Chapter 6

11 1 0
                                    

(A/N: Hello guys! :) Hello to Mr. Kanzen. If it ever happened na you'll read this, I am giving you the credits mr, for the name and all. First, I'm sorry, hindi ko muna ipinaalam sayo bago ilagay to, pero kasi I don't know how to contact you and I don't know your full name. So yeah, I made you one of the characters of my story. If you ever read this, please, just please let me know and message me. I meant no harm and I hope it's okay. :) Godbless.)

SUNDAY. 8:30 na pero hindi pa din gising si Tin. Samantalang sina Paolo, Epi, Renz, Oyo at Nico ay bihis na bihis na. Sa bahay sila ni Tin natulog kagabi, sanay na sila, at matagal na din naman nilang ginagawa yon. Since nasa abroad ang parents ni Tin, si Pao na ang nag aalaga sakanya, kasama ng yaya niya. Since gradeschool, magkakakilala na silang anim. Childhood friends kumbaga. Kaya kahit pa tumira sila sa iisang bahay, wala itong malisya. Mga kuya na niya, bodyguard pa. Bodyguard na, bestfriend pa. Bestfriend na, feeling boyfriend pa. Oh diba? All in one. San ka pa?!

Kung hindi pa nila gigisingin si Tin, baka hindi na nila maabutan ang misa.

*NICO'S POV**

"Pao ano na? Gisingin mo na." pang uudyok ni Oyo.

"Ha? Ako? Si ano nalang, si Renz, huy Renz! Gisingin mo!" -Pao

"Bakit ako? Ayan oh, si Epi! "

"Ayoko! Kayo na! Kaya niyo yan. Ikaw na Oyo!"

"Hoy bakit ako? Ayan si Nico! Hoy Nico, gisingin mo, ikaw pinakabata samin!"

-_-

"Oo nga, ikaw pinakabata sating lima, sundin mo kami."

Tss. Ano to? They,re playing the age cards?

"Bakit ako? Mamaya sinapak ako nyan. Ayan oh, si Paolo, pinsan mo siya, hindi ka sasapakin nyan."

Umupo ako sa katapat na sofa ng bed niya. Bahala nga sila manggising, mahal ko pa buhay ko noh. Tsk! Kasi paDotA DotA pa kagabi. O di ayan, PUYAT!

"Bakit ako? Kayo na. Epi ikaw na!"

Bahala sila.

"Baby----"

"Shut up!!!!!!"

Hala! Ayan na. Gising na ang dragon! Haha, joke, wag niyo ko isusumbong. Hahalikan ko kayo! Sige!

"Hindi ako yun!" halos sabay sabay nilang sabi--- tss sige na nga! Pati na ako. E nakakatakot kasi, nananapak kaya yan. Tsk, halata parin nga yung pasa ko sa gilid ng mapula pula kong labi e. Tsk, mag iisang linggo na di pa mawala wala.

"B-baby, gising na, punta na tayong church." mautal utal na sabi ni Epi habang hinahaplos buhok niya.

"NO! Kulang pa tulog ko kuya!"

Napaka insolent brat! Lakas mo kasi maka DotA kagabi e. -_-

*Flashback**

"Hoy, papatalo ba tayo kay Princess?" tanong ko kay Renz.

Shit kasi! Wipeout agad kami. Si Renz lang buhay.

Magkaiba kami ng team, bali ako si Renz, Epi, at yung ibang taga dito sa shop na katabi lang ng bahay nila tin. Sakanila naman ay si Tin, Pao, at Oyo, at yung iba ding gamer dito sa shop.

"Tae ka Nic! Ikaw nga itong may limang deaths e." TSK!

"Onga bro, solo ka pa naman sa lane nung umpisa."

GuardedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon