ROSAS

32 2 5
                                    

Hello! The title of the book that I had been read was "Good Boys are Boring" and the color of my shirt was pink, so I change it to 'Good Boys are Pink' then, It was became my theme. Thank you!

#WattpadAThonChallenge
#AgosTula
—————————————-

Rosas

Sa bawat daloy ng araw,
Sa bawat kumpas ng anahaw,
Sa bawat pagbabalik-tanaw,
Sa bawat sugat na di mabahaw-bahaw,
Probinsiyanong lalaki, di kana bumitaw.

Lumipas man ang maraming taon,
Nagdaan man ang maraming kahapon,
Nakapunta ka man sa bansang hapon,
Presensiya niya ay di mo kayang ibaon.
Babalik at babalik ka sa taong di ka iniwan at itinapon.

Sarili mo man ay pilitin,
"Hindi siya ang para sa akin"
Mata mo, di pa rin makaiwas sa kaka-tingin.
Waring katawan mo ay bumalik sa pagka-alipin.
Siya at siya pa rin ang hahanap-hanapin.

Simula't sapol, pinagbiyak na mangga.
Ugaling pareho, pilit kinabisa.
Kulang na lang ang dugo para maging isa.
Ngunit tutol ka, tutol siya.
Plano niyo sa isa't isa ay naiiba.

Tadhana'y gustong diktahan at unahan.
'Happy ending' ang gustong katapusan.
Ngunit hindi madali ang makipag-sapalaran.
Mahirap ang kaakibat ng mahigpit na pag-iibigan.
Magulang, kayo'y pinagbawalan.

Bata daw ang puso at wala pang nalalaman.
Sila pala ay tuso, gusto ay kayamanan.
Ngunit pareho kayo, puso lang ang kayang ilaan.
Sariling kakayahan, di kayang pagkatiwalaan.
Hiwalayan ang napag-desisyonan.

Ala-ala ng isa't isa ay di malimutan,
Rosas ang kulay na nakatatak sa isipan.
Maamong mukha at mabuting puso,
Katangian netong di ka binigo.
Respeto netong buong-buo.

Nagkita, muling nag-usap.
Mga mata'y muling kumislap,
Pag-indayog sa alapaap,
Abot-kamay na ulap,
Paro-paro'y muling nalasap.

Sa isang iglap,

Bumalik sa dating pamahiin,
"Hindi siya ang para sa akin"
Takot muling naramdaman,
Kalungkutan pilit pinapatay ang kasiyahan.
Kaduwagan di kana nilisan.

Di kana nilisan, di ka niya nilisan,
Pagmamahalan, gusto niya ulit umpisahan.
Pagsubok man kayo'y daanan,
Nakatindig ka nang makipag-sapalaran,
Kasama siya at ang buo niyong angkan.

Tagumpay, dulo niyo'y simbahan,
Bulaklak na rosas, simbolo ng wagas.

PoemsWhere stories live. Discover now