Pagkahatid sakin ni Ryle sa bahay ay umuwi rin agad siya para makapagpahinga ako.
Mayamaya biglang nag-ring ang phone ko kaya binaba ko ang notebook na binabasa ko.
"Why are you calling? Akala ko ba para makapagpahinga ako?"
Narinig ko naman ang halakhak niya sa kabilang linya.
[Namiss kasi kita,] malambing wika ni Ryle.
"Anong kailangan mo at nambobola ka?"
[Shaina naman... Bawal ba kitang mamiss?]
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghahalhak ko.
"Come on! Ryle, Ano yun?"
[Magpapaalam lang ako kung pwede akong sumama kela Ulysses sa bar? Kaming tatlo lang...]
See? Halatang may gustong ipahiwatig eh. "Bakit?"
[Mag-cecelebrate lang kami para kay Sandrei?]
"Okay."
Wala nang nagsalita kaya pinakinggan ko nalang ang paghinga niya.
[Okay? Are you sure baby? You know Shaina If you don't want me to go, It's fine!] wika niya.
"Ryle, It's really okay... You need that too. Minsan mag-bonding din kayong tatlo, Wag yung puro nakabuntot saming girls." Halakhak ko. "Basta walang girls Ryle. I trust you!" dagdag ko.
Narinig ko naman yung paghalakhak niya. [Baby, I know how to be contented and you are enough for me... Hindi ako magpapakalasing at walang babae, I promise!]
"Okay.... Ingat ka ha?" ani ko.
[Opo... I'll update you time to time. I love you mahal!] paalam niya.
Binaba ko nanaman ang tawag niya pagkatapos niyang magpaalam sakin. Mahal ko na si Ryle pero ayokong sabihin sa kanya habang hindi pa kami mag-boyfriend and girlfriend.
Umupo at sumandal nako sa headboard nang kama ko habang nagrereview nang may kumatok sa kwarto ko.
"Come in po," sigaw ko.
Dumungaw naman si Daddy sakin saka nagpaalam. "Okay lang ba kung pumasok? Nagrereview ka ba?"
Sinarado ko naman ang notebook ko skaka tumango sa kanya. "Okay lang po Dad. Bakit po?"
Inaantay ko kung anong gustong sabihin ni Daddy pero nakatingin lang siya sakin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa itsura ni Daddy ngayon.
"Kumusta kana anak?" tanong niya.
"I'm fine Dad... How about you and Mom?"
"Okay lang din... Sinagot mo na ba si Ryle?"
Napatingin naman ako sa tanong niya sakin. "Hindi pa po but maybe one of this day I'll say yes to him. Afterall, One year na siyang nanliligaw sakin,"
Tumango-tango naman si Daddy sakin sa huli ay nagpaalam din si Dad saka ako binigyan nang halik sa noo bago lumabas.
Tinabi ko narin ang notebook ko saka pinatay ang lampshade at natulog na.
Bandang hating-gabi nang tumunog ang cellphone ko. "Hmm... Hello!"
[Mahal, Tulog kana ba?] malambing na wika mula sa kabilang linya.
Napatingin naman ako sa alarm clock ko saka napasandal sa headboard.
"Obviously, It's already 1am in the morning kaya malamang tulog na ako," inis kong wika. "Bakit gising ka pa?"
BINABASA MO ANG
Love Series 2: Complicatedly Inlove
RomanceShaina Nicole Fuentabella, ang naturingang masunurin na bunsong anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod niya dahil naniniwala siya sa sinasabing "Mother knows best" Totoo nga naman kasing walang magulang n...