Chapter 6

0 0 0
                                    

Ero

Mahigit isang linggo na hindi pumunta si Ero dito sa bahay, hindi rin kami nagpapansinan ni Kuya Di. Noong isang araw naabutan ko sila Zack, Hie at Jaddy sa sala kasama nila si kuya alam na rin nila ang nagyari narinig ko kasi minsan si kuya na kinukwento ang naging alitan nila ni Ero at sinabi nga nya na hindi nya makausap si Ero sapagkat hindi ito sumasagot sa message at call nya "galit parin siguro yon" may bahid ng pagsisisi at lungkot na sabi ni kuya.

"Komusta ang araw mo Ali?"  bungad kong tanong pagkasagot nito sa video call "ayos lang, ikaw ba?"  balik tanong nito sakin, araw-araw na din kasi kaming naguusap. Minsan narin nahuli ni kuya na tumatawag si Ali habang chinecheck ako nito sa madaling araw sakto noon na nakaidlip ako buti nalang nakapagdahilan ako na alarm lamang iyon.

Taga kabilang probinsiya lang si Ali malayo nga lang samin at hindi pako makakalabas ngayon lalo na't 17 palang ako sus kung hindi nagkita na kami nito joke.

"Lalim ng iniisip mo ah" sabi nito kaya naman tinignan ko siya pabalik "wala lang to inisip ko lang kung hindi pandemic"  ngumiti lamang ito. Dahil kay Ali nagkaroon din ako ng taong pedeng pagsabihan kapag may problema dito sa bahay siya lang at si Babe ang  nakakausap ko pero hindi ko kinwento kay Ali yung kay Ero maging kay Babe.

"Kumain kana ba? wag ka dapat nagpapagutom" kaya naman natawa ako sweet nito para tuloy akong nagccheat kay Ero.

Nakilala ko sya noong Mayo saktong pandemic mayroon naring isang buwan na kaming ay nag-uusap, sinabi nya na lagi kong tatandaan ang Mayo hindi ko man naintindihan nung una at nagawa ko pang nagtanong kung bakit "dahil Mayo ng makilala kita Rie,at sobrang saya ko na makilala ka pa".

"Ai, nandito si Ero" narinig kong katok ni mama kaya naman bigla akong ngumiti at sa pagharap ko  nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ali sabay tanong ng  "sino si Ero?" sabi nito umiling lang ako at sinabing tatawagan siya maya maya bagamat hindi siya sang-ayon sa sagot ko "sige"  nalang ang nasagot niya.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto narealize ko na nga lang na hindi nako nakapagpaalam kay Ali ng makita ko si ang namiss kong si "Ero" tawag pansin kong si Ero na nakatalikod ngumiti ito pagharap gwapo talaga.

"Hi Ai!namiss kita"  salubong na salita nito sa akin ng yakapin ko siya bigla, aaminin ko na namiss ko si Ero ng di pa kasi sila nagkaalitan ni Kuya e palagi siya dito "grabe naman pala akong mamiss" pang-aasar pa nito sakin tumago naman ako bilang pagsang-ayon.

"Nagtampo ka yata samin Ero"  sabi ni papa ng makita niya kami nakaupo sa sala hanggang ngayon wala pa ring kaalam alam si Kuya na nandito si Ero "pasensya na talaga sa nangyari anak Ero"  dugtong naman ni mama "hindi naman po tito may inaasikaso lamang po ako at ayos lang po yon tita" magalang na sagot nito kay mama at papa "nagkausap naba kayo ni Dioner?" tanong pa ni mama "balak ko po sana syang kausapin ngayon tita"  sagot nito "tatawagin ko siya, iho"  singit ni papa "salamat po" magalang ulit na sagot ni Ero.

Nang magpapaalam na si papa at mama nagsalita muli si Ero "ah, tito tita?"  tawag pansin nya kila papa "ano yon iho? may kailangan ka ba?"  sagot naman ni papa "pagpapaalam kopo sana si Ai mamasyal po, bawi kona rin po sakanya"  mahabang paliwanag nito matapos kuhanin ang atensyon ni mama at papa "sige iho, walang problema" walang bahid pangaalinlangan na sagot ni papa "basta iuwi mo sya ng busog at ligtas"  may kasama pang biro na paalala ni mama "makakaasa po kayo" mabilis na sagot ni Ero.

" Ikaw Ai, okay lang ba sayo?"  tanong naman sakin ni Ero ng umalis na si mama at papa "oo naman magbibihis naba ako?" seryoso kong tanong sa kanya "mabuti pa"  sagot naman ni Ero na parang naging masaya sa sagot ko

Nakita ko ang paglabas ni papa mula sa kwarto ni Kuya baka ipinaalam na nito na narito si Ero, kaya naman imbes na dederetcho ako sa kwarto ko ay napili ko munang asarin si Kuya dahil hindi nga kami nagpapansinan noong mga nagdaang araw hindi din naman ako pinilit nila mama at papa na kausapin si Kuya dahil napaliwanag ko sa kanila na sa oras na magkabati sila doon ko pa lamang kakausapin ito

"Kuya" tawag ko kasabay ng pagkatok ko sa kanyang pinto "Ai?" sagot naman ni kuya na parang di makapaniwala at wala pang ilang segundo ay binuksan niya ang pinto "sorry na Ai" malambing na sabi nito pero imbes na sagutin ang kanyang sinabi "Ero nandito date daw kami" yun ang sinagot ko " ang gagong yan, kakausapin ko muna"  sagot nito na para bang pinipilit magalit pero alam niya na may kasalanan din ito.

Hinayaan ko lamang si Kuya at nanatili parin ako sa kwarto niya. Mamaya nako magbibihis sigurado din akong babalik si kuya dito.

Napagalaman din ng araw na sinuntok ni Kuya si Ero na  hindi naman pala si Ero ang sinabing nakabuntis maging si Liah ay nagtaka ng nagtanong kami kasi raw ay hindi naman nito kilala si Ero gayundin napasayang pa nga ito ng makita si Ero dahil  buntis na ito ng makilala nya pinakita kasi ni papa yung litrato ni Ero "sasabunutan kita Liah anong sayang asawa ko yan" sabi ko kaya wala itong ginawa kundi tumawa. Eros pala ang pangalan ng nakabuntis sakanya hindi Ero nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa pangalan dahil biglang nagconnecting ang call nila Kuya at Liah.

"Oi ngiti-ngiti ka jan?" tanong ni kuya na nadidismaya "wala pa man daydreaming na shuta" sabi pa nito "baka kasi mabuntis nya ko" pang-aasar ko dito "akala ko si Cashie lang ang problema ko ikaw din pala" usal nito sabay tulak sakin "layas dito ayoko si Ero para sayo" kaya naman sumimangot ako samantalang siya ay tumatawa "ayos na kami, sorry din at nakita mo ang ganong eksena Ai"  seryoso nitong sabi "wala yon kuya, sorry din nagalit lang ako sayo" sagot ko.

bihis lang ako Ero paalam ko ulit dito ng nakita nya na hindi pako bihis tinuro ko din si kuya kaya tumango lang ito na parang sinasabing naiintindihan nya.

Kasalukuyan kong nabibihis biglang nagring ang phone ko

Ali beybe calling ....

Shit dami kong asawa natatatawa kong sabi sa sarili ko "bakit beybe?" sagot ko ng iaccept ko ang call "sus, sabi tatawag ulit nagpakalunod ka ba kay Ero?"  mahabang litanya nito "medyo lang naman miss ko e bakit angal ka manligaw ka muna ay male magpakita ka muna sakin para palitan kona si Ero"  mahaba kong sagot  sakanya "bigay address miss otw"  sagot nito kaya pareho kaming tumawa ng malakas.

Nagpaalam din kaagad si  Ali nagkaemergency ito, sa totoo lang kinikilig ako nagkakagusto nadin ako dito kaso nakakatakot e tska may Ero dito ...

.
.
.
Itutuloy
by: coffigeli

MayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon