CHAPTER 4.

1 1 0
                                    

I left Chris, my ex business partner, alone.

Well, it's not that I'm bitter dahil hindi na kami business partners but I know that we don't have anything to talk about.

I don't know pero naiinis ako, ugh! Why did he need to show up at this time?

Where's Zyriell na ba kasi? What's taking her so long? Sabi niya iihi lang siya.

I continued walking kahit na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. The only thing I know right now is I don't want to see the face of that jerk. Well, he left my company hanging, anong akala niya? Makakalimutan ko 'yon ng gan'on gan'on lang? Well, he's definitely wrong. Kung makalapit siya sa'kin at makipag-usap parang walang kasalanan. Damn him and his whole existence.

I'm currently finding my phone in my bag.

"Gotch- UGHHH!"

"Uso tumingin sa daan, Mi-" I looked at the guy I bumped onto and glared on him. "Hi, Ashianna!" He greeted.

"Excuse me, do I know you?" I asked, infuriated by his presence. How did he know my name? Kilala ko ba ito? Parang hindi naman eh.

"Ay wow naman! Kinalimutan agad ako. Pero teka nga, tigil-tigilan mo nga kaka-excuse me mo, apaka-arte. For your information, 'd ka naka-uwi that night kung hindi dahil sa'kin."

"Wait, don't tell me you're-" Sino ba siya para pigilan ako sa pagsasalita?

"Yes, ako nga 'to. Ang pinakagwapong nilalang sa mundo, walang iba kung hindi ako."

"Look who's dreaming." I uttered as I rolled my eyes on him.

"Teka nga, mukhang wala kang balak pulutin 'yang mga gamit mo, ako na lang, nakakahiya naman sa'yo eh. Kunwari ako na lang yung hindi tumitingin sa daan. Tsk, maarte na nga 'd pa marunong tumingin sa daan, sayang ganda mo." Rinig ko pang reklamo nito habang pinupulot ang nagkalat kong gamit sa sahig.

"Shut up."

"Oh ito na- Hello!?" Muntik ko ng bigwasan ang lalaking kaharap ko dahil sinagot nito ang tawag mula sa cellphone ko.

"SINO KAAAA?!?!" I heard Zyriell shouting on the other line.

"Give me my pho-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sinyasan ako nitong manahimik. This jerk!

"Kalma, ako 'to, 'yong pinakagwapong nilalang na naninirahan sa mundong-ibabaw." Can't he just stop believing that he is the most handsome person living on earth dahil hindi naman 'yon totoo? Napaka-feeling.

"FEELINGERO! SINO KA?! DON'T TELL ME!"

"Nahawaan ka na sa babaeng 'to na puro english. Ituloy mo! Huwag mo putulin, don't tell me ano?"

"Just give me my phone." I glared on him pero hindi man lang ito naapektuhan. Ugh!!! This guy's stressing me!

"KINIDNAP MO SI MADAME?!?!"

"Woi! Kung sino ka mang ponsyopilato ka, sa gwapo kong 'to imposibleng kidnapper ako!" Bakla ba 'to? Nagsasalita siya with matching taas pa ng kilay eh.

"WOI KA DIN! MAY PANGALAN AKO TSAKA SINONG 'D MAG-AAKALA NA KIDNAPPER KA EH HAWAK-HAWAK MO ANG CELLPHONE NI MADAME!"

"Aba! Ako pa may kasalanan eh itong si madame mo ang 'd marunong tumingin sa daan!" He continued talking to Zyriell habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Hawak-hawak pa rin kasi niya ang bag ko dahil kaninang i-aabot na niya 'to ay saktong tumawag si Zyriell. Nagmukha tuloy talaga siyang bakla.

VIVID REVERIEWhere stories live. Discover now