3rd Person's Pov
Nagising si Lisa sa tilaok ng manok ni Taeyeon.
Napasarap ang tulog niya at alam niyang di na siya makakapasok sa trabaho dahil may liwanag na.
"hay putangina...demonyong alak to di na naman ako nakapasok" sabi niya sa sarili habang nagiinat at nakapikit pa.Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya, sa sofa pala siya nakatulog.
Napansin naman niyang parang iba ata tema ng bahay niya.
"Teka.. kelan pa nag dark mode theme ng bahay ko?!" tanong niya sa sarili at napabalikwas siya sa kinahihigaan niya at bumangon.
Nilikot niya ang kanyang mga mata sa paligid at sigurado nga siyang hindi ito ang bahay niya.
Dali dali siyang tumayo para di siya maabutan ng mayari ng bahay. Ngunit huli na ata ng may magsalita habang akma niya ng bubuksan ang pinto palabas.
"Kung sino ka mang intruder ka, wag kang magkamaling gumalaw o tumakas dahil hindi ako magdadalawang isip iputok sayo tong hawak ko na gun!" pagbabanta ng babaeng mayari siguro ng bahay.
Napalunok naman si Lisa "potaa sana pala nakinig nalang ako kay Jisoo at nagpahatid nalang kay Wendy.." sabi niya sa sarili.
"Pasensya napo.. nagkamali lang po ako ng napasok na bahay kagabi dala ng kalasingan..wala naman po akong masamang intensyon..or nakawan kayo.." sabi niya habang nakatalikod pa din sa babaeng di niya alam kung sino.
"I don't think so.. do you think i'm that stupid to believe that nonsense reason??! Wala kang maloloko! So don't fucking move or else I'll shoot you!" sabi ng babae.
Dahan dahan humarap si Lisa, nagbabakasali na baka pag nakita siya neto eh mahumaling sa gwapong face niya at pakawalan na siya.
"Matino po akong tao manginginom lang kahit tan~" naputol ang sinasabi ni Lisa ng nagsalita ang babae.
"MANOBAN??!" tanong nito.
Nagulat naman si Lisa at tinitigang mabuti ang babaeng kaharap na may hawak pading baril.
"J-jennie?.." sagot niya na bakas sa mukha ang gulat ng makita ito.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at nasabi na lang sa sarili 'Deym! ang ganda pa din ni Jennie kaso di marunong magsuot ng short' sabi niya sa isip habang napapangiti. Oversized shirt na puti lang kasi ang suot ng babaihan.
"Anong nginigiti mo dyan MANOBAN?!"
sabi ni Jennie at lumapit ng konti, nakatutok pa din ang baril na hawak.
"M-magsuot ka muna ng short bago moko barilin" sabi ni Lisa na nakatingin sa tinutukoy at narealize naman agad ni Jennie ito.
"YOU IDIOT MANIAC! BASTOS! Umalis ka sa pamamahay ko!" sigaw ni Jennie.
"Galit na galit gusto manaket? Kanina sabi mo wag akong gagalaw. Ngayon pinapaalis moko? Gulo mo talaga til now Jennie" sabi ni Lisa na napakamot pa sa ulo.
"Don't act na parang close tayo co'z we're not. Anong sinasabi mong magulo ako? Sino ba yung di sumipot sa prom to be my first dance? Diba ikaw?!" Jennie blurted out. Sinamapal naman niya agad yung bibig niya dahil sa nasabi baka kasi isipin ni Lisa dipa din siya makamove on dun kahit totoo naman.
"Ha? Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Lisa.
"WALA! Mabuti pang lumayas kana bago pako mag ingay sa buong subdivision na manyak ka." iritadong sagot ni Jennie.
"Excuse me? Hindi ako manyak noh? Hindi ko lang talaga sinasadya na makapasok sa bahay mo. Judgerist mo naman Jennie." depensa ni Lisa.
"So anong pinaglalaban mo? You're in my property? Pwede kitang kasuhan ng wala sa oras." Sabi ni Jennie at binaba ang baril na hawak niya sabay ginamit ito pang sindi sa scented candle niya. Napakamot nalang si Lisa "Tangina! Akala ko tunay na baril yun! Lighter lang pala! Kabado bente ako ampota! " sabi na lang niya sa sarili.
"Gulat ka noh? Akala mo real gun hawak ko? Lighter lang toh. Wag kang makapante, dahil pwede ko tong pagsunog sa bangs mo" sabi ni Jennie at sinindihan ulit ito.
" Inaano kaba ng bangs ko? Alam mo bang asset koto? Ikaw nga mukhang pusang bola-bola.. Wala ka namang narinig sakin." pang inis na sagot ni Lisa.
" I can't even! The audicity to call me like that?! Lumayas kana nga! Ayokong makita pagmumukha mo!" bulyaw ni Jennie kay Lisa.
"Asa ka namang gusto ko din makita pagmumukha mo? Alam mo Jennie maganda ka sana kundi ka lang naging panget" pangaasar ni Lisa na naginit naman agad ang ulo ni Jennie.
"Ang kapa~" naputol ang sasabihin ni Jennie ng may kumatok.
"Rubyjane?!" sigaw ni Taeyeon mula sa labas.
"Si Kuya Taeng yun ah? Ikaw ba yung kapatid niya na sinasabi ni Yeri?" tanong ni Lisa.
"Oo pero wala akong time makipag chikahan sayo. Umalis kana at dumaan sa likod bahay kung ayaw mong isumbong kita kila Ate Fanyang." sabi ni Jennie habang tinutulak paalis si Lisa.
"Nice to see you again pusang bolabola" sabi ni Lisa bago lumayas ng tuluyan.
"TANGINA MO!" sigaw ni Jennie.
BINABASA MO ANG
Pepsi Cola
Fanfiction"Potaacca Manoban wag ka manggulo dito!" sabi ni Jennie na galit na galit kay Lisa. "Akala mo naman ang ganda mo! Mukha ka namang pusang gala" sagot naman ni Lisa na naglalaro ng CODM sa tapat ng tindahan. "Ang kapal ng bangs mo talaga noh?! the aud...