Chapter 18

0 0 0
                                    

pahiwatig

"Bilhan moko ng Jordan tol"  ang boses ni Jaddy ng una kong narinig "ah si Malorie ba tulog pa yata"  may kalakasang pagsagot nito, kaya nga mas lalo akong nagdesisyon na hindi lalabas dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na si Ero ang kausap nito.

Ilang buwan na rin ba ng umalis si Ero pero hanggang ngayon hindi parin kami nag-uusap muli, minsan ay narinig ko si Kuya na kausap siya nito "e ayaw kang kausapin kaya dapat lang na bilisan mo jan, ikaw rin"   makahulugang saad ni kuya.

Hindi dahil nagmamaarte ako kaya ayaw ko itong kausapin noong ngang nagdiwang ako ng 18th birthday nakuha pa niyang magpadala ng 18 thousand na nasa bulaklak na siyang ikinagulat ko.

Bago ito umalis ay napag-usapan na namin na aantayin ko siya pero hindi ibig sabihin non ay irreach out ko sya.

Sa ngayon mas nagfocus ako sa sarili ko. Hindi ko na rin nakakausap si Ali kaya nga napagpasyahan ko siyanh komustahin ngayon.

Ako: Komusta na Ali?

Nahihiya ko na rin itong kausapin ngunit mula ng umalis si Ero ay nagtaka ako na may malaking pagbabago sa katangian niya siguro nga may taong napapagod din pero wala akong maintindihan na sapat na dahilan upang hindi nya nako kausapin.

Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking messenger senyales na may nagpadala ng mensahe at si Ali ito.

Ali: Ayos lang
Ako: Di mo nako kinausap ah
Ali: May mas pinagtutuunan ako ng pansin ngayon.
Ako:  ah ganon ba
Ali: May gusto rin akong sabihin sayo
Ako: ano iyon?
Ali: Baka ito na ang huli nating pag-uusap
Ako: huh? bakit naman
Ali: Gusto ko na munang hanapin ang sarili ko
Ako: Hindi ko maintindihan, ipaliwanag mo
Ali:  Itigil na natin tong pag-uusap na ito Rhie
tutal nagchat kana rin gagamitin kona ito na pagkakataon ayaw na kitang makausap.

Hindi ako agad nakasagot dahil na rin sa pagkabigla madaming tanong ang gusto kong itanong pero pinili kong itigil ang pagkasabik kong magtanong.

Ali: Pakiramdam ko Rhie wala na rin kapupuntahan to, hindi rin ako naniniwalang nagw'work ang LDR.

Ni minsan hindi ko inakalang makakarating s sa ganitong punto ng buhay pero pakiramdam ko lahat ng ito ay nangyayari dahil may nakaalan talagang bagay na pansamatala lang.

Ako: anong ibig mong sabihin?
Ali: Hindi mo rin naman ako gusto Rhie bakit pa natin papatagalin to, siguro naglolokohan nalang din tayo.
Ako: bakit pakiramdam ko parang kasalanan ko ang nangyayari?
Ali: siguro, naka-usap ko rin si Ero kung hindi nya nasabi sayo, nasabi nya na ingatan kita hanggang magkita tayo dahil nalilito ka pa sa inyong dalawa pero alam kong hindi kona matutupad yon, ayoko na Rhie.
Ako: Kung ano man ang dahilan mo maiintihan ko naman siguro may pinagsamahan rin tayo, tungkol namn sa pag-uusap nyo ni Ero hayaan mo na lamang iyon.
Ali: Walang dahilan Rhie ginusto ko lang.

Doon na nagtapos ang aming pag-uusap nanghinayang ako sa aming pinagsamahan, kailanman hindi ko rin ipinakitang sobrang interesado ko akala ko pagkakaibigan lamang ang kanyang gusto.

Hindi na muli ako nagtanong o maging sumagot, ayoko na munang makarinig o maging makabasa ng kahit ano dumagdag pa ang pangyayari na nalaman kong nagkausap pala sila ni Ero.

Bagama't gusto kong kausapin si Ero sa mga oras na ito ay hindi ko parin ginawa dahil narin sa ayoko na rin mag-isip pa ito.

.
.

"Ate parang napansin ko palagi kang tulala mula pa noong Martes" tanong ni Cashie habang papunta kami sa tindahan sa may kanto "huh? wala yon"  maagap kong sagot " nung isang araw pala bat namamaga mata mo?"  paghahanap niya ng butas sa ilang araw na pagkatulala ko "may nakakaiyak kasi akong binasa"  sagot ko muli, sinubukan ko siyang aliwin ayoko na muna kasing isipin ang nagyari.

Hindi ako manhid para sabihing hindi ako nasaktan sa mga sinabi ni Ali pero mula ng huli naming pag-uusap ay mas lalo akong manlumo ng maintindihan ang kanyang rason.

Ilang araw lang kasi ng huli naming pag-uusap nalaman ko na nagbalikan sila ng ex nito na nasa dating larawan na pinadala nito sa akin ay siya rin ang babaeng ex pala nito.

"kita mo tulala ka nanaman"  pahayag ni Cashie na nakapagbalik sa aking wisyo "iniisip ko lang kung kinakain pa ng lamok yung kapw niya lamok" walang saysay na pagdadahilan ko "yang dahilan mo ate pang tanga lang, akala ko pa naman hindi ka tanga"  mapang-asar na sagot nito kaya naman ng akma ko na siyang kukurutin ay kumaripas ito ng takbo ang ending naghabulan kami sa daan.

.
.
.

Ero Pov

Alam ko sa mga oras na ito ay nasaktan si Malorie dahil sa ginawa ng Ali na iyon. Nalaman ko ang lahat ng magcjat sa akin si Ali at sinabing "bahala na si Malorie sa buhay nya"  kaya naman hindi ko agad naisip ang dahilan akala ko ay nag-away lang ito pero lahat ng katanungan ko ay nasagot ng magpost si Ali kasama ang isang babae at sa caption nito.

sweet

Siguro bata pa itong Ali na ito dahil hindi nya pa alam na may nasasaktan siyang ibang tao pero wala pa akong magagawa lalo na at pakiramdam ko galit sakin si Ai dahil narin nasabi na pala ng gagong Ali na iyon na nag-usap kami kaya natatakot ako sa sasabihin ni Malorie sakin.

May parte na natuwa ako ng iwan ni Ali si Malorie dahil sa oras na bumalik ako ay liligawan kona ng madinsina si Malorie, alam narin ng mga magulang nito ang aking gagawin ganun din sa ang mga magulang ko masaya silang malaman na may feelings ako kay Malorie dahil ayaw lang daw nila ako ipressure pero boto sila kay Malorie lalo na at hindi na at magkaibigan ang mga magulang namin.

.
.
.

itutuloy
by: coffigeli






MayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon