Chapter 4

31 8 4
                                    


Chapter 4

Hindi ko na naubos ang pagkain na inorder ni Frinity dahil sa dahilang nawalan ako ng gana, kung hindi lang dahil sa lalaking yun sana ay masaya at matiwasay ang snack time ko. Pero ng dahil sa pambubulabog niya at ang mga bubuyog niyang parang payaso ang pagmumukha, dahil sa kapal ng make up nito, makapal na nga ang mga mukha mas pinakapal pa ng palamuti nila.

Nasa may hallway kami ng makita namin si Herrie na mukhang may hinihintay, lalapit na sana ako ng may biglang lumapit sakanya na lalaki.

"Mukhang pumapag ibig yang NEW FRIEND MO HA'NO."

Napa irap nalamang ako sa pagdidiin niya sa iilang huling salita na binanggit niya.

"Hayaan mo na, baka kakilala lang, ang chismosa mo." Ani ko at nilagpasan na lamang siya at dumiretso na sa silid aralan namin.

"Pero gwapo yung guy ha, I think siya yung Kail na baguhan." Pag uusisa niya habang sumusunod sakin.

"Frinity, stop mentioning those bunch of guys, pinapa init mo lang ulo ko." Inis na ani ko, na ikina ngisi niya.

"Alam mo ba na kapag ganyan ang nararamdaman mo sa isang tao, ay may malaking tyansa na magustuhan mo sila?" Pagmamalaking saad niya habang naka ngiti at naka pameywang pa.

"Alam mo ba ang isang madaldal at chismosang tulad mo ay maaaring maputulan ng dila?" Sabat ko rito na ikina tikom ng bunganga niya. "At isa pa san mo ba yan nalalaman masyado kang madaming alam."

"Syempre nag mula yun sa malinis at matabang utak ko." Naka turo pa ang hintuturo niya sa bandang ulo niya na parang wiling wili sa pagmamalaki nito.

Irap na lamang ang aking isinagot sakanya.

Sa sumunod na dalawang oras ay walang guro ang pumasok, marahil ay nasa faculty ang lahat at ang iilan ay absent.

At wala ding Herrie na pumasok sa dalawang oras na iyon.

"Baka nasa BOYFRIEND niya, ikaw talaga Blythe hayaan mo ang mag jowa." Saad ni Frinity habang inaayos ang buhok nito.

"Tumigil ka nga sa Boyfriend Boyfriend na yan Frinity, di ka nakakatuwa." Saway ko rito na ikina tawa niya lang.

"Bitter ka lang talaga sis, ang daming nagkakandarapa sayo tas ayaw mo naman pansinin ang iilan." Sumasang-ayon ako sa maraming nagkakandarapa sakin pero hindi ako bitter!

"Tsk, ma una na ako, pupunta pa ako sa SSG Office." Pagpapaalam ko rito tsaka lumabas na sa classroom at mahinhing lumakad papunta sa Office namin.

Madaming mga kalalakihan ang nagpapansin at may binibigay sa akin, ngunit pag ngiti at pag yuko na lamang ang ginagawad ko.

Sanay ako sa atensyon pero hindi ibig sabihin na kelangan ko din mag bigay atensyon sa mga taong naka tuon sa akin.

Ng nasa harapan na ako ng pinto ay may naririnig akong tawanan na ikina pagtataka ko.

Dahan dahan kong pinihit ang hawakan ng pinto upang hindi ako mapansin ng mga tao sa loob.

Halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino sino ito.

Kaya imbes na sasawayin ko ito sa mahinhin kong pamamaraan ay halos ibagsak at sirain ko ang pintuan dahil sa inis.

"Oh Good Afternoon, Ms. Highblood." Naka ngising ani ng Panget na Nerd.

"Anong ginagawa niyo dito? Students without businesses with the President are not allowed here to stay and cause chaos." Halos maputol ang ugat ko sa kakasalita at isabay na din ang pagka inis.

"Boys get out, may pag uusapan lang kami ni Ms. Highblood." Nagulat pa ako sa pag gamit niya ng tagalog sa apat na tsokoy na kasama niya.

Sumunod naman agad ang apat sa inutos ng master master nila. At pabagsak na isinara ang pinto.

Aba't may balak yatang sirain yung pinto, di porke ay ginawa ko ay susundin nila.

"Don't worry I'll pay for the door." Usal niya na akala ko ay umalis na din dahil parang hangin na lamang ang kasa kasama ko.

"Why are you here?" Diretsong tanong ko habang naka pameywang.

Lumapit muna ito ng dahan dahan bago nag salita. "I want to be your Secretary." Halos lumaki pa ang aking mga mata sa sinaad nito.

Ano siya sinuswerte, ang isang tulad niya hindi pwedeng maging sekretarya ko baka mapatay ko to wala sa oras eh. At isa pa ang mga estudyante ang pumili at nag boto sa nararapat na sekretarya.

"NO." Diin kong sagot sakanya na ikina tawa niya lang, tawang alam kong kahit sino ang makakarinig ay maiirita.

"I actually ask the Dean to change your Secretary." Halos manlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

Isa siyang baliw, paano niya na sabi yun sa Dean, at isa pa hindi ako papayag!

"Wala akong pake, hindi ako papayag na maging sekretarya ka!" Galit kong sigaw sa pagmumukha niya.

Ang ngisi niya kanina ay unti unting nawawala habang lumalapit siya sa akin, na ikina atras ko ng pa ulit ulit.

Ito yung nababasa at napapanood ko sa mga libro at palabas, na ikokorner ng bidang lalaki ang bidang babae at hahalikan ng lalaki ang babae.

O to the M to the G! No way! Para sa future asawa ko ang birhen kong mga labi hindi sa isang pangit at supladong nerd na katulad niya.

"A-anong ginagawa mo?!" Pasinghal kong tanong hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader.

Lumapit lang ito ng lumapit hanggang sa kakaunti na lamang ang distansya sa pagitan ng mga mukha namin.

Ngayon ko lang nakita ang kabuuan nito, ang ganda ng mata niya kahit na may salamin, ang tangos ng ilong, maporselana ang kutis nito at mapupula ang mga labi niya na mukhang masarap at malambot halikan.

"Enjoying the View?" Tanong nito pero nasa labi parin niya ang atensyon ko.

Nakaka hipnotismo ang mga labi niya gusto ko yun hawakan.

Ng maramdaman ko ang papalapit ng mukha niya ay agaran kong sinipa ang bayag niya.

Ha! Di porket gusto ko hawakan labi niya, ay may karapatan na siyang halikan ako, di ko sisirain ang ipinangako ko sa sarili ko.

Halos mamilipit naman siya sa sakit. Sana mabaog na siya at di maka buo ng supling.

"Sa susunod kapag may gusto kang halikan na babae, wag mo akong idadamay. Di porket gusto ko titigan yang mga labi mo ay may karapatan ka ng humalik sa akin! Sana mabaog ka! Sana di ka maka lakad hanggang sa susunod na henerasyon!" Sigaw ko sakanya habang hawak hawak niya parin ang dalawang nabiyak na itlog.

Tsaka ako kumaripas ng takbo ng dahan dahan na itong bumangon.

"Bye bye, Eggnog!" Sigaw ko at tuluyan ng umalis.

Chapter 4 Ends.

HUMSS be with YOU || SHS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon