Prologue

15 1 0
                                    

It is difficult to leave a loved one if from the beginning you know that you love each other. They knew they loved each other, but the love left them.

"Siguro hanggang dito na lang talaga," mahinang saad ni Pearl.

Nakahawak ang kan'yang mga palad sa isa't isa habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga ito. Ang lalaking katabi at kasama ay tahimik lamang.

"We love each other, don't we?" Mahihimigan ang pagsuko ng boses ng lalaki.

Tanging sila ang magkasama sa isang tahimik na paligid. Walang kaingay ingay. Sila ang bumubuo sa mapayapang gabi. Ang mga maliit na boses na nagpapalakas ng dagungdong ng kanilang mga puso. Sinisigaw sa isipan ang pagtatapos. Tanging ang iilang fireworks ang namumuntawi sa kanilang dalawa. Tila ba nakikisalamuha rin ang kasiyahan ng mga paputok sa kalungkutan ng dalawang tao.

"Lagi natin mahal ang isa't isa. Pero iniwan tayo ng pagmamahal na akala natin nasa atin pa," sagot ng babae. Bakas ang sakit sa kan'yang boses. Tila ba binabasag ito nang paunti-unti.

Tahimik ang lalaking yumuko rin at ginaya ang babae. "I want to touch you more. I still want to hug you. I still want you to be with me, but you look right. The love we thought we still had has left us." Tuluyang nabasag na ang boses ng lalaki.

Narinig na ng lalaki ang mahihinang hikbi ng katabi niya. Maski siya ay naluha na rin sa ginagawa ng nobya. Natatabunan ang kan'yang mahihinang hikbi ng mga paputok na sumasabog na sa kalangitan.

"If you love someone, let them go. It doesn't mean that you let her go, you don't want her anymore. You let her go because it's right, because that's where she'll be happy, right?" Dugtong ng lalaki na ikinatango ng babae bago huminga ng malalim.

Malayang pumagaspas ang hangin sa kanila at pinaramdam ang pagkakawasak ng dalawa. Maski sa malalayo ay naririnig na ang mga torotot ng mga bata.

"Hindi ko naisip o pumasok man lang sa isipan ko na darating tayo sa ganitong punto. Masyado nating mahal ang isa't isa kaya iniwan tayo ng pag-ibig..." Sagot ng babae habang nangangapa pa sa mga gustong sabihin.

"Naaalala ko pa 'yong panahon no'ng lahat ng alaala na pinagsaluhan natin. Ang saya no'n. Walang makakatumbas doon. Ikaw lang kasi ang nakagawa no'n sa akin. Ikaw lang ang nanatili sa akin. Ikaw lang." Hirap na hinuhugot ng babae ang kan'yang paghinga.

"Hm... natatandaan ko rin. Ikaw lang rin kasi nakagawa no'n. Ikaw ang prinsesa ko, e. Ikaw lang mahal ko. Pero tapos na. Tapos na tayo." Pilit na pinapalakas ng lalaki ang kan'yang tono ngunit bakas na bakas naman doon ang pagkakawarak nito.

"After twelve years... palalayain na natin ang isa't isa. Binuo natin ang sarili natin para sa iba. Nanatili tayo at pinag-aralan ang pag-ibig at ngayon... natutuhan na natin, at ipaparamdam na natin iyon sa susunod na mamahalin."

Tuluyan ng bumagsak muli ang sunod-sunod na luha sa mata ng babae na animo'y matagal na inipon ito.

Ang sakit lang isipin na after how many years, 'yong mga nalagpasan na struggles, mga away at tampuhan, ang mga batuhan ng mga salita, at 'yong laban na sabay naming nilagpasan, nagtapos na ng tuluyan.

Ang sakit lang isipin na ang daming may nag-expect na kami na hanggang dulo, na anak at kasal na lang ang kulang kasi oo nga naman, doseng taon na rin kami, e. Pero look at us now, we're crying kasi huli na to, last na to, huling tingin, huling yakap, huli na ang lahat.

Mas masakit isipin na we built each other just to love rightly the next ones we're going to love.

"This page is the one I will remember most until I die. This is the page I will include to the end. And this is the page I have memorized of all the pages I went through. You're my favorite page," sagot ng lalaki habang nakatingin sa malayo.

"But you have to move to the next page to move forward. Kailangan mong magpatuloy. Hindi ka dapat mahinto sa pahinang mayroon ako at kailangan mong matapos ang buong libro para maintindihan mo ang buong pagkatao ko."

"Ang pahina mo ang may halo-halong plot na ninanais ko pero kailangan ko ngang umusad para mahanap mo 'yong tutugma sa 'yo... tahanan kita. Laging ikaw ang pipiliin ko. Pero kailangan mo na ring umuwi sa tahanan mo. Alam kong hindi ako. Alam kong hindi tayo. Pero lagi kong hihilingin ang kasiyahan mo. Dahil nararapat iyon sa babaeng katulad mo." Pinakalma na ng lalaki ang kan'yang sarili.

"Hahanapin at mamahalin kita sa susunod na buhay. Sa dulo ng libro, nakaukit ang pangalang ikinahinayang ng lahat. Pangalan nating dalawa. Pagmamahalang natapos sa gitna."

"Aalis na rin ako bukas," mahinang dagdag ng babae.

"Saan ka pupunta?" Bakas ang lalong pagkakahina ng boses ng lalaki.

"I'm moving to Switzerland and I'm going to live there for good." Kahit na gustuhin ng babae na dahan-dahanin ang pagsabi ng totoo ay hindi niya nagawa. Panandaliang natahimik ang lalaki bago ito ngumiti at humugot ng malalim na hininga.

"Ihahatid kita. Sa huling pagkakataon, ihahatid kita." Pilit na nilakasan ng lalaki ang tono nito kahit pa man ay halatang hinang-hina na rin.

Matapos n'yang sabihin iyon ay saka s'ya tumayo. Ganoon rin ang babae at nanghihinang napahawak muna sa binti.

"So... yeah. My love, see you next. Thank you for twelve years. Even if love has left us, don't get tired of loving." Yumuko na ang babae at tumalikod na ngunit napahinto siya sa huling sinabi ng lalaki.

"You're the best thing that happened in my life and that won't change. Thank you for twelve years, my home. Happy anniversary," bulong niya.

Napayuko ang babae at huminga ng malalim bago ito nagpatuloy na lumayo. Kasabay no'n ay ang sabay-sabay na pag-angat ng mga paputok sa kalangitan at sabay-sabay na sumabog roon na animo'y pinagpyestahan ang mga durog na puso.

On the first of new year when they became in relationship and on the first of new year when the gap between the two of them ended. Twelve years ago the courtship ended and twelve years now what they have is over.

Unconditionally love will always right there. The time is not wrong for the right person. You were right and the time was right, but love left. There is love that remains in hearts but pleasure is exhausted.

Vivre Series #1: Lost And FoundWhere stories live. Discover now