Chapter 6: Sharamdaram

73 5 1
                                    

3rd Person's POV

     Nakatulog nalang si Lisa sa couch pagkatapos nito
maglinis ng mga kalat sa inuman ng papaitan ghorls.
Hindi na niya mabuhat ang katawan kaya nahimlay
nalang sa sala ni Jennie.

9:oo am
Bumagon si Jennie na pupungas pa ng mata palabas ng
kwarto niya.
Dumiretso sa kusina para mag painit ng kape.
Di niya batid ang humihilik na si Lisa na nakahimlay sa
sala dahil tuloy tuloy lang siyang naglakad papuntang
kusina.

Tumunog ang takure na pinapakulong tubig ni Jennie ,
hindi pa kasi niya natatanggal sa bagahe niya ang
coffee maker kaya tamang pakulo muna sa takure ang
ginagawa ni Jennie para makahigop ng mainit na kape.

Kasabay ng pag tunog ng takure ay ang pagiinat ni Lisa sabay groan nito.
Muntik naman matapon ni Jennie ang tasa ng kape na hawak
ng marinig ang ungol ni Lisa.

" Anak ng mader! anong ginagawa mo dyan?! pano kana naman nakapasok dito?!" sabi ni Jennie na akmang bubuhusan ng kape si Lisa.

"Ano kasi.. TOO MANY TO MENTION eh. Lasing kana kagabi then iniwan ka sakin nila Irene." sabi ni Lisa na napabalikwas ng bangon sa sofa ni Jennie.

Kumalma naman agad si Jennie at humigop ng kape pilit inaalala ang mga kaganapan kagabi.

"May ginawa ba kong kahihiyan kagabi? May mga sinabi ba akong di kanais nais kagabi? Tell me!" sabi ni Jennie habang palapit ng palapit ang mukha nito kay Lisa.

Naging speechless naman ito dahil sa pagkakalapit ng mukha nila at napalunok ng lamang habang tinatakpan ang bibig.
Nagtaka naman si Jennie kung bakit nagtakip ito ng bibig.
Napansin niyang ang lapit na pala ng mukha niya dito at napaatras siya.

"Ang kapal din ng apog mo noh? Akala mo siguro hahalikan kita? Never!" sabi niya at binalikan ang kape niya.

"Hindi naman sa ganun..Hindi ako makapag salita kasi ang lapit ng mukha mo eh.. dipa ko nakakapagmumog hehehe.." sagot ni Lisa napakamot pa sa ulo.

"Wag ibahin ang usapan sagutin mo yung mga tanong ko!" sabi ni Jennie at tinaasan ito ng kilay.

Nagisip si Lisa kahit wala siya nun keme lang talaga niya.
"Hmm..wala naman..maliban sa nagsuka ka everywhere na nilinis ko pa." sabi ni Lisa na parang kinukunsensya ito.

"Ayt pasensyaa.. unconscious ako last night.. but thank you sa pag care.." sabi ni Jennie na akala mo mabait na kuting.

"Anong care? Nilinis ko lang talaga kasi kadiri ka duh!" sabi ni Lisa sabay roll ng eyes niya.

"Ah ganun? Akala ko pa naman talagang nagbago kana! Until now jerk kapa din! O sya lumayas ka sa pamamahay ko! bago ako magsisigaw dito para isipin ng mga kapitbahay may balak ka saking masama" bwelta ni Jennie habang nakapamewang.

"Dimo ko need paalisin kasi kusa akong aalis noh? Amfee mo!" sagot ni Lisa sabay tumayo para lumayas sa pamamahay ni Jennie.

"I CAN'T EVEN! Tangina mo talaga Lisa!" inis na inis na sigaw ni Jennie.

Sa kabilang banda..

Tahimik na nagkakape si Dahyun sa Dubu's Fresh Soya Milk ng dumating na di inaasahang tao.

"Hoy Toks! Asan na yung tokwa ko? Nagkapamilya nako lahat lahat wala pa din!" bungad ni Seulgi kay Dahyun.

"Tangina ang OA mo?! May pamilya kana talaga oy! Tyaka di ka naman na dumaan sa bahay! What do you expect me to do? Deliver pa sa bahay niyo? Nalilito ka ata Seulgi" depensa ni Dahyun.

"Hehehehe pasensorrry na agad pare g na g eh.. Lumabas na ba si Lisa ma prend?" tanong ni Seulgi na sumasandok ng taho.

"Hindi pa nga eh..Kapitbahay mo yun diba? Dapat ikaw mas nakakaalam?? Teka ayan kana naman! Tigilan mo paninda ko!" paninita ni Dahyun kaso nakakuha na si Seulgi ng taho kaya napasinghap nalang siya.

Pepsi ColaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon