Chapter 4

0 0 0
                                    

Video call?

"Napakaingay nyo ang aga-aga!" malakas na sigaw ko na biglang pagtahimik ng mga ...

shuta kaibigan pala to ni kuya "alam mo bang alas dos na MALORIE?"  tanong ni kuya Di napatingin naman ako sa cellphone ko "3pm na"  balik sagot ko para maasar ito pero sa totoo lang gulat na gulat ako "Ai!Kain"  basag ni Ero sa pananahimik ng lahat, tumango lang pero kinilig ako kasi naman gwapo talaga ng asawa ko shuta.

Si Ero crush na crush ko kasi, kaya nga ng malaman ito ni kuya daig  si mama kakasermon at sinabi na  kapag daw hindi ako sumunod sakanya lalo na pag inuutusan ako e ayaw raw nya si Ero para sakin sus para namang  mapipigil ako nito, walang makakapigil.

Naroon lamang ako sa kwarto at hindi na nangahas na lumabas matapos ang tagpong iyon hanggang sa maghapunan nagulat pako ng makita ko sila Ero doon.

"Bakit late kang nagising kanina Rocky?"
tanong ni papa napaubo pako sa pagkabigla "baka napuyat kasi may kachat" sabat naman ni Kuya Di, papahiya pa yata ako sa crush ko. Dito kasi napagpasiyahan ni Kuya na maghapunan ang mga kaibigan nito na sila Zack , Hie , Ero at Jaddy mas matanda sila sakin pero tulad ng sabi nila isipin ko nalang daw magkakasing edad kami. Welcome na welcome din sila dito sa bahay dahil mas gusto ni papa na narito sila upang di na lumayo at baka ano pa ang mangyari.

"totoo ba yon Malorie?"  tanong din ni mama sakin kaya lalo na nilang binigyang atensyon ang bawat paggalaw ko, shuta kung mamalasin nga naman.

Napuyat kasi ako dahil sa kakachat namin ni Ali hanggang 3am yata nagcchat kami next time ayain ko nalang ng video call para magtitigan nalang kami napangiti ako sa naisip ko nabalik lang ako sa kaisipan ng "pangiti-ngiti kapa"  jan sabi ni kuya kaya naman tinignan ko ito ng masama, gantihan kita jan makikita mo .

"Hindi po Ma" sagot  ko naman kay mama "ate oh may tinatago"  sabi naman ni Cashie aba't nakakahiya na sa future asawa ko parents and siblings hehe.

"sasabunutan kita Cashie makikita mo"  sagot ko r "napakatipid kasi ng mga sagot mo"  pang aasar pa ni Kuya.

"Ayos lang naman sakin Cashie" na kinalaki ng mata ko baka pede na kami ni Ero hehe. 

"Talaga po ba mama?" tumango naman ito
"so ibig sabihin anak meron ka ngang nakakausap o nanliligaw na sayo?" sabi naman ni papa shuta nahhot seat ako dito ah  "si Ero lang future ko, Pa"  sabi ko naman na ikina samid ni Ero dahilan kung bakit tumawa ng malakas sila Zach, Hie , Jaddy at  Cashie samantala umiling iling si papa at  nakita kopa ang pagsulyap nya kay mama na para nang nagtatanong ito habang si kuya blanko lang walang emosyon. wow bago maasar nga mamaya to.

Maging yatang kasingit singitan ko e namawis sa hapunan na yon ikaw ba naman ihot seat nadamay pa tuloy ang mahal kong Ero kahit na sa chat di naman kami nagkaroon ng pag-uusap.

"tigilan mo si Ero"  bigla sabi ni Kuya  bakit crush mo? pang-aasar ko dito "hindi sya makakabuti sa MALORIE ROCKY!" sagot ni Kuya  "di mo sure"  balik sagot ko dito "kulang pa pangalan ko kuya dagdagan mo ng Ai para maniwala ako na galit ka" pagpapatuloy kopa "sakit mo sa ulo tangina"  sabi nito at biglang nagwalk out.

Katapos kasi ng hapunan nagpaalam na ang mga kaibigan ni kuya at pagkatapos kinausap at pinagalitan ako nito  pero syempre wala siyang nakuhang natinong sagot kaya ayun nagwalk out, wala na kasi akong maisip na sagot kaya si Ero nalang ang dinahilan ko kanina sa hapunan.

Inopen ko ang laptop ko at doon nalang nagbrowse para hindi na ko maginstall ulit ng facebook, may kaya naman kami maayos ang trabaho ni papa maging si mama kaya nga may mga bagay din kami na meron ang iba.

Naalala kong usisain kung pano ako nakilala ni Ali kaya chinat ko ito at nakita ko na 2hrs ago nagchat ito at diko nareplyan tanging seen lang ang nagawa ko shit pancit.

"pasensya kana ngayon lang nakareply busy e" paguumpisa ko sa pag-uusap nagreply naman ito kaagad na "ayos lang may ginawa din naman" ngumiti ako nagtuloy pa ang pag-uusap namin hanggang sa natanong ko kung paano nya ko nakilala "akalako kasi ikaw yung taga dito samin na nakita ko sa may sakayan"  at madami pa itong paliwanag may kasama pa ngang banat iyon kaya shuta kinikilig ako.

"masama yang ngiti mo matulog kana" napabalikwas ako ng makita ko si papa at kuya sa pintuan shuta nakalimutan ko pala ilock yon kaya nga napatango nalang ako at nagmaang-maangan na hindi narinig ang sinabi ni papa. Hindi ko na ulit nareplyan si Ali pero ng malingat ako nagising ang diwa ko  ng mabasa ko ang chat nito

Ali : pag free ka video call tayo, kung okay lang.Yung pinsan ko hindi naniniwalang may maganda akong nakilala .
Ako: Sige tama maganda ako

Bigla naman akong kinabahan ng magreply ito  "ngayon na kaya? kalako tulog kana" at ang malikot kong kamay ay napa sagot ng sige

Ali Subaran is calling ...

Inisip kopa kung sasagutin ko pero naalala ko ako pala nagsabi ng sige

Ali Subaran requesting for camera on...

At talaga naman nawindang ako ng nakangiti itong bumungad sakin ng oras na yon pakiramdam ko din na nagloloko ako kay Ero, ay nako.

.
.
.

itutuloy
by: coffigeli

MayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon