Chapter 3:

2 1 0
                                    

Chapter 3:

Ilang araw na ang nakalipas at patuloy ang buhay ko bilang estudyante. Simula din nung gabing yon ay hindi ko na silang nakita pa. Mabuti na din yun dahil wala naman akong mapapala sa kanila.

Natalo nga pala ako sa pusta namin ni Ara kaya palaging ubos ang baon ko. Buti nalang may awa pa 'to si Ara sa akin. Hindi nalang daw siya magpapalibre sa akin ng isang linggo. HAHAHAHA

Btw, mag Jowa na sila ni Jeff ngayon. Magiisang linggo na din sila at mukhang okay naman ang relasyon nila. Yun nga lang itong si Ara napakaaaaaabaliw! Plano niyang makipagbreak agad kay Jeff pag nag 2 months na sila. HAHAHA Siraulo talaga kahit kailan. Ayaw niya daw ng matagalang relasyon. At isa pa, wala naman daw talaga siyang balak jowain yung si Jeff.

Kakauwi ko nga lang pala sa bahay galing sa school. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Mama na nagaayos na ng mga paninda niya. Agad ko naman siyang nilapitan at nagmano at pinuntahan ang mga nakababatang kapatid ko at hinalikan sila sa pisngi.

Btw, lumaki pala ako na watak-watak ang pamilya namin. In short, broken family. May ibang pamilya na yung mama't papa ko at dito ako nakatira sa mama ko ngayon. May tatlo na silang anak ng kinakasama ni mama. Mabait naman yung stepfather ko at masipag kaya naging okay nalang din ako sa desisyon ng mama ko. Pero, may part ba din sa akin na hindi ko matanggap na may iba na siyang pamilya.

"Angel, umakyat kana dun sa loob at magbihis na nang sa gayon ay matulungan mo ako sa pagtitinda nitong mga balut." Si mama habang pinagpatuloy ang pagaayos ng mga gamit sa pagtitinda.

"Sige po." Sagot ko sa kanya at pumasok na sa loob para makapag- palit na ng mga damit.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na din ako at tinulungan si Mama sa pagkuha ng mga gamit, bangko at lamesa papunta sa labas.

"Ma, ako na mag-aayos nito sa lamesa at ibang gamit. Para makuha mo na yung Balut sa bahay at softdrinks para makapag- display na po tayo. " Mahinang sabi ko sa kanya at inayos na yung ibang paninda at sigarilyo. Inayos ko na din yung payong at mga bangko.

"O, cge anak. Babalik din ako agad ha?" Ani ni mama pagkatapos ay umalis. Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na din ako sa pag-aayos ng mga gamit. Dumating na din si Mama pati ang kapatid ko na si Bea bitbit ang Balut at softdrinks. 

Agad ko naman silang nilapitan at tinulungan sa pagkakarga pagkatapos ay inayos na ito sa lamesa.

"O, Sige na at umalis na kayong dalawa. Tatawagin nalang kita mamaya Angel pag magpapapalit na ako sayo. Magpahinga na kaayo dun sa bahay at wag kalimutang magsaing." Tango lang isinagot ko kay mama pati na din si Bea kaya naman umalis na kami at umuwi na sa Bahay para magsaing.

Sa totoo lang, mahirap ang buhay namin pero masaya kaming lahat at kuntento na sa kung ano ang meron sa amin. Nagpapasalamat din ako sa diyos dahil binigyan niya kami ng masisipag at mapagmahal na mga magulang. Nagpapasalamat din kami sa Diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa amin sa araw-araw dahil kahit ganito ang buhay namin, hindi niya kami pinapabayaan. Malaki na ang isinakripisyo ng mga magulang ko sa amin kaya naman ay pagsisikapan kong makakapagtapos ako ng pagaaral ng sa gayun ay matulungan at mabayaran ko man lang ang mga paghihirap at pagsakripisyo nila sa amin.

Pagkadating namin sa bahay ay naglinis muna ako at pagkatapos ay nagluto na para mamayang hapunan. Habang nagluluto ako ay bigla kong naalala yung sinabi ni James.

'Bye-bye Dora. Ingat.'

'Bye-bye Dora. Ingat.'

'Bye-bye Dora. Ingat'.'

Tangled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon