5

2 1 0
                                    

Warning: Depression and Self-harm.

***

Nagtapos ang school year na hindi ko man lang naramdaman na tapos na pala. Ni hindi nga ako nakaramdam ng pagod kapag uwian o papasok ako. Ganoon ang nabibigay kapag inspired ka.

Ginawa kong pangalawang bahay ang bahay nila Trinity. Walang araw na hindi ako tumatambay doon at minsan umuuwi na ako ng alas sais. Ayos naman, e. Walang problema kung alas sais ang uwi ko dahil curfew ko naman 'yon. At least hindi ako lumalagpas sa curfew ko kahit na gustuhin kong mas tumagal pa ako roon.

Napagsalitaan na nga ako ni Tita na lagi na raw akong naroon at kung may balak pa raw ba akong umuwi sa amin dahil walang araw na wala ako roon.

Gusto ko lang naman masilayan si Kai lalo pa't sa susunod na linggo ay babalik na siya sa bahay talaga nila. Baka hindi na rin siya lumabas dahil nasa pamamahay na siya nila. Habang ako nag-aantay na lumabas siya o kahit man lang sumilip.

Alam mo 'yon? Buong isa't kalahating buwan ay nandoon at nagpabalik balik ako kila Trinity para masilayan si Kai. Kahit sobrang init dahil summer na ay pumupunta pa rin ako. Kaso nga lang ay iyong dahilan nang pagpunta ko roon ay nakakulong na sa kan'yang kulungan. Walang labasang nagaganap o sumilip man lang. Simula no'ng bumalik na ulit siya sa kanila, hindi na siya lumabas pa. Pero no'ng diretsong isang buwan, nakakausap ko siya.

Hindi nga lang katulad ng nangyari sa amin no'ng uminom kami at no'ng kauna-unahang nakita niya akong umiinom. Halos hindi niya na ibuka ang bibig niya. Kapag may tinatanong naman ako sa kan'ya ay tanging hand gestures lang ang sinasagot niya. Napagtripan ko pa nga na hinand gestures ko rin siya na tila ba wala kaming mga bibig. Alam kong napangiti siya sa ginawa ko.

Ewan ko pero napapansin ko namang sinasagot niya ako kapag kaming dalawa lang pero kapag may kasama na kaming iba ay bumabalik siya sa pagha-hand gestures at pagiging suplado. At least alam ko na kung paano siya kausapin.

Ngayon naman nandito na naman ako sa bahay nila Trinity. Hindi dahil para kay Kai kung 'di para kay Trinity. Kabang kaba ako dahil... nagtangka na naman siya.

Praning at puno ng takot ang puso ko sa ginawa niya. No'ng isang gabi, nag-uusap lang kami tungkol sa mga masasayang topic tapos biglang tatawagan ako ni Kai na nagtangka ang kaibigan ko.

"Hoy! Tangina mo naman! 'Wag naman ganito!" Impit kong sigaw at niyuyuyog siya.

Papikit na siya pero ako sinasampal sampal ko siya para huwag siyang matulog. Nakapang-alis pa ako dahil pumunta akong mall para bilhan siya ng gift. Sanay akong bumili ng gift kahit wala namang okasyon. Lalo na sa kan'ya. Kaya nga iyong kwarto niya, makikita mo agad iyong mga binigay kong regalo dahil dinidisplay niya ito. Lalo na iyong DIY ko na picture frame na magkasama kami.

"Gaga, Trinity! H-huwag kang p-pipikit... p-please..." Pinupuno ako ngayon ng paghikbi.

Kahit pa na may mga dugo na ang puti kong dress ay wala na akong pakialam! Kung para sa kaibigan ko ay susugal ako. Hindi p'wede... hindi siya p'wedeng mawala... Magiging fashion designer pa siya.

Ngunit hindi siya sumagot. Papikit pikit lang siya ngunit namumutla na. Naghaharumintado na ako sa kaba at pag-iyak dahil nanlalamig ang kamay niya na hinahawakan ko. Iyong bandang ginilitan niya. Iyong pulso. Mahaba at madaming dugo ang nawala. Malalim at nakakatakot tingnan. Lalo pa't takot ako sa dugo!

Alam niyang takot ako sa dugo pero nang tingnan niya ang reaksyon ko sa nakikita ko ay napangisi siya kahit na pinipigilan ko pa rin siyang pumukit.

May kasamang panginginig ang paghawak ko sa kan'ya. Hindi ko na lang tinitingnan ang dugo at tanging inaabangan at binabanatayan ko ang mata niya. Maski ang labi niya at mukha ay nag-iiba na ng kulay kung bakit mas lalo lang akong humagulgol.

Vivre Series #1: Lost And FoundWhere stories live. Discover now