WHAT A BEAUTIFUL DAY!
Ang sarap ng simoy ng hangin, kahit na napakataas ng sikat ng araw.
Nakakatitig ako sa mga tao na naglalaro sa outside field ng school. It is a beautiful day to do outdoor activities.
Hindi na ako makapag-focus sa klase dahil alam ko na 10 minutes na lang, and I'm done for the day. Mali. Tapos na ako. Last class ko na for the rest of my life. My graduation is next week.
No more classes.
No more drama.
College life is over. I'm finally going to start my adult life.
I'm getting more impatient by the minute because I just want this to be over. The bell rang, and immediately nagtayuan na sila at hindi na pinatapos ang professor namin. Nilagay ko earphones ko, I bowed to my professor as I was passing him.
"Have a great summer po Sir."
"Thank you, Denise. I wish you all the best." Then I left the classroom.
Ang ingay. Ang gulo. Ang daming tao.
Lahat sila nagmamadali na makaalis na. Hindi sila nagiisa. Nagmadali na rin ako na maglakad at kinuha mga gamit ko sa locker ko. I made sure na wala akong naiwan. Sumakay ako sa kotse, and dialed her number.
"Nak? Pauwi ka na?" Her voice echoed sa kotse ko, dahil connected ang phone ko sa car ko.
"Yes mommy, pauwi na ko. Pero baka may daaanan lang ako saglit. I'm not sure. I'll let you know."
"No problem, sweetie. Drive safely. Nakauwi na rin daddy mo."
"Himala ata, at maaga si daddy ngayon."
"Oo nga eh. Maaga daw sya kasi last day mo kaya gusto nya na sabay tayong mag-dinner na tatlo."
"Sige mom, pero sasaglit lang din muna ako kila Caleb."
"Tungkol ba to sa.." Hindi ko na sya pinatapos.
"Yes mom."
Silence.
"Well, okay. Kita na Lang tayo paguwi mo okay? Mag-ingat ka. I love you."
"I love you." Then, I ended the call.
I was on my way home when I started craving ice cream. I made a u-turn, at dumaan muna ako sa supermarket. Nag-park ako, then went inside. Hindi na ako kumuha ng cart kasi ice cream lang naman bibilhin ko. Tinext ko na rin si mommy dahil baka may gusto sya ipabili, pero wala naman daw. I went straight to the dairy section.
No. No. No. There... Double Dutch and Cookies & Cream.
Kumuha ako ng isa, kasi di naman ako matakaw.... Pero bumalik ako, dahil matakaw talaga ako. Kumuha ulit ako ng isa, at natawa ako sa sarili ko. Binayaran ko na, then I left. Pagdating ko sa kotse, nagtext sakin si mommy na kailangan nyang bumalik sa Firm, dahil may nalimutan syang documents.
"Okay mom. Ingat ka. Dadaan ako sa bahay para lagay sa freezer yung ice cream pero aalis din kaagad ako para makausap ko si Caleb. I'll be back before dinner though." Then I pressed SEND.
When I got home, kumain ako ng ice cream, di ko namalayan paubos ko na kaya nilagay ko na sya sa freezer. I decided to take a shower. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng bagong ligo, lalo na at kapag mainit ang panahon. I decided to wear denim shorts, and an oversized white shirt, and tinali ko yung shirt sa harapan. No make up. Just natural.
I looked at the time, and it was 4pm. Kinuha ko yung bag ko sa upuan, and tinanggal yung phone ko sa pagkakacharge. When I was putting my phone in my back pocket, nasulyapan ko yung letter na nareceive ko a few days ago. Napatigil ako. Babasahin ko sana ulet, but I gave it one last look and left the house.
Nakadating na din ako sa tapat ng bahay ni Caleb, di na ko nagsasabi sa kanya pag pupunta ako dahil we've been together for 5 years now, and that's just how it works in our relationship. Nakita ko na naka-park sasakyan nya. Thank God, he's home.
Kumatok ako sa pinto, pero walang sumagot. I tried to open the door, and realized na hindi sya na-lock.
"Babe, alam mo di na ko magtataka kung mananakawan kayo, or baka isang araw ma-kidnap ka sa sarili mong bahay." Medyo nilakasan ko boses ko habang sinasabi ko to, dahil alam ko na nasa kwarto nanaman yon pero hindi nya yata ako narinig.
Dahan dahan akong umakyat ng hagdan.
I opened his door.
I realized na dalawang tao pala ang nasa kama nya.
I frozed. Looked at them both.
"Hmm, I see." Then I left.
Mabilis akong naglakad palabas ng bahay nya. I can hear him running after me. Pagkadating ko sa harap ng kotse nanginginig ang kamay ko na buksan eto at paandarin. Nakita ko syang lumabas ng bahay para habulin ako pero nakaalis na ako. I looked back through my rearview mirror and realized na yung kasama nya sa kama ay katabi na nya habang nakatitig sila pareho sa sasakyan kong papalayo sa kanila.
I focused my eyes on the road. Hindi ko alam ano nararamdaman ko ngayon. Walang luhang lumalabas. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatawa ako. Ang taas pa rin ng sikat ng araw. Tumingin ako sa langit.
"Hindi ba uulan? Ako lang yata ang natapos ang relasyon na hindi ako nag-walkout na ang lakas ng ulan. Ano ba naman yan? Walang kulog? Kahit ambon?"
I didn't realize na tumutulo na luha ko habang sinasabi ko toh.
Just perfect. Ang ganda nga talaga ng araw na eto.

BINABASA MO ANG
Saving Myself
RomanceDifferent people teach you different lessons. Knowing someone your whole life does not necessarily mean that you know everything about them. The people who can betray you are also the ones closest to you. As years passed, people change. ••• Ano mad...