Chapter 4 : Papaitan Ghorls Walwalan Session

85 4 0
                                    

3rd Person's Pov

            Abala si Jennie sa pagaayos ng venue ng walwalan nila.
Aligagang aligaga sa paikot ikot ng sa bahay para ayusin ang mga pulutan at inumin.
Unang dumating si Irene at may dalang pakwan dagdag pulutan.
"Hoy mare! Masyado kana mang abala dyan! Hindi naman need ng bonggang ambience! Importante may chika at alak" paninita ni Irene kay Jennie.
Nagpunas ng pawis si Jennie at binaba ang mga red cups na gagamitin nila at shot glass. Need kasi nila ng tagiisang shot glass para sa safety nila dahil sa pandemic.
"Kebs na ba? Gusto ko lang naman maging special tong gabi na to para sa atin mga mare and you know naman that i missed you guys so much." paliwanag ni Jennie.
Niyakap naman ni Irene si Jennie dahil na-touch siya sa sinabi ng kaibigan.
"We missed you too mare, stay here for good na" sabi ni Irene habang magkayakap ang dalawa.
"Maybe.. let's see" sagot ni Jennie.
Bigla namang bumalibag ang pinto at bumungad ang tatlong babaihan, Si Nayeon, Sana at Mina.
"Anong drama itey? Bat di kami kasama sa yakapan?! Di pwede yan!" talak ni Nayeon.
"Ay! Wala kang karapatan mag attitude now! Sabi mo sakin tutulungan moko mag luto ng mga pulutan natin! Tumatawag ako sayo ng alas kwatro pa lang! Walang sumasagot mare!" bulyaw ni Jennie.

Flashback

         Tanghali ng napadaan si Nayeon sa bahay ni Jennie para tignan if badtrip pa din ba ang kaibigan.
Nadatnan naman ni Nayeon na nasa sofa si Jennie at nanonood ng Stranger Things while kumakain ng popcorn.
"Hoy bruha! Ayos ka lang ba? Tuloy padin ba ang kineso walwalan natin?" tanong ni Nayeon, habang  naghuhubad ng tsinelas at tumabi kay Jennie para dumukot ng popcorn.
"Oo naman mare, tuloy na tuloy kaso nga lang naghahanap ako ng tutulong sakin magprepare." sabi ni Jennie.
"Kung yun lang ang problema mare, tutulungan kita!" pagbibida ni Nayeon.
"Omayghad! True ba mare? If that's so, wala na pala akong problema." masayang sabi ni Jennie.
"Anong oras ba tayo gagayak mare?" tanong ni Nayeon.
"Mga 4pm mare, para after makapag ayos pa tayo ng sarili natin diba?" sagot ni Jennje na may pag apir pa.
"O sige, walang problema mare. O sya mauna nako asikasuhin ko muna mga gagawin sa bahay then punta nako here." paalam ni Nayeon.

Flashback End

   "Patawarin mare! Madami kasing gawain sa bahay eh hehehe. Ang kukupad ng tao sa bahay namin eh!" paliwanag ni Nayeon.
"O sige, ano pa nga ba? Ang importante nandito na kayo at masimulan nato." sabi ni Jennie sabay beso sa mga kaibigan.
Huli naman niyang nabeso ay si Mina na tahimik sa buong barkada.
"Minaaaaa! Miss you mare! Ikaw palang di ko nakikita simula ng umuwe ako dito! Kamusta kana?" pagbati ni Jennie kay Mina.
"Okay naman Jen." simpleng sagot ni Mina sabay ngiti ng parang napipilitan.
"Ay sige mare, upo na" sabi ni Jennie na medyo natakot sa ngiti ni Mina.
Lumapit naman si Jennie kay Nayeon para bumulong.
"Mare ah, nakakatakot pa din si Mina until now" bulong ni Jennie kay Nayeon.
"Gaga! Parang di kana nasanay! E dati kilabot ng grupo yan dahil sa malamig niyang pakikitungo" sagot ni Nayeon.
Nilibot naman ni Irene ang paningin kung kumpleto na sila pero parang may kulang na isa.
Ang pinakamatangkad sa grupo na si Joy.
"Mare si Jo~" naputol ang sinasabi ni Irene ng sumulpot sa kung saan si Joy.
"Hi mga pokpok! Nandito na ang Diyosa niyo!" bungad ni Joy na may dalang sandakmak na ice cube at isang dosenang Tang juice para sa chaser nila na galing pa ata sa tindahan.
"AYAN! MORE LIKE IT! MAY SUPPLY NG ICE CUBE AT CHASER!" sabi ni Jennie sabay beso kay Joy.
"So ano pang hinihintay natin? Di pa ba tayo magsisimula?" tanong ni Mina nakadekwatro sa upuan.
Nagkatinginan naman sila ng marinig si Mina.
"Sabi nga namin eto na mare eh, Si Joy kasi! Lagay mo na dito yung yelo sa bucket para tamang kuha nalang pag bet ng ice" sabi ni Jennie.
Sumunod naman si Joy at nagsimula na mga ang inuman session nila.

5 bottles later..
    
       "Mare bat ganun? Panget ba ako? Kapalit palit ba ako?" sabi ni Jennie na nagdradrama habang inaabutan ni Irene ng tissue.
"Hindi mare, maganda tayo! Hindi tayo papatalo syempre!" sabi ni Irene para i-comfort ang kaibigan, habang si Sana ay nakikipag vc kay Dahyun para mag update sa asawa.
Si Joy naman ay busy sa kakakain ng sisig .
Si Nayeon naman ay nilalagyan ng nilalagyan ang shot glass ni Jennie.
Si Mina ay tahimik lang sa gedli , tamang masid lang sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan.

Pepsi ColaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon