Chapter 11

6 0 0
                                    

Kakatapos ko lang magbihis at maligo, nakaupo padin sa sofa si Nico at nanonood ng "Dota2 the Movie" kinuha ko yung phone ko sa bag.

Shit! I mentally cursed. Naulanan pala yung bag ko. Agad kong hinalungkat lahat ng laman ng bag ko--- good thing, hindi masyadong basa ang loob, nakasiksik ang phone ko kaya hindi ito nabasa. Parang leather kasi ang tela nito, kaya hindi gaanong pinasok ng tubig, Wag niyo na iquestion. Nananapak ako. Haha.

 I unlocked my phone, buti naman hindi pinasok ng tubig. Extra sermon nanaman kasi aabutin ko nito kina kuya pag nagkataon. I glanced at the time, 3 minutes before 8. Kamusta na kaya sila sa labas? Tumabi ako kay Nico sa sofa.

 Nico, tingin mo ba galit pa sila sakin?" I asked glancing at him and averting my gaze to my plasma tv.

I don't know what has got into me at natanong ko yun, I mean--- obvious naman na galit sila kuya sakin, pero kasi I was hoping for a different answer. I was hoping to hear some comforting words, like 'Hindi kami galit sayo.' o kaya 'Nagalala lang kami, pero hindi kami galit.' I was waiting for something that will make me feel less uneasy. I was waiting for something to assert myself that I am right. Pero I didn't get any of that.

He didn't answer me, he was muted at nakatutok lang sa tv.

I heaved a sigh. Huwag niyong sabihing galit din siya sakin kaya di niya ako pinapansin? Err! Ayoko pa man din sa lahat ang hindi sumasagot kapag tinatanong. Curiosity always gets the best of me.

"Nico, ano ba. Answer me."

"..."

"Are they mad?"

"..."

"Hindi ko naman sinasadyang gabihin e, hindi naman sila galit di ba?" I was pushing him.

"..."

Damn it! Bakit ba ayaw niya akong kausapin? I was too desperate for an answer. I snatched the remote at saka ko in-off ang tv.

Napansin kong kumunot ang noo niya, pero he was still looking at the now black screen of the television.

"Kahit naman anong sabihin ko, hindi ka makikinig, di'ba? What's the use of telling you anyway? You only hear what you want to hear. Pinapangkinggan mo lang yung mga bagay na makakapagsatisfy sayo, sa ego mo. Magpapagod lang ako, sayang ang effort. Sayang ang laway. Wala ding kwenta."

Why does he have to be that rude?

"Kung sinabi ko bang galit sila, may magagawa ka? Kung sinabi ko bang galit ako, may gagawin ka? Wala di'ba? Wala. Kaya wag mo ng itanong. Wag ka ng magtanong. Stop asking, wala kang mapapala sakin. Hindi ako sasagot kasi nga, wala ring kwenta."

Naiinis ako. Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganun? Gusto ko siyang sampalin--- ano bang ikinagagalit niya? Err! Kalma Tin, kalma. Galit ka, pero hindi mo siya sasampalin.

He stood up, lalabas na ata siya ng kwarto. Teka--- wala akong kasama, gusto ko ng kausap. "Nico----" tumigil siya pero ni hindi man lang siya lumingon. Paano ko ba sasabihin? Err! Nakakainis naman. He started walking again.

"Uy---" *coughs* damn it! Nabuo ko na yung sentence e! Why did I choked? Why now! Err!

*coughs*

Ugh! I hate him. Siya na nga kasi tong kinakausap, siya pa tong masungit. E di wag! Bahala nga siya.

*coughs*

He turned around, walking towards me. Tapos ngayon babalik siya? Tss.

I sat on my bed. He sat next to me.

GuardedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon