Chapter 7

16 3 3
                                    


Chapter 7

Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa dumating na kami sa loob ng Campus, di ako sanay na ganito siya katahimik.

"Hindi naman ako galit, Frinity." Paglalambing ko rito, pero imbes na sumagot ito gamit ang salita, ay hikbi lamang ang lumabas. "Sabing hindi ako galit, alam ko naman na may pagnanasa ay este may pagtingin si kuya sayo."

Hikbi lamang siya ng hikbi, na ikina bahala ko na lalo.

"Frinity naman, tahan na." Halos aluhin ko na siya gaya sa mga batang pinapatahimik ng kanilang magulang. "Di galit si Blythe, si Blythe galit kay Dythone, hindi kay Frinity."

Parang bata na ako kung mag salita, never ko pa kasing naranasan na mag patahan sa isang tao. Ngayon ko palang to naranasan, kapagod pala.

"H-hindi naman kasi kiss yung ibibigay ng Kuya mo." Naka tingin niya ng ani sa akin.

"Eh ano, hindi pa ba sapat na muntikan na mag lapat ang mga labi ninyo?" Pangunguwesyon ko sakanya, laking gulat ko ng mag dabog ito.

"Blythe, Bayad yung ibibigay niya! Bayad! Umutang kasi yang magaling mong Kuya, bubulong lang yun sana siya, masyado kang duling!" Ani nito at mabilis pa sa alas-kwatrong pumihit papunta sa hallway.

Bayad pala yun akala ko halik, pero grabe naman sa duling ha.

Lalakad na sana ako papunta sa hallway ng may biglang humila sakin at hinila ako papalayo sa main gate, pilit akong nagpupumiglas hanggang sa napunta kami sa parking lot.

"Sakay." Walang ganang ani nito, na ikina kunot noo ko, aba't ang lakas ah, bigla biglang nanghihila tas uutusan pa akong sumakay. Kutusan ko to eh. "Tutunganga ka lang?"

"Sino ka ba? Sino nag utos sayo? Gosh, na-kidnap ba ako?" Parang baliw kong tanong sakanya, halata sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa. "Baka ma-utot ka nyan."

Sumeryoso naman agad ang mukha niya, at agarang binuksan ang pintuan ng kotse at sapilitan akong isinakay.

Dahil mukhang unggoy ang kasama ko, ay mabilis siyang naka punta sa kabilang side ng kotse at sumagay sa driver seat at ini-lock ang pinto, tsaka pinaharurot ang sasakyan.

"Naku! Ayaw ko pang mapunta sa Wonderland! Hindi pa ako ready! Na-kidnap na nga tas mukha matetegi sa sasakyan! Kuya! Kuya! Kuya! Tulong!" Malakas kong ani, habang nagwawala sa upuan.

"Fudging bar shut up!" Rinig kong sigaw na nagmumula sa likuran ko.

Alam na alam ko kung kaninong boses ito.

"Dy, ikaw na bahala diyan, ang ingay parang machine gun. Kuda ng kuda." Ani nito tsaka hininto ang sasakyan at bumaba hindi din naman nakalimutan ng panget na'to i-lock agad ang sasakyan.

Dahil hindi na siya makaka labas ay may kung ano siyang ginawa at ipinahiga ang driver seat at simpleng naka punta roon.

"Keep your mouth shut, if you still want to see your Brother." Pagbabanta nito na ikina gilid ng luha ko.

"Pati ba naman Kuya ko, parang awa mo na, tama na, kahit pumunta ka ng pa ulit-ulit sa panaginip ko at gawing bangungot ito, ay okay lang. Wag na wag mo lang talaga sasaktan ang Kuya ko." Naiiyak na ani ko na ikina tawa niya.

"Silly."

"Labuyo." Pag dugtong ko sa huling salita niya na ikina hagalpak niya ng tawa.

He said Sili so I said Labuyo, para Sili Labuyo. I'm Genius, aren't I?

"Sabi mo tatahimik ako, tas ikaw din naman yung maingay, tawa ka ng tawa." Naka simangot kong saad.

"I just can't help to laugh." Tsaka ito tumawa muli.

"Shut up!" Sigaw ko rito na mas ikina tawa niya.

"You should see yourself." Putol putol niyang ani dahil sa tawa.

Tinitigan ko naman ang mukha ko sa salamin na meron ang sasakyan na ito.

Nakita ko ang itim na dumi sa mukha ko, at lampas lampas na liptint.

Halos masabunutan ko ang sarili ko, dahil sa nakikitang repleksyon.

"Aish! Ba't ako nagkaroon ng dumi, at isa pa di naman lampas lampas tung liptint ko ah." Inis na ani ko habang pinupunasan ang pagmumukha kong maganda.

"May wipes diyan." Ani nito habang nasa kalsada na ang pansin.

Dahil ayaw kong magmukhang Dythone ay kumuha na agad ako ng wipes sa glovie niya.

Puro wipes at tissue lang ang naka lagay dito, meron pang nakasamang alcohol.

"Really?" Tanong ko rito na ikina sawalang bahala lamang niya.

Mga ilang minuto rin ang nag daan bago niya hininto ang sasakyan, halos lumuwa sa dibdib ko ang naghuhuminding puso na ayaw magpa kabog sa kaba.

"Out." Simple ngunit makapangyarihang ani nito na ikina irap ko, syempre dahil may sira siya sa utak ay papalabasin niya ako eh naka lock pa nga ang sasakyan, papalabasin ako ano gusto niya pagmukahin akong tanga. "Tsk, I said out."

"Bakit ako lalabas?" Tanong ko rito, na ikina singkit ng mga mata niya.

Dahil siguro hindi maka timpi si Master ay lumabas ito at binuksan ang pintuan na nasa gilid ko.

'Di na pala naka-lock.'

Halos mapatili ako ng biglaan siyang lumapit sa akin, at tsaka ako dahan dahan na kinuha sa upuan tsaka kinarga gaya ng mga bagong kasal.

Napapa kapit ako ng mahigpit sa leeg niya na ikina, ngisi niya.

Gustuhin ko man bumitaw ngunit baka ibagsak niya ako kaya mas mabuting kumapit nalang sakanya.

"Such a pity." Ani nito tsaka dahan dahan akong ibinaba.

Nasa hindi ko malamang lugar niya ako idinala, baka dito niya ako i-mumurder!

"Pwede naman mapag usapan yun." Simula ko na ikina agaw ng buong atensyon niya.

"What?" Takang tanong niya.

"Pwede naman mapag usapan yung nangyari kahapon, wag naman sana umabot sa papatayin mo ko, madami pa akong pangarap sa buhay." Unti unting bumabagsak ang mga luha sa mga mata, ko na ikina tawa niya.

Demonyu nga siya.

"Crazy!" Tawang tawa niyang ani. "Your Brother, actually ask me to send you here. I'm not that crazy to kill someone like you."

Naka luwag naman ang hininga ko dahil roon, pero sumikip muli ito ng lumapit ito sa bandang tenga ko.

"But, you let me remember what happened yesterday." Biting ani nito, na mas ikina kaba ko. "You really should pay for it, not now, but soon."

Huling ani nito at pumasok na sa kotse niya at iniwan ako dito sa lugar ng kawalan.

HUMSS be with YOU || SHS Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon