PROLOGUE 1.1

3 1 0
                                    

Prologue 1.1

|KYLE LEZIUS VINZON|POV

HALOS isang buwan na ang nakakalipas matapos ang nangyaring Ghost Encountered ko sa Resort namin.Pero hanggang ngayon hindi parin mawala wala sa isipan ko ang biglaang paglaho ng misteryusong babaeng yun.Para akong nakokonsensya na ewan!Hindi ko alam,basta sinasabi ng utak ko sakin na kailangan ko siyang hanapin.Kaya tinatanong ko naman ang sarili ko na 'bakit kailangan ko siyang hanapin'?
Dahil ba tinulungan niya ako kaya kailangan kong mapasalamat sa kaniya?

Kinuwento ko kina Manang ang nangyare pero hindi naman sila naniwala sakin.
Sinubukan korin sabihin kay Mommy pero tinawanan lang nila ako ni Dad.Kaya para patunayan na hindi ako gumagawa ng kwento o kung anong tawag nila sa sinabi ko.Nag paimbistiga ako!

"Wala parin bang update galing kay Captain Rad?"Pagbaling kong tanong kay Manong Jerry!Sa pag papaimbistiga ko,
kinuha ko ang kilalang tao dito sa lugar namin pagdating sa ganitong bagay.
Tinanong korin ang Daddy ni Angelo kung sino ang mai-rerecomend niya sakin pagdating sa gusto kong malaman.Si Captain Rad ang sinabi niya.Kilala ang Daddy ni Angelo bilang Chief Police dito samin.Sa dami ng kasong naresulba ni Tito hindi kona alam kung pano siya tatawagin dahil sa taas ng kaniyang katungkulan.

Wala akong masyadong alam kay
Captain Rad dahil sa tagal naming namalagi sa State para ipaggamot ang
mga paa ko.Pero para makasigurong mabibigyan linaw ni Captain Rad ang
mga tanong sa isipan ko,pina background check ko siya kay Manong Jerry.Bukod sa gusto kong patunayan na hindi ako gumagawa ng kwento,gusto koring malaman kung tao nga ba siya at hindi isang maitim na kaluluwa na gumagala sa resort namin.Dahil kung isa siyang maitim na kaluluwa na gumagala dito sa resort namin,hindi ako magdadalawang isip na pa basbasan ang bawat area ng resort namin bago kami bumukas.

At kung mapapatunayan ko naman na isa siyang totoong tao at hindi isang multo.
Kailangan niyang magpaliwanag sakin kung bakit siya pumasok sa resort namin ng walang permiso.Hindi niya ba nakita ang malaking poster na nakapaskil sa labas na 'under renovation' pa ang
resort kaya bawal pang mag papasok?O baka naman nagbulagbulagan lang siya para makapasok siya ng libre at maenjoy ang ganda ng resort namin.Hindi dahil tinulungan niya ako makakaligtas na siya sa ginawa niya.

Pero sa tuwing naaalala ko ang bigla nitong paglaho,gumugulo bigla ang isipan ko.Nagtatalo ang mga ideyang hindi naman dapat paniwalaan sa dapat paniwalaan.Pagkatapos makuha kanina ang results ng CT scan at MRI ko.Dito na ako dumiretso sa resort namin.Mag-gagabi na kaya nagbabaka sakali na naman akong baka makita ulit yung black lady nayun.

Lumakad papalapit sakin si Manong Jerry.Isang brown envelope ang ginawad niya sakin."Personal kong kinusap kanina si Captain Rad para makakuha ng balita.Pero inabot niya lang to sakin."

Sandali akong napatitig sa envelope.
"Wala na ba siyang ibang sinabi?"
Tanong ko sabay kuha ng envelope.

Napabuntong hininga si Manong Jerry saka napailing."Bukod sa pinabibigay niya yan sayo.Pinasasabi niya rin na
malinaw daw pong walang katotohanan ang gusto niyong ipaimbistiga sa kaniya!"

Muntik ko ng mabitawan ang hawak na envelope matapos marinig ang sinabi ni Manong Jerry.Gulat akong napatingin sa kaniya.Kay Captain Rad kolang sinabi ang gusto kong ipaimbistiga.Kaya wala siyang ideya tungkol dito.Napalunok ako.

Walang katotohanan?I-big sabihin?Multo nga talaga yung babaeng yun?Ibig sabihin naka encounter nga ako ng totoong multo?

|POLICY OF LOVE|-a broken piece of lieWhere stories live. Discover now