Naabutan ko si Ryle na nakasandal sa sasakyan niya habang kausap si Kuya Jasper.
"Kuya Jasper," tawag ko.
Lumingon naman silang dalawa sakin saka tumawa si Kuya Jasper.
"Nagkwentuhan lang kami baby kaya wag kang OA jan," Halakhak ni Luya Jasper.
"Wala po akong sinabing ganyan Kuya," kibit-balikat ko. "Pasok na po kami Kuya." Hinalikan ko siya sa pisngi saka lumapit kay Ryle.
Pagpasok namin sa sasakyan ni Ryle ay hinalikan naman niya ako sa pisngi. "Good morning Mahal!"
"Good morning," Tipid kong wika.
Napalingon ako sa kanya nang hindi niya padin pinapaandar ang sasakyan.
"Matamlay ka? Is this because of what happened last night?" aniya. "Please, Shaina don't stress yourself! Okay lang at naiintindihan ko na hindi tanggap ng Mommy mo ang relasyon natin pero ipaglalaban kita kaya wag ka nang malungkot jan," dagdag niya pa.
Nginitian ko naman si Ryle saka hinawakan ang kamay niya.
"I love you Ryle!" ngiti ko sa kanya.
"See? That's better Mahal... Ang ganda ganda nang mahal ko kapag nakangiti eh," Kumindat pa siya sakin saka pinaandar ang kanyang sasakyan.
Pagdating namin sa university ay sumalubong sakin yung mga kaibigan namin.
"Are you okay beb?" sabay na wika nila Cassie.
Ngumiti naman ako sa kanila saka tinaas ang kamay ko para mag-thumbs up. "I'm already okay... Thank you!"
"Bro, Pinapasabi ni Coach na may laban tayo ng basketball bukas sa AE university," wika ni Ulysses.
"Bukas? Saturday bukas ah?" wika ni Ryle.
Nagkibit-balikat naman sila Ulysses sa kaibigan nila.
"Pupunta kayo Cassie?" tanong ko.
Bago pa makasagot si Cassie ay sumingit na si Sandrei.
"Of course! She'll be watching me," aniya.
"Bakit mahal? May lakad ka ba sana bukas? Maybe, I can excuse myself----"
Natawa naman ako na kinatigil niya sa pagsasalita. "Oh, Come on! Ryle, You don't need to excuse yourself dahil wala akong lakad at kung meron man ay hindi naman kailangan lagi kang nakabuntot sakin,"
Pumasok na kami sa kanya-kanya naming room nang magsalita si Tiffany.
"Alam niyo yung mga jowa niyong dalawa ay di kakayanin kapag wala kayo 'no? Laging nakabuntot sainyo eh," Tumatawang wika niya.
"Mararanasan mo yan kapag naging jowa mo na si Ulysses," ani ko.
"That's will never happen!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Cassie saka tumingin sa kanya at sabay na nagsalita.
"Wag kang magsalita nang tapos Tiffany!"
Bago pa siya kumontra ay dumating na ang professor namin kaya tumahimik at nakinig nalang kami sa lesson.
"Hindi ka nag-aayos nang gamit mo Beb? Hindi ka ba kakain?" tanong ni Cassie sakin.
Umiling lang ako sa kanila saka binalik sa notebook ang tingin ko.
"Beb, Kanina ka pang ganyan? Kunware nakikinig at nag-nonotes pero lutang ka naman," singgit naman ni Tiffany. "Hindi mo madedeny Ina... Ilang beses ka bang tinawag nang prof na hindi nakasagot? Ni wala ka ngang sinulat oh?"
Ngumiti lang ako nang tipid sa kanila.
"Okay lang talaga ako... Kumain na kayo,"Wala silang nagawa kundi umalis nalang din. Wala lang talaga ako sa mood na kumain at tama sila hindi ako nakakapag-focus sa klase kasi nga iniisip ko yung nangyari kahapon.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto nang room at dire-diretsong nagtungo sakin si Ryle.
"Bakit di ka kakain?" mahinang wika niya.
"Hindi ako nagugutom," ani ko.
Tinignan naman ako ni Ryle sa dalawang mata ko kaya binigyan ko lang siya nang tipid na ngiti.
"Diba sinabi ko na sayo na wag mong istressin ang sarili mo nang dahil hindi ako tanggap nang Mommy mo?" aniya. "Shaina, I'll do everything to have your mother's support, Just promise me that you'll never leave me." dagdag niya.
"Sino ba may sabing iiwan kita Ryle?"
"Kumain kana please mahal ko..." pagsusumamo niya sakin. "Wag mo nang isipin yung nangyari kasi okay lang ako,"
Hindi parin ako tumatayo sa pwesto ko at pinipilit na ayokong kumain.
"Kung hindi ka kakain Mahal ay hindi narin ako kakain," aniya.
Tinignan ko naman siya nang masama sa sinabi niya.
"What?! Hindi pwedeng ang mahal ko lang ang nagugutom dito 'no?" dagdag niya pa.
Bumuntong-hininga naman ako saka tumayo. "Okay, Fine! Kakain na ako nang kasama ka,"
Napangiti naman si Ryle sa sinabi ko saka hinawakan ang kamay ko. Naglakad na kami papuntang Cafeteria.
"Oh, Napapayag mo Ryle?" wika ni Tiffany na tinanguan nang boyfriend ko. "Si Ryle lang pala ang makakapagpakain sayo eh... Ang arte girl!"
"Inggit ka lang!" ngisi ko.
Tawanan at kwentuhan lang ang ginawa namin habang kumakain dahil may two hours naman kaming vacant time bago ang subject na ito.
"Sa tambayan nalang tayo!" aya ni Sandrei samin. Sinang-ayunan naman namin kaya dumiretso na ron.
"Kayong dalawa... Ingat kayo jan kay Ryle at Sandrei baka mabuntis kayo niyan," Tumatawang pang-aalaska ni Ulysses.
Nasamid naman ako sa narinig ko. Naramdaman ko nalang yung kamay ni Ryle na hinihimas ang likod ko.
"Gago! Ano bang sinasabi mo?!" sigaw ni Ryle.
Humalakhak naman si Ulysses saka ngumisi sa kaibigan niya. "Diba dati mahilig kang makipag-chukchakan sa mga babae sa bar?"
Lumingon ako kay Ryle saka siya binigyan nang masamang tingin.
"Oh...Mahal, Wala akong alam sa sinasabi niya?" Nakataas pa ang kamay niya.
Tumingin naman ako kay Cassie na tumatawa lang habang si Sandrei ang sama na ang tingin kay Ulysses na patuloy ang pagkwekwento.
"Diba nga kapag nasa bar tayo tapos... Tapos paglabas mo nang cr ay nakasunod na rin sayo yung babae... May kissmark ka pa nga eh," aniya.
"Talaga Ulysses?" Tinaasan ko pa siya nang kilay.
"Oo Ina," ngisi niya habang ang sama nang tingin ni Ryle sa kanya.
"Hmm... Sa cr pala ha?" Lingon ko si Ryle habang nagsasalita. "Magaling ba Ryle ha? Nag-enjoy ka ba?"
"The fuck! Walang nangyaring ganon!" aniya saka hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko. "Tumahimik ka nga Ulysses! Tang ina nito!" mura nito sa kaibigan niya.
Tumawa naman sila Ulysses sa itsura ni Ryle ngayon.
"Kadiri ka!" ani ko sabay irap sa kanya.
"Hey, I didn't do it. I swear!" wika ni Ryle. "Mahal please! Wag kang maniwala kay Ulysses,"
"Okay lang naman Ryle since di pa naman tayo magkakilala 'non... Pero wag na wag ka lang magpapahuli saking gawin yun dahil...." Binaba ko ang tingin ko sa kanya papunta sa ibabang bahagi niya. "Siguradong putol yang alaga mo!"
Napalunok naman siya sa sinabi ko saka tinakpan nang bag ang binti niya. "Don't worry mahal, That will never happen!"
Inirapan ko siya kaya nag-middle finger siya kay Ulysses na tuwang tuwa sa mga kaibigan niya.
Alam ko namang nagsasabi nang totoo si Ryle sadyang sinakyan ko lang si Ulysses sa pang-aasar sa kaibigan niya.
"Ryle,"
Napalingon naman kami sa pinanggalingan nang boses na tumatawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Series 2: Complicatedly Inlove
RomansaShaina Nicole Fuentabella, ang naturingang masunurin na bunsong anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod niya dahil naniniwala siya sa sinasabing "Mother knows best" Totoo nga naman kasing walang magulang n...