Chapter 2

0 0 0
                                    

Friend request

Naging busy ako sa pagdadamo dito sa bahay kaya naman sa mga nagdaang araw ay hindi ako gaanong active sa social media paulit-ulit nalang kasi yung nakikita ko don tapos ginagawa pang twitter yung facebook
mapapa hay nako ka nalang.

Katulad ng dating gawi nakaunstall nanaman ang facebook ko biglang lumabas si Kuya Di kaya naman napaayos ako ng tayo palagi nalang akong nagugulat kay Kuya parang tanga kasi deg pa ang kabute .

"Cashie maligo kana nga ang baho mo" narinig ko sabi nito at habang tinitignan ko sila natatawa ako sa ugali namin pano ba naman si Kuya Di kasi palaging parang may regla napakasungit samantalang si Cashie naman amazona yata tong batang to ako chill lang naman  yung tipong nasabi ng malalapit ko pang kaibigan na patay na ang pasyente ako hindi pa updated malay ko ba.

"Mas mabaho ka kuya" dinig kong sigaw ni Cashie at nanlaki ang mga mata ko ng sumigaw pa ito ng "si Ate Ai nga mabantot nagreklamo ba ako" .

Aba't siraulo talaga tong kapatid ko dinamay pako pero syempre hindi ako papatalo sumigaw ako ng "ikaw Cashie kakacellphone mo yan kaya magaling ka ng mang-asar" lumabas ito mula sa cr ng namumutla o diba ang hina kukuhanin kasi ni mama ang cellphone nya at nasamplehan na ito nung sinabi kong dahil sa kakacellphone nya may jowa na siya takte grade 7 palang maharot na.

Masama na ang tingin ni Kuya Di sakanya kaya naman gumatong na ulit ako baka magwala pa tong si Cashie.

Natapos ang asaran ng napagalitan kaming tatlo kay papa kanya kanyang paliwanag maging si Kuya Di na nagumpisa ng lahat parang matatae sa itsura nya.

"Gaganti tayo" kunwari'y pabulong na saad ni Kuya Di kay Cashie "papa oh gagantihan daw nila ako"  maingay na sabi ko narinig ko ang pagtawa ni mama at napailing naman si papa "mga bata kayo wala pa man akong 60 puti na ang buhok ko dahil sainyo" saad ni papa kaya naman tumawa kaming lahat

Bumalik ako sa pagdadamo tinapos ko ang ibang parte sa aming bakuran .

Matapos ang lahat at naka-ligo narin ako nagpaalam ako kay mama na mahihiga na muna tumango lamang ito at ako naman ay mabilis na pumasok sa kwarto ko, kanya kanya kasi kami ng kwarto dahil ayon kay papa importante ang privacy.

Tinanggal ko ang cellphone ko sa pagkakacharge tapos naginstall nanaman ako ng facebook. Pagkabukas ko nakita kong may friend request at talaga naman nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pangalang Ali Subaran na nag request pa ng ng friend request.

"Dapat ilabas mo yan Ate Cai baka bumaho sa kwarto mo" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Cashie na nakasandal sa pinto ng kwarto ko takte tong kapatid ko aatakihin yata ako sakanya "oh, ngayon ka lang nakakita ng maganda? hehe ako lang to si  Amanda Cashie"  dagdag pa nito na kina-init ng ulo "LABAS CASHIE!" sigaw ko at inirapan lamang ako nito at sabay sabing "sino yan? parang sa gulat mo eh nagchat ang jowa mo, kuya oh si Ate Ai " dagdag pa nito mabilis pa sa naisip kong habulin siya pero ang lintik mabilis din itong nakapasok sa kwarto niya.

Binalikan ko ang cellphone ko at inaccept  ang nagngangalang Ali tignan natin ang kayang gawin nito sabi ko sa sarili ko habang ngiti ngiti.

Iniwan kona ang cellphone ko sa kama pagkatapos ay tumayo na para balikan si Cashie ng ganti dahil sigurado akong hindi ako titigilan nito.

.
.
.
.

itutuloy
by: coffigeli

MayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon