2

2 1 0
                                    

"Dito na lang tayo," saad ni Trinity.

Nandito na kami ngayon sa kanila at hindi ko naman inaasahan na madaming bisita pala ang mayroon ngayon. Ang iingay na rin. May kumakanta na nga sa karaoke, e. Ang magulang niya naman ay abala sa paghahanda ng mga pagkain. Ang tatay niya naman ay mukhang lasing na kasama ang mga kumpare nito.

"Hunting tayo ng mga gwapo," bulong ni Daphne sa gilid ko na ikinahampas ko ng balikat niya.

"Gago ka! Matatanda na ang mga bisita. Mahiya ka, gaga!" Tatawa-tawa akong bumaling sa kan'ya.

"Masarap magmahal ng mas nakakatanda sa 'yo, 'no!" May kalakasang sagot niya.

"Gago ka. May boyfriend ka!" Pagsuway ko.

"Girl, pumirmi ka! Pero sige tara mag-hunting tayo!" Pagpapatol ni Eirene sa kaibigan.

"Bakit kasi may boyfriend ako, e!" Inis na sigaw ni Daphne.

Mahinang binatukan ni Eirene si Daphne, "Bakit mo kasi sinagot? Buti pa ako tamang fling lang sa limang lalaki!" Pagmamalaki niya pa.

"Lalakero ka kasi, gago!" Ganti niya kay Eirene.

"Hoy! Parehas lang tayo, 'no!" Balik ni Eirene na ikinatawa ko na lang. Ako ang nasa gitna tapos nasasalo ko pa ang sigawan ng dalawang 'to.

"Ayon, 'te! Tingnan mo!" Kinikilig na tinuro ni Eirene ang bandang malayo sa amin. Maski ako ay napatingin rin at napansing nakatingin ito sa amin. Kay Daphne ata.

"Ibalandra mo na ang suso mo!" Dugtong ni Eirene.

"Wala ka kasing joga!" Ganti ni Daphne.

"Manahimik na nga kayo. Ikaw Daphne, itaas mo ang damit mo. Kita na ang cleavage mo. Baka makakuha pa tayo ng away rito. Mabastos ka pa," seryoso kong sagot.

Kaya ko namang makisabay pero kasi minsan iba na ang nagiging topic nila. Lumalagpas na sa linya. Iniisip ko baka kasi mabastos sila. Lalo pa't malaki nga naman talaga ang hinaharap ni Daphne habang si Eirene ay wala. I mean, mayroon pero maliit. Ako sakto lang naman. May laman at halata. Si Trinity naman ay sumunod kay Daphne. Kaya madalas, silang dalawa ang napagpapantasyahan ng mga lalaking nasasalubong namin.

Kahit na gusto mong isuot ang mga pang-sexy na damit ay hindi mo magawa kasi nakatingin na agad ang mga nakakatakot na mga mata. Mapanghusga at mga matang nakahubad ka na sa kanila. At ang masakit pa ay baka hatakin ka na lang bigla at pagsamantalahan at kapag hinarap na sa korte ay sabihing inaakit mo siya dahil sa ganoong pananamit.

Natatakot lang naman kasi ako sa mga kaibigan ko lalo pa't ang isa sa amin ay hindi napapansin ang dinadamit niya. Wala nga siyang paki kung ang damit niya ay humahapit na sa katawan niya. Wala namang masama roon, ang masama ay ang ma-trauma siya kapag nanggigil ang nakatingin sa 'yo. Ayon ang reyalidad.

"Nine, saan dito ang banyo n'yo?" Baling ko sa kaibigan ko.

Inisang matalim na tingin niya ako. "Alam mo ang gago mo." Pagmamaldita niya pa.

"Bakit, Nine? Anong ginagawa ko sa 'yo?" Pangangasar ko pa.

"Ano ba, Nez! Para ka namang gago! 'Wag 'yong palayaw ko ang itawag mo! Kupal!" Nangigigil siyang sumagot sa akin.

"Tinatanong ko lang nasaan ang banyo n'yo!"  Inosenteng tanong ko kahit lumalabas na ang pagtawa ko nang malakas.

"Nine kasi tawag mo sa akin! Tangina ka, p'wede namang Trinity na lang, e!" Gigil pa rin siya.

Hindi pa ako pamilyar dito sa bahay nila dahil bagong lipat lang sila rito. Mas nasanay nga ako doon sa dati nilang bahay kumpara dito, e. Pero wala, e. Mas kailangan raw kasing dito dahil malapit dito ang mga trabaho ng magulang niya pero ang nagbago, si Trinity ang napalayo sa eskwelahan.

Vivre Series #1: Lost And FoundWhere stories live. Discover now