. Sobrang sakit," dagdag ko habang umiiyak sa harap nila.
"Aalis ka talaga para sa lalaking yun?" malamig na wika ni Mommy. "Sisirain mo ang pamilya natin para sa kanya?!"
"Matagal na tayong sira Mom... Sira na pilit ni-rerecover pero this time hindi na kayang ma-recover. H-Hangang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ayaw niyo kay Ryle,"
Hangang ngayon hindi ko akalain na hahayaan mong umabot tayo sa ganitong sitwasyon.
Tumalikod na ako at lalabas sana nang marinig kong magsalita si Momy sakin na mas lalong kinagulat ko.
"Kapag umalis ka sa bahay na 'to, Wala ka nang babalikan Nic----"
"Mommy please...." wika ni Kuya.
"Kapag lumabas ka nang bahay ibig sabihin pinipili mo yung lalaking yun kaysa saming pamilya mo," aniya.
Mas lalo namang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Do I really need to choose?
Kinagat ko yung labi ko saka humarap kay Mommy. "Tama na Mom! Tapos na akong intindihan ka sa pagiging makasarili. Hindi ako ang mamimili dito kundi ikaw! It's either you'll accept Ryle in my life or you'll lose your daughter,You'll lose me!"
Dumire-diretso na ako hangang sa makarating ako sa sasakyan ko.
"Open the door!" utos ko.
Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang malungkot at mapaiyak.
Hindi ko alam kung pupunta at makikibagbalikan pa ba ako kay Ryle? Do I deserve him?
Sa huli naisipan kong pumunta sa pinagtambayan namin ni Ryle kanina para makapag-isip.
Nasaktan ako para sa wala pero si Ryle nasaktan ko siya dahil hindi ko siya nagawang pagkatiwalaan nang husto.
Siguro nga tamang hangang dito nalang kami kaysa makipagbalikan ako tapos masasaktan ko lang siya. He doesn' deserve it.
Naramdaman ko naman ang cellphone kong tumutunog at nakita ko ang pangalan ni Kuya Jasper.
[Bunso? Hello,]
"Bakit po?"
[Nasan ka? Pleaase, Come back here!]
Umiling ako kasabay nang pagsalita ko. "I'm sorry Kuya... Sorry pero hindi na ako babalik jan,"
Pagkatapos kong sabihin ay agad ko namang pinatay ang tawag.
We just have to accept the fact that some people are going to stay in our hearts even if they don't stay in our lives.
Ngayong umalis ako sa amin ay wala akong idea kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta sa mga kaibigan ko
dahil malalaman lang ni Ryle na nandon ako.
BINABASA MO ANG
Love Series 2: Complicatedly Inlove
DragosteShaina Nicole Fuentabella, ang naturingang masunurin na bunsong anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod niya dahil naniniwala siya sa sinasabing "Mother knows best" Totoo nga naman kasing walang magulang n...