Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

|SHAXIANA FAYE EULOSA VALDEZ|POV

"KAILANGAN niyong I-REVIEW lahat ng pinag-aralan natin ngayong araw,dahil bukas ko gagawin ang paunang recitation ngayong quarter."pagtatapos ni Maam Divine ng klase.Maraming umangal dahil sa sinabi nito,pero isang istriktong taas lang niya ng kilay ay agad natahimik ang loob.

"Ugh,nandiyan ka na namang bwesit kang recitation."pabulong na angal ni Shaira sabay irap.

Palihim naman akong napasipol.

Unang araw sabak agad?

"Ang walang maisasagot bukas ay siyang maiiwan para maglinis nitong silid...ng buong linggo!"dagdag pa ni Ma'am Divine na siyang kinabagsak ng balikat ng ilan.
"Goodbye!"mabilis nitong kinuha ang pamaypay sa ibabaw ng mesa at naunang naglakad palabas.

"Bye Ma'am Divine~"makunat na sagot ng lahat.

Nang hindi na makita pa ang damit ni Ma'am Divine ay doon na nagsimulang umingay ng reklamo ang loob.

"Putcha ang istrikto talaga ni Tanda!"
naiinis na pagsabunot sa buhok ng isa sa mga lalaki naming kaklase at padabog na sinipa ang upuan.

"Para ngang nakikita kona yung score ko bukas sa mga mata palang ni Maam Divine.Ano bayan!"kakamot-kamot ulo namang sabi ng kasamahan nito.

Isa pa naming lalaking kaklase na kilos babae ang lumapit sa kanila.Namewang
ito sa harap ng mga kaklase naming nagrereklamo habang hawak sa likod ang nirolyong notebook."Hoy!Ang mabuti pa mag si-review kayong mga kurapika kayo kesa sa puro reklamo binubuga niyang mga bibig niyo!Kung maka reklamo kayo parang hindi na bago ang sinabi ni Ma'am Divine,ah?Ano yun?Feeling transferee?"Tapos bigla nitong hinampas ang ulo ng bawat isang nagreklamo.

"Aray,Leo-ang sakit!"daing ng mga nahampas."Wala na ngang laman ang utak namin inalog mopa!"

"Reklamo bayun?Ehh kung wala naman palang aalugin diyan sa utak niyo ano pang kinababahala niyo?Ano na naman yan?Feeling genius,ganon?"

"Psh!Makaalis na nga!"

Napailing nalang ako bago bumaling kay Shaira."Tara na."yaya kona sa kaniya dahil kanina pa siya tapos mag-ayos ng gamit pero naglalagay pa ng kung-ano ano sa mukha.

"Saglit lang naman."reklamo nito."Mag papabango pa nga ako eh."

Awtomatiko akong napalayo sa kaniya ng makita ang maliit na bote na naglalaman ng nakakamatay na amoy.Sa pag-atras ko hindi ko namalayan na napalapit na pala ako sa pwesto nina Gema.

"Hindi pa ba kayo uuwi?"hindi ko inaasahan na paglapit sakin ni Gema matapos maligpit ang gamit.

"Hinihintay kopa siya."pag-nguso ko kay Shaira na ngayon ay buhok niya naman ang inaayos.

"Gusto ko sana kayong isabay sa pag-uwi kaso..nauna na si Hazel."nahihiya nitong sabi.

Isabay?

"Huwag na,Gema."pagtanggi ko.Wala akong makitang dahilan para sumama sa alok niya.

Napatango tango siya."Okay,but next time sana pumayag na kayo,ah.I really want to be friends with you kasi eh.mauuna na ako,ah?See you tomorrow,nalang,guys!"nakangiting
pagpaalam nito.

Isang tango ang sinagot ko sa kaniya.

Masyado pa atang maaga para sa 'guys' na sinabi niya.

|POLICY OF LOVE|-a broken piece of lieWhere stories live. Discover now