4

2 1 0
                                    

"Sige, pabalik naman na kami. Kailan daw ba pasukan ulit?" Sagot ko sa kaibigan ko.

Tapos na ang new year kaya oras na para bumalik sa Pilipinas at magliwaliw na ulit. Masaya naman dito ang kaso bumabalot ka ng sobrang lamig! Nagyeyelo!

"Monday daw," tanging sagot niya.

"Ay ang tanga talaga. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan kita. Saan ka ba nakakita ng sabado ang pasukan?" Sarkastikong sagot ko rito pero sinuklian niya lang ako nang malakas na tawa. Para bang tawang-tawa siya sa pinagaggagawa niya sa buhay niya.

"Sa seven daw. G ka ba? Sa sabado punta ka dito. Kailan ba ang uwi nin'yo? Inom tayo. Celebrate us. Tanga ka kasi, e! Bilisan mo umuwi kasi may surprise ako sa 'yo!" Sigaw niya sa kabilang linya kung bakit nailayo ko agad ang telepono sa tainga ko.

"Puta ka, Trinity! Ang sakit sa tenga nang sigaw mo! Mamaya na kami uuwi, bobo! Punta ka sa bahay pag-uwi ko, may ibibigay ako sa 'yo!" Excited kong tugon. Biglang nagbago ang mood ko dahil mahilig akong magbigay ng kung ano-ano.

Wala lang. Ma-feel nilang importante sila sa buhay ng isang tao. Na kahit na pinagdududahan nila ang sarili nila na walang nagmamahal sa kanila, nandito ako. I got you, babe! Through giving gifts, I want them to feel that even if we are not together, I remember you in small things. And you deserve it! Because you are special and loved!

Thanks to my parents who made me like this.

"Ay, wow! O, sige na! Aasikaso lang ako. Tangina kasi, e. Iyong mga walang kwentang kamag-anak namin na hindi ko alam na nabubuhay pala, bigla-biglang nagpapakita dito sa bahay! Dumadalaw agad! Sige na! Pag-uwi mo na lang tayo magchikahan! Ingats!" Aniya bago pinatay ang tawag.

Mukhang abala nga siya. Nagkibit-bakilat na lamang ako at saka ko na inasikaso ang dadalhin kong bagahe. Ready na kami, e. Tumawag lang talaga ako. Naayos na ang lahat. Aalis na lang talaga.

Naging smooth ang byahe namin kaya at the end bagsak ang katawan ko sa kama ko. Na-miss ko ang kama ko. Na-miss kong mag-emote dito. Binuhay ko ang mga ilaw. Iyong mga LED lights ko at ang mga ilaw na nasa gilid-gilid lang kung bakit mas nabuhay ang kwarto ko. Nag-spray din ako ng freshener. Makakatulog na sana ako lahat-lahat pero bakit naman panira ang mga kamay na kumakatok ngayon sa pintuan ko. Akala mo may namatay at kailangan ako dahil ako ang magtatanggal sa kalamnan.

"Oh?!" Sigaw ko. Tamad akong tumayo at pinagbuksan ang letse kong kaibigan.

"Tangina?! Ang bilis mo naman! Papahinga pa lang ako, e!" Saad ko sa kan'ya pero ako napaatras lang dahil siya nagmamadaling pumasok at sinarado ang pinto.

"Masama ang binabalak mo, hoy!" Duro ko sa kan'ya ngunit ang pagbatok niya ang natanggap ko.

"Gago!" Saad niya bago niya ako higitin at niyakap ng sobrang higpit.

"Tangina, sana all amoy Switzerland! Ako kasi amoy paputok lang!" Natatawang sagot niya bago humiwalay sa akin.

Wala akong inaksayang minuto dahil kinuha ko agad ang paper bag kung saan nakalagay ang marami kong regalo for her. Taon-taon ata may natatanggap 'to sa akin. At saka late Christmas party gift ko na 'yan sa kan'ya. Mali! Dinadahilan ko lang talaga kahit wala naman talaga kaming Christmas party gift sa squad namin. Trip ko lang talaga gastusin ang pera ko at bilhan ng mga regalo ang mga kaibigan ko.

Of course, may dumagdag! Si Kai!

Nakausap ko si Kai no'ng pasko at bagong taon. Sobrang dalang niya lang mag-open. One reply a day amputek! Pero ayos na rin at least alam kong kahit papaano binubuksan niya ang account niya at hindi ito sinusuputan ng gagamba.

"Pabigay rin pala 'to kay Kai," saad ko at saka kinuha ang paper bag na katabi lang ng pinagkuhaan ko ng paper bag ni Trinity.

"Aba! Tangina, Nez! Grabe ka naman ma-inlove! P'wede bang ako na lang jowain mo? Masyado ka ng hulog sa pinsan ko. Ako na lang tutal ako naman ang pinsan ni Kai, e! At saka wala kang pag-asa roon!" Pambabasag niya pa.

Vivre Series #1: Lost And FoundWhere stories live. Discover now