TINIG

35 2 0
                                    

Mulat ako, gising ako, kilala ko ang bayan ko.

Masakit, mapait, napakahirap lunukin ang hapdi at daing netong pilit.

Niyurakan, pinunit, pinagkaisahan ngunit tumitindig sa kanayonan.

Sumisigaw ang madla, hinaing ang dala.



Pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, pagpapakatao saan napunta?

Natutop, naging sunod-sunuran, karapatan di na ipinaglaban.

Binubulag ng batas gamit ang dahas.

Pilit pinagtatanggol ang pantas, ang kagustuhan nitong dugo ang ilabas.




Pangangailangan, sariling iyo, ipagdadamot sa 'yo.

Hindi ka bulag, hindi ka bingi, naririnig mo ang mga inaapi.

Magsalita, tumayo, takot hadlangan, kailangan ka niya, kailangan niya ako.

Dumating na, panahon na, gahaman, tuso silang nilalang, umalsa ka.

PoemsWhere stories live. Discover now