Author's Note :
Ito ay pawang gawa gawa lamang ng aking malikot na isipan. ☺️
Nais ko lamang ay magbigay ng aliw at kasiyahan.☺️
Yun lamang po periodt, no erase, lagay sa baul at tapon susi sa ilog. ☺️
Enjoy reading ☺️
3rd Person's POV
Tanghali pa lamang ay nagsisimula ng maginom ang barkadahang Lisa and Friends sa tapat ng tindahan ni Wendy at Joy.
Tuwing rest day kasi ay nagawi na ng magkakaibigan ang maginom para man lang makapag chill sa kabila ng stress sa work.
"Seulgeh pakigalaw ang baso kanina pa natengga ang tagay" sabi ni Lisa kay Seulgi na nanonood sa tv ng tindahan ni Wendy.
"Tagay na tagay fre? Wag natin bilisan ang tagay para di tayo malasing tanga!" sabi ni Seulgi at dumampot ng pulutang mani.
"Bogak mo fre, kaya nga tayo naginom para malasing. Para di din abutin ng curfew" sabi ni Jeongyeon na naglalagay ng yelo sa pitchel.
"Akala ko ba wala ng curfew sa atin?" Sabat ni Jisoo na biglang sumulpot at may dalang inihaw na manok.
"Imbento ka Jeong, sabi ni papa wala ng curfew" singit ni Yeri na pinapak agad ang manok na dala ni Jisoo.
"Gago! Hindi curfew ng barangay! Kundi curfew sa asawa! Hanggang 7pm lang ako. Pag di ko nasunod yun ay susugudin ako ni Nayeon dito jusko!" Paliwanag ni Jeongyeon.
"Ang Kj naman ng asawa mo fre! Ekis na agad pag ganyan. Hindi ka dapat nag papadikta sa asawa mo! Paglaban mo karapatan mo!" gatong ni Seulgi.
"Nagsalita ang di daw nagpapadikta sa asawa. Yawa parehas lang kayo!" Sabi ni Lisa sabay tagay sa inabot ni Seulgi na shot glass.
"Anong nagpapadikta? Ako nasusunod sa bahay! Ako ang padre de pamilya mga salita ko ang masusunod! Di ako nag papamando kay Irene noh?! baka siya upakan ko!" Sagot ni Seulgi na may pagpalo pa sa mesa.
Tumahimik saglit ang barkada dahil sa taong nasa likod ni Seulgi.
"Sa tingin ko matutulog ka sa labas" mahinang sabi ni Lisa.
"Ako? Matutulog sa labas?? Baka siya patulugin ko sa labas!" Proud na proud pa na sabi ni Seulgi.
"O talaga?! Wag ka ng uuwe sa bahay!" Sabi ni Irene na kanina pa pala nasa likod ni Seulgi dahil bumibili pala sa tindahan ng Wenjoy.
Binato ni Irene si Seulgi ng nadampot niyang itlog sa tindahan.
"Ang kapal ng apog mo! Bayaran mo yang itlog!" Sabi ni Irene sabay walkout.
Naiwang tameme si Seulgi na nagninilay nilay pa sa mga pangyayare.
"O yan! Feeling strong kasi! Isang itlog lang pala katapat mo! Kung ako yan at ginawa ni Wendy yan? baka delata ibato ko sa kanya!" singit ni Joy habang nag aayos ng paninda.Maya maya pa ay natuloy ulit ang inuman kahit tameme pa din si Seulgi sa gedli.
"Hay buhay may asawa nga naman" sabi ni Dahyun na pagkatapos tumagay.
"Basta ako, wala akong asawa kaya young wild and free" sabi ni Lisa pagkatapos bigyan ng tagay si Chaeyoung na bagong dating lang dahil nag pintura pa ng bakod nila.
"GAGO same, talpak is life lang mas iisipin ko muna ang mga manok ko" singit ni Jisoo sabay kiss sa inihaw niyang manok.
"Kelan kaba magiisip magasawa Lesa?" tanong ni Wendy kay Lisa habang inaayos ang mga garapon ng candy niya.
"Bat biglang ako ang topic? Wala pa sa isip ko yan! Wala ngang jowa,asawa pa kaya? " sagot ni Lisa na tinagay ulit ang tinagayan niyang shot glass.
"Gago fre, andaya mo na! Nakailang tagay kana!" Sabi ni Jeong at inagaw ang shot glass kay Lisa.
"Paanong di magkakajowa? Eh workaholic si tanga!" Singit ni Seulgi na nakamove on na sa nangyare kanina.
"Ayan kana naman! Wag kana magsalita, baka sumulpot na naman si Irene dito at dina itlog ibato sayo baka garapon na" paninita ni Dahyun.
"Wala pa sa plano ang pag aasawa fre, tyaka nakikita ko palang sa inyo ni Irene stress na agad ako. Hindi naman sa takot na ganyan maging asawa ko ah? Sakin lang naman eh baka di pa ko handa magkaroon ng relasyon na pang habang buhay or don't know how handle it pa." paliwanag ni Lisa.
"Sabihin na natin na talakera ang misis ko, pero pag bati kami niyan ay ibang klase yan kung asikasuhin ako. Nandun na tayo sa madalas kaming magtalo pero mahal naman namin ang isa't isa. Masarap sa feeling na gigising ka araw araw na siya yung bubungad sayo" paliwanag ni Seulgi na ngiting ngiti.
"Ayawan na! Di ako relate shuta!" Reklamo ni Yeri.
"Palibhasa di kapa sinasagot ng nililigawan mo kaya ganyan ka" pangaasar ni Seulgi.
"Wala kang pake! Don't say bad words okay? May ichichika pala ko" sagot ni Yeri.
"Baka walang kwenta na naman yang ikwekwento mo Yeri. Sinasabi ko sayo itatampal ko sayo tong tilapia na pulutan natin" sabi ni Dahyun na handa ng itampal kay Yeri ang isda.
"Oo nga nung isang araw chinika mo lang yung anak ni Ate Marites na si Maritoni. Wala naman kaming pake dun" dagdag pa ni Jeong.
"Gago! magiging interesado kayo dito! lalo na tong si Lisa" excited na sabi ni Yeri.
"Bat naman ako magiging interesado dyan? Pusa bayan?" tanong ni Lisa na nakataas ang kilay kay Yeri.
"Diba may bakanteng bahay sa tabi ng bahay mo?" tanong ni Yeri sa tanong ni Lisa.
"Oo bakit? Pero nakita ko si Taeyeon na nilalagyan ng gamit yun. Akala ko kinick kana ng parents mo sa bahay niyo kaya dun kana pinapatira eh" sagot ni Lisa.
"TANGA! HINDI NOH?! Mahal ako ng parents ko!" bulyaw ni Yeri.
"DIMO SURE" pangiinis ni Seulgi.
"Gago kaba? Pero eto na nga mamaya kana Seulgeh, Titira na kasi dun yung tita kong kapatid ng papa ko galing New Zealand." paliwanag ni Yeri na bakas ang saya sa mukha.
"TADO Yeri! Penge namang chocolate! May balikbayan pala sa inyo eh" sabat ni Chaeyoung.
"Hayaan mo ipagtatakas kita sa ref namin!" Sagot ni Yeri.
"Psh. As if naman may pake ako noh? sa pusa lang ako interested" singit ni Lisa sabay tagay ulit.
"Mukha din namang pusa yung tita ko tanga!"
"GAGUE ibang pussy kasi bet ni Lisabog" sabi ni Seulgi habang hinihimas ang alagang pusa ni Wendy sa tindahan na si Amanda.
"TANGINANG PUSSY YAN!" tawang tawang si Dahyun.
"Ayan basta usapang pussy buhay na buhay ang mga gago" bagot na sagot ni Lisa.
"Malay mo lang naman kasi fre? Baka yan na destiny mo diba?" Singit ni Jisoo.
"Ulol walang ganun" sagot ni Lisa sabay pasa kay Jisoo ng shot glass.
"Baka naman kasi nag comeback na sila ni Rosa" biglang sulpot ni Wendy. Pinasahan naman ito ni Jisoo ng tagay. Tumingin naman sa paligid ito bago i-shot ang tagay na inabot baka kasi mahuli ng misis na si Joy.
"Pota ka kung ganun, nadala ka sa mga paulam ni Rosa na binibigay tuwing nagluluto siya." Sabat ni Jeong.
"Pinagsasabi niyo?? Malinaw naman na lahat samin ni Rose ann noh?! Friends na lang kami periodt." inis na sabi ni Lisa.
"HAHAHAHA ginagalit niyo si Tanga" singit ni Seulgi na pumitas ng Piatos sa tindahan.
"Wag niyo na kasi pilitin yung tao. Kung ayaw niya magkalovelife desisyon niya yan. Ang importante ay mahalaga."
singit ni Jisoo habang binibigyan ulit ng tagay si Wendy.
"Pero ano palang name ng tita mo Yerms?" Tanong ni Lisa.
"yiee interesado, si Tita Jennie" sagot ni Yeri.
"Pangalan palang parang pusa na HAHAHA" sagot ni Lisa sabay tawa.
"Potacca! Baka pag nakita mo yun mawala ka sa sarili!" Pang tutukso ni Yeri.
"Dyosa ba siya? Eh pusa nga lang siya eh" sabi ni Lisa habang nilalaro si Amanda.
"Bahala ka nga! Kapitbahay mo naman yun?! To see is to believe" sabi ni Yeri with matching hand gestures pa.Ala sais na ng gabi ay dipa din tapos ang inuman. Mas lalo pang umingay dahil lasing na ang magtrotropa.
Di nasunod ni Jeongyeon ang curfew kaya't sumugod nga si Nayeon para sunduin ang asawa.
"Jeongyeon! Inaka talaga! Di ka talaga sumusunod sa usapan! Wala ka talagang isang salita!" talak ni Nayeon sabay pingot sa tenga ng asawa at hinila to pauwe.
Nagpaalam na din si Seulgi dahil susuyuin pa ang misis na si Irene.
Sumunod na din si Chaeyoung dahil tumawag na ang jowa na si Mina na isang bahay lang pagitan sa tindahan ni Wendy.
Pagkatapos ng ilang tagay ay sinundo na din si Dahyun ng asawang si Sana, inalalayan na ang asawang pasuray suray na lumakad.
Natira na lang ang tatlong bonak na si Lisa , Jisoo at Yeri."Isang tawag lang ng nanay niya nandun agad ako fre! Isang tawag lang!" pagdradrama ni Yeri na mukhang lasing na lasing na.
"POTA yerms nakailang kwento kana niyan? Baka nanay niya may crush sayo" sagot ni Jisoo na sinisimot na ang huling bote ng redhorse na pang banlaw nila.
Dumating naman ng nakapamewang si Aling Fanyang.
"Yeri! Anong oras na?! Bat di kapa nauwe? May pasok ka sa work bukas diba? Namimihasa kang bata ka!" panindak na sigaw ng ina niyang si Tiffany.
Bigla namang nawala ang pagkalasing nito at tumayo ng maayos na parang di nagdradrama kanina.
" Nandyan po pala kayo Ma, eh napasarap lang kami ng kwentuhan nila Lisa hehehe" paliwanag ni Yeri sa ina.
"Sa ibang nanay, isang tawag lang sayo nandun ka agad! E bat pag ako tumatawag sayo? Padabog kapang susunod! Hala sige! Umuwe kana kung ayaw mong ama mo ang sumundo sayo dito!" pagtalak ni Aling Fanyang at hinila na pauwe si Yeri.
Napailing nalang ang dalawang natira sa inuman.
"O? Dalawa nalang tayo? Arat uwian na" pagaya ni Jisoo.
Tumingin naman si Lisa sa relo alas otso na pala. May pasok pa siya ng alas singko ng umaga.
"Mabuti pa nga. Sige na ako na bahala dito fre. Umuwe kana magbabayad pako kay Wanda" sabi ni Lisa na pinapauna na si Jisoo umuwe.
"Sige fre. Kaya mo paba? Baka sa kung saan kana naman matulog ah? Last time, natulog ka sa dog house ni dalgom eh " pag aalala ni Jisoo sa aports.
"Kaya ko sarili ko kesa naman sayo. Nakitulog ka sa bahay kasi dimo na kaya tapos hinagis mo si Leo sabay sigaw ng "Pikachu i choose you!". Sige nga? Sinong mas tanga?" Sagot ni Lisa kay Jisoo.
"Ay hehehe sige na nga mauna nako.
Baka kung ano pang mahalungkat na storya" tinapik ni Jisoo ang balikat ni Lisa sabay lumakad na pauwe.
Naiwan si Lisa na pinagmamasdan ang yelo sa baso niyang may redhorse.
"O Lesa? Bakit magisa kana lang dyan? Magsasara na ako ng tindahan kasi baka ako'y makatulog. Matatalakan na naman ako ni Jujoy. Ika'y umuwe na, may pasok kapa bukas." Sabi ni Wendy na kinukuha na ang mga bote ng redhorse.
"Pauwe na din ako, inuubos ko lang tong iniinom ko. Sinundo na kasi sila ng mga asawa nila eh. Eto namang si Yeri sinundo ng nanay niya." Paliwanag ni Lisa at inubos na ang iniinom niya."O siya mauna nako Wanda, daan ko na lang pagpasok ko yung bayad sa alak namin. Nahihilo na kasi ako" sabi ni Lisa sabay tayo sa kinauupuan niya na medyo nahihirapan ng tumayo ng maayos.
Napansin naman ito ni Wendy kaya agad siyang sinabihan.
"Gusto mo ba ihatid na kita? Mukhang di mo na ata kaya chong. Isasara ko lang muna ang tindahan tapos ihatid kita." Sabi ni Wendy habang dali daling binaba ang lock ng tindahan.
Tinanggihan naman agad ito ni Lisa at patuloy na naglakad pauwe na kumakapit sa mga poste for support.
Nakarating na siya sa bahay at bumagsak kung saan siya pwede bumagsak.
"Mukhang malambot ata to" sabi niya sa sarili at patuloy ng inabutan ng antok.How was it? ☺️
Vote and comment your tots ☺️🤘
BINABASA MO ANG
Pepsi Cola
Fanfic"Potaacca Manoban wag ka manggulo dito!" sabi ni Jennie na galit na galit kay Lisa. "Akala mo naman ang ganda mo! Mukha ka namang pusang gala" sagot naman ni Lisa na naglalaro ng CODM sa tapat ng tindahan. "Ang kapal ng bangs mo talaga noh?! the aud...