Tanda mo ba nung una tayong nagkita,
Pag-ikot ng mundo Hindi natin nadama,
Pero ang tanong ko hanggang tingin na lang ba?
Kasi ang alam ko sa iba kana masaya.Nagulat ako ng lumapit ka,
Kasama ang ngiting bihira lang sayong makita,
Tumingin ako sayo at ika'y nagpakilala,
Paraan na nagdala sa atin sa pag-ibig ng mahika.Tumagal at naging masaya tayong dalawa,
Sabay tayong nangarap para sa isa't isa,
At unti unti ng nabubuo ang ikaw at ako,
Na umabot sa puntong naging tayo.Akala ko walang hangganan,
Ngunit kahit pala salita lang may katapusan.
Pagod, isang salitang iyong binitawan.
Na nagdulot sa akin ng isang linggong iyakan.Sinubukan kung lumaban,
Lumaban sa laro ng kapalaran,
Ngunit hindi sapat kung ako Lang.
Kaya pag-ibig nating dalawa, tinalikuran.Mabilis lumipas ang panahon,
Nagtagpo tayo sa isa ulit na pagkakataon,
Pagkakataon na masasabi nating tamang panahon,
Subalit nanaig na sa atin ang salitang MOVED ON.Sa araw din yun bago lumubog ang araw,
At pumatak ang nagbabadyang ulan,
Hinawakan mo ang kamay ko at tayo'y nagtitigan,
Binabalikan ang nakaraan.Ang nakaraan kung gaano tayo nagmahalan.
Ang nakaraan na hindi na maibabalik pa ng kasalukuyan.
Tanggapin na lang natin na ito na ang wakas,
Wakas na wala ng bukas, na para bang ito na ang huling oras.
Sinabi mo sa akin ang salitang tagos at wagas.
"Pinagtagpo lang tayo pero hindi pwedeng maging ikaw at Ako."