Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1

|LEVI JANE SHAZAIRA VALDEZ|POV

Tawanan!

Sigawan!

Kumustuhan!

Daldalan!

Yan ang 'welcome section II' ng 10-B sa mga studyanteng nalipat sa section nila ngayong taon.

Nakakabadtrip!

Kanina pa ako naiinip dahil sa ingay ng mga bago naming kaklase,dinaig pa kasi nila ang pamilyang may reunion dahil sa lakas ng kamustahan.

Hay nako!

Napairap nalang ako ng makitang busy na naman si Shaina sa pagbabasa ng librong hindi ko maintindihan kung bakit niya binabasa.Ni hindi niya man lang inayos ang pagkaka suot ng bagong school uniform namin.Bumaba ang mga mata ko sa paanan niya,nakahinga ako kahit papano,buti naman at may maayos niyang naisuot ngayong araw.Tutal wala pa naman ang bago naming teacher.Mabilis kong kinuha sa bag ang pink at cute na cute kong bagong salamin.

Nakakapanghinayang lang dahil basag na yung madalas kong gamitin.

Tsk!Kung hindi lang sana mala pader ang likod ng Angelo-ng yung hindi naman mababasag ang baby cutie salamin ko e.
Hmp!

Napangiti nalang ako!

Ang ganda ganda ko talaga!

Pero agad ding napasimangot ng makitang pawala na ang kulay ng labi ko.

Kainis naman!

"Wow,this is the latest brand of lipcolor,
buti kapa allowed na gumamit nito.Saan mo to na order,Gema?"

Lipcolor?

Naibaba ko ang hawak na salamin at napatingin sa dalawang babaeng nag-uusap sa kaharap naming upuan.

"Actually,advance gift sakin yan ni Dad.I once told him kasi na I love the products of lipcolor and I wanted to buy at least one.Pero hindi ko naman expected na i-gagrant yun sakin ni Daddy pagkauwi niya from Manila!"nakangiti at mahinhin na sagot naman nong Gema.

Awtomatikong napataas ang kilay ko dahil sa paraan ng pananalita nito.Pakiramdam ko rin ay lumaki ang tenga ko para marinig ng maayos ang tono ng bawat salita niya.

"Ang swerte mo talaga sa parents mo,
naiingit tuloy ako!"may bahid ng kalungkutan sagot nong kausap niya.

Napaayos ako ng upo.

Gusto kong sumang-ayon don sa babaeng kausap nong Gema.Pero hindi ko nagawa dahil sa katotohanang wala naman akong dapat ikainggit kahit na meron pa siyang collection ng bagay na gusto ko.Sana nga meron din ako nong dalawang bagay na meron siyang higit na mas mahalaga sa mga materyales na meron siya ngayon.

"Bakit ka naman naiinggit?E' mas lucky ka nga sa parents mo kesa sakin."

"Sige switch parents tayo para malaman mo sagot diyan."

Tapos bigla nalang silang dalawa nag hagikhikan.

Ano bang nakakatawa don?

Tumayo ako at lumakad papunta sa harapan nila.Mukha naman silang nagulat kaya lumawak ang ngiti ko.Siyempre expected ko ng magagandahan sila sakin."Hi!Ako si Shaira dating Section A,yung transferee last year?Hindi niyo ba ako namumukhaan?Well,okay kang naman kung hindi niyo ako nakikilala."
Pagpapagkilala ko ng sarili sa kanilang dalawa.Pero ng hindi naman sila mag react ay napaayos ako ng tayo."Anyways!Sorry kung naistorbo ko kayo sa chikahan niyo,pero narinig ko kasing hindi ka naman mahilig sa mga ganito,
diba?"kinuha ko ang isa sa mga product ng lipcolor at humarap don sa babaeng nag-ngangalang Gema."Gema right?"
inosente kong tanong.

|POLICY OF LOVE|-a broken piece of lieWhere stories live. Discover now