Pagod na ako, pagod na siya.
Patay na ang iba.
Ngunit, subalit, datapwa't,
Pikit pa rin ang mga mata,
Patuloy umiiwas sa nakikita.
Kaya mo, kaya ko, kakayanin.
Hindi tayo alipin,
Sumigaw, magsalita,
Kapalit ang kaligtasan ng bansa.Sa kabilang dako,
Umiiyak, nagsusumamo,
Nalilito sa kung ano,
Pati oras, binibilang mo.
Huwag mag-alala.
Buhay ay hindi karera.
Pahinga ka lang,
Tuloy ang laban.