Chapter 2:

2 1 0
                                    

How can i describe this gorgeous man standing in front of us?

I am totally speechless.

"Hi, my name is James." He smiled and bended his arms to handshake.

At first, I hesitated to reach his hands pero inabot ko na rin yung kamay ko para makipag shake hands sa kanya. Nangingig pa ang mga kamay ko at nararamdaman ko na din yung buong katawan ko na nanlalamig. Namumuo na din ng pawis ang noo ko.

Pagkalapat ng mga palad namin ay para akong nakuryente kaya naman ay agad kong binawi ang mga kamay ko sa kanya na agad niya din namang ikinatawa.

Para naman akong natulala habang tinitingnan siyang tumatawa.

Nawawala kasi yung mga mata niya dahil sa singkit nito. Dun ko lang din siya natitigan ng maayos.

Matangos ang ilong, mahahabang pilik mata, maganda ang mga ngipin at sobrang puti. Ano kaya Ang toothpaste na ginagamit niya? Para naman makabili na din ako. HAHAHA. Mapupula din ang kanyang mga labi at perpektong perpekto ang pagkakahugis ng mukha niya. Kasing tangkad niya lang si Jeff kaya naman halos mabali ang leeg ko kakatingin sa kanya. Napakaputi din niya daig pa ang kutis nating mga babae. Napansin ko din yung hikaw niya na nasa tenga niya. Nagiisa lang yun at may hugis na krus.

He's just wearing a black shirt and black denim pants kaya naman kung titingnan mo siya ay talagang pangbad boy ang kanyang pormahan.

Habang tiningnan ko siya ay agad naman siyang napahinto ng tawa at tinitigan ako sa mata.

Those black piercing eyes.

Para akong hinihila papunta sa kanya at parang gusto kong hawakan ang mga mapupungay niyang mata.

Para akong hinihigop ng mga titig niya dahil sa lalim nito.

Napahinto ako sa pagtitig sa kanya ng makarinig ako nga isang tikhim.

Shocks. Kanina pa pala kami nagkakatitigan. Nakakahiya!

Nararamdaman ko na ding namumula ang mga pisngi ko kaya agad ko na ding iniwas ang tingin sa kanya.

Umatras naman siya ng konti at humakbang papalapit kay Ara. Pagkatapos ay nagpakilala na din ito sa kanya. Ngumiti naman si Ara sa kanya at pagkatapos ay lumapit sa akin.

"Ah, Angel, Si Jeff palang yung sinasabi kong ipapakilala ko sa iyo kanina," Nakangiting sabi niya. Ahh, so, siya pala yun? Pwde na! Pasado nga sa akin eh. Ang problema talo ako sa pustahan. Huhuhu.

Goodbye mga babies ko!

PAGKATAPOS naming ipakilala ang isa't-isa ay napagdesisyonang naming umupo muna kami sa may bench.

Naguusap na din sila Jeff at Ara. Habang ako naman ay nakatingin lang sa mga taong napapadaan sa harapan namin.

Sobrang na awkward ako kanina dahil sa ginawa ko. Sarap lang lumubog sa lupa o di kaya ay magtatakbo pauwi sa amin. Huhuhu.

Nakakahiya ka Angel!

"Ah, Hi ulit!" Gulat akong napatingin kay James na nakalapit na pala sa akin.

"H-hello," Mahinang sagot ko sa kanya at iniwas ang aking tingin.

"Pwde makiupo?" Tanong niya habang minimuwestra ang bakanteng upuan katabi ko. Ngumiti lamang ako sa kanya at tumango. Agad din naman siyang umupo sa tabi ko at humarap sa akin.

"Ba't ang tahimik mo? Bored ka na ba?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling at napag desisyonang makipagusap nalang sa kanya.

"Hindi naman. May iniisip lang ako." Singungaling ka talaga Angel. Hays. Ang tooo kasi niyan ay kanina pa ako nao-out of place dito. Magkausap parin kasi si Ara at si Jeff. Habang si Nat at James naman kanina ay naguusap din kaya tumitingin-tingin nalang ako sa mga taong dumadaan.

Tangled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon