PROLOGUE 1.3

0 0 0
                                    

Prologue 1.3

KYLE LEZIUS VINZON|POV

ISANG hakbang lang naman ang gusto kong gawin para bigyan ng tuldok ang pag-iilusyon ko,pero bakit hindi ko magawa?May kung anong pumipigil sakin sa hindi maipaliwanag na dahilan.Gusto kong kumbinsihin ang sarili na huwag magpatalo sa sariling kuryusidad.Pero nanlambot ako ng isang mainit na palad ang humawak sa nanlalamig kong braso.

Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug!Dug

"Matagal na kitang gustong makausap.
Sapat na ang isang taon na paghihintay para klaruhin ang lahat.Kaya kung pwede sana...huwag ka munang umalis."

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkagulat.Gulong gulo na naman ako.
Nagtatalo na naman sa isipan ko ang mga ideya na matagal ko ng nabigyan ng kasagutan.

Anong nangyare sa pinaimbistiga ko?

Dahan dahan akong nagbaba ng tingin sa kamay niyang pumipigil sa braso ko.Sapat na ang higpit non para patunayang may laman siya.Gusto kong sabihin na matagal ng klaro sakin ang lahat.Pero dahil sa sinabi niya ay nag-dalawang isip ako.

Isang taon niya akong hinintay para lang makausap?

Parang may kung anong kilabot ang dumaloy sa katawan ko na nagpataas ng mga balahibo ko dahil sa naisip.

Fuck!

Para iyong kuryente na nagpabalik sakin sa reyalidad.

Bakit kailangang isang taon ang hinintay niya para pang klaruhin ang lahat?Hindi niya man lang ba inisip na maraming posibilidad ang mangyare sa loob ng isang taon na paghihintay niya?

Palaisipan man at nakakaloko,isa lang ang sigurado ako sa pagkakataong ito,kailan man ay hindi ko siya naging ilusyon.Tuloy ay hindi ko alam kung dapat ko ba yun ikatuwa dahil halos isang taon kodin na inisip ang bagay nayun.Napabuntong hininga ako."Isang taon kong inakala na multo ka.Isang taon akong naging praning kakaisip na multo ka.Alam mo ba yun?"Pagsabi ko ng totoo.Ngayong alam kona na hindi siya isang multo,hindi kona alam kung pano itatago ang galit na nararamdaman.Wala siyang ideya sa mga nangyare at hindi ko alam kung ito na ba ang tamang pagkakataon para malaman niya.Ganoon paman,mas namamayani sa puso ko ngayon ang galit sa kaniya.

Sandaling katahimikan ang namayani bago siya nagsalita."Kaya nga gusto kitang makausap para linawin ang bagay nayan-"

"Linawin?"Mapakla kong pagputol sa kaniya."Paano mo sakin lilinawin na hindi ka isang multo kung sa isang iglap lang ay kaya mong maglaho?Sige nga,
linawin mo sakin.May normal bang tao na nakakagawa non?At kung totoo nga na gusto mong klaruhin ang lahat dapat kinaumagahan matapos ang nangyare nong gabing iyon nagpakita ka ulit.Pero hindi,naghintay kapa talaga ng isang taon bago magpakita?Tapos ngayon haharap ka sakin para linawin na hindi ka multo kagaya ng inakala ko?Ngayon mo lilinawin kung saan inakala na ng pamilya ko na may deperensya ako sa utak kakasumbong nong gabing bigla kang naglaho?"Hindi ko mapigilang magtaas ng boses at kuwestunin ang mga sinabi niya.Bigla ring sumikip ang paghinga ko dahil sa galit na kinokontrol.

Napakuyom na lamang ako ng kamao.
Inalala ko ang ilang linggo na hindi ako makatulog ng maayos dahil sa takot na baka nasundan niya ako pauwi sa bahay,sa pag-aakalang isa siyang masamang ispiritu.Inalala ko ang mga sinayang kong laway kaka explain kina Mommy na hindi ako gumagawa ng kwento o nasisiraan ng bait.Inalala ko rin ang araw na pumunta kami ni Kuya Mattew sa isang Psychiatrists para ikunsulta ang pangyayaring iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

|POLICY OF LOVE|-a broken piece of lieWhere stories live. Discover now