CHAPTER 2.

8 1 0
                                    

ASHIANNA LYKA'S POV.

"Ughhh! I told you not to drink too much!" I shouted on Zyriell. Nakahalumpasay kasi ito sa sahig ng bar. Lasing na lasing ang loka. "Stand up! Iiwan kita dito!" Gosh! She's really getting into my nerves!

She started speaking alien words! Alright, lasing na talaga 'to. Wala na siyang chance makatayo and she can't even speak properly.

"I'll give you 3(three) seconds to stand up, Zyriell." I glared at her pero hindi man lang ito naapektuhan. "Zyriell! Gosh! How can I even carry you! Get your senses back and help me up!"

"GISING!!! ANTAGAL NA KITANG GINIGISING NAKAKA-INIS KA NA!"

What the hell was that? Gising na gising ako and one more thing, hindi ako natutulog. Madami akong works sa company, wala akong oras para matulog.

Kanina pa yang boses na 'yan. Where is it even coming from? Ugh! Nevermind. Hindi ko na dapat iniintindi 'yon. I have more important things to do.

"Do you need help?" I almost jumped from where I'm standing when I heard a voice. Nilingon ko ito and kung minamalas ka nga naman. He's the guy who keeps on staring me.

"Do I look like I'm helpless?" Pagtataray ko dito dahil hindi pa rin talaga ako makamove on sa ginagawa niya kanina pa. Kaunti na lang matutunaw na ako eh. Ugh! He's infuriating me.

"Ang taray mo naman, Miss. Yung kaibigan mo kasi nakahalumpasay na. Pwede naman kitang tulungan na buhatin siya, kesa naman patayuin mo 'yan at bilangan ng 1(one), 2(two), 3(three), eh sobrang obvious naman na hindi na makakatayo 'yan."

"Who told you that you can talk to me?" I raised my eyebrow on him. I know na kailangan ko ng tulong right now but not him! No way.

"Dami mong dada. Miss." He uttered as he walked towards Zyriell. "Hindi naman pala mabigat 'tong kaibigan mo eh."

"Then carry her yourself." Tanging sambit ko tsaka nagsimulang maglakad palayo.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing walang sumusunod sa akin. I had no choice but to go back.

"Pinapahirapan mo lang sarili mo. Gumising ka na."

"Shut up!" Pagtataray ko sa isipan ko.

I started walking when my vision turned black. Would you mind telling me what's going on?

I rubbed my eyes and shouted and that's when everything turned to normal again. Weird.

"Tutulungan mo ba ako dito o titingnan mo lang ako?" Sambit ng lalaking nasa harapan ko.

"Well, you said she's not heavy." I said, mocking him.

"Sinabi ko nga pero hindi ibig-sabihin nun na kaya ko 'tong buhatin mag-isa." I rolled my eyes before walking towards Zyriell to help this man. "So asan sasakyan niyo?"

"Somewhere over here." We started walking. Akay-akay naming pareho si Zyriell.

After a very long silence ay finally, nakarating din kami sa sasakyan. The guy even helped me to let this drunk girl sit on the passenger's seat.

"Bye." I uttered when we are finally done fixing my friend.

"Walang thank you?" I rolled my eyes as I uttered the word 'Thanks.'

"Anywa-" I cutted him off this time.

"I need to go." Magdra-drive na sana ako since nasa loob naman na ako ng sasakyan nang bigla itong humarang sa daan.

"Bakit ba ang taray mo?" Bumaba ako ng sasakyan tsaka hinarap 'to.

"If you really want to die then stay there, sasagasaan kita." I winked on him as I turned my back.

I was about to enter my car when he grabbed my hands. "What now?"

"Have I met you before?" He sincerely asked which made my eyebrow rise.

"Excuse me? I never met a low class man like you before. Stop wasting my time."

"Excuse me din ha, ako itong nagmagandang-loob sayo tapos tataray-tarayan mo ako. Seryoso nga, nakilala na ba kita? Tsaka paano mo naman nasabi na low class man ako eh yung bar na pinanggalingan natin ang may pinakamahal na wines, liquors, and alcohols aber?"

"Excuse me? You're not even wearing branded cloths! Tsaka peke din 'yang gucci shoes mo." I covered my mouth with my hand when something popped on my mind. "Oh my effin God! Did you steal someone's money for you to be able to afford those drinks?"

"Excuse me lang ha? Favorite mo ba yang word na excuse me at kanina ka pa excuse me ng excuse me?" Pagtataray nito pabalik sa akin.

"First of all, it's favorite and not peyborit!" I shouted.

"Pero teka nga. Hindi ako nagnakaw! Sa gwapo kong 'to hinahabol-habol ako ng mga kababaihan sa office, hindi ako magnanakaw. Oo nga naman, low class man lang siguro ako pero mayaman kaibigan ko, 'wag ako baka mas mayaman pa 'yon sa'yo."

I slighty laughed because of what I heard. "Don't you know me?" I asked.

"Anong tinatawa-tawa mo? Kung sabagay, tingnan mo nga 'tong sasakyan mo oh, lamborghini. Pero as I was saying, ang kaibigan na tinutukoy ko eh si Mister Chris Dawson."

"You're friends with him?"

"Oh, bakit gulat na gulat ka? Kahit gan'to lang ako may mayaman akong kaibigan nuh! Siya lang naman ang nagmamay-ari ng 2nd richest company dito sa mundo!"

"Shut up. He was m-my b-business partner!" I stuttered. Ugh! What just happened?

"Oh nauutal-utal ka na. Bakit takot ka ba sa pangalan na 'yon? Hindi mo kasi matapatan nuh? Pagdating ng araw, antay-antay ka lang, ganda nga ng sasakyan mo oh. Baka naman kasi sasakyan 'to ng kaibigan mo?" He said, mocking me.

"This is my car, ok? And kung nauutal-utal man ako, that's already none of your business!

"Oh siya sige, ihatid mo na yang kaibigan mo." I turned my back on him after hearing those words nang bigla nanaman niya akong hilain. "Caius." Pagpapakilala nito sa sarili niya.

"Ashianna." I uttered para matapos na ang usapang ito.

"Wait... Don't tell me, ikaw yung-"

"Whatever you're thinking, I guess that is right. Now, shu! Get lost!" I entered the car and started the engine living that delinquent guy dumbfounded.

~Please do vote~

You are loved by me!
-someoneastonishing

VIVID REVERIEWhere stories live. Discover now