Chapter 4:

2 1 0
                                    

Sa dami ng mga iniisip ko ngayon ay parang sumasakit ang ulo ko.

Teka nga lang? Ba't ko ba iniisip yung mga 'What if's' na yun sa aking isipan?

Eh, ano naman ngayon kung maturn-off siya sa akin? Edi maturn-off siya! Wala akong pake!

Bahala siya sa buhay niya.

Nagsisimula na akong mainis sa aking isipan dahil sa mga naiisip ko na yun.
So, I started praying na sana hindi niya ako nakita.

Na sana, namamalik-mata lang ako kanina.

Na sana, hindi siya yun.

I wish it's all a dream.

I wish this is just a dream.

I closed my eyes for a minute and opened it again.

I sighed in relief ng makitang dumaan lang sila sa harapan ko. Para akong nabunutan ng tinik at doon lamang nakahinga ng maluwag.

Nang makalagpas na sila ay doon ko lamang pinulot ang mga nahulog kong libro. Nangingig pa ang mga kamay ko habang pinupulot ko yung libro. Medyo nadumihan pa nga ito kaya pinagpagan ko muna yung mga dumi.

Matapos kong pagpagin yung libro ko ay umupo na ako sa bangko at huminga ng malalim. But, for an unknown reason, my heart skipped a beat again. Parang kusang gumalaw ang mga mata ko at tumingin kung saan sila dumaan kanina at laking gulat ko na lamang nang makitang pabalik yung tatlong motor at papunta ang mga ito sa akin. Lahat din ng mga tao na kanina pa sila tinitingnan ay nakasunod ang mga mata sa kanila.

Parang naging slow motion ang lahat ng mga nasa paligid ko at sa iisang tao lang ako nakatingin. Nanlalamig na din ang buong katawan ko at palakas na ng palakas ang bawat pagtibok ng puso ko. Para na itong lalabas sa rib cage ko dahil sa sobrang lakas at dinig na dinig ko din ito.

Nang papalapit na sila ay natatarantang yumuko ako at napapikit.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!
Huhuhu! Lord help me!

Parang huminto yung mundo ko nang marinig kong huminto na yung motor nila sa gilid ko. Para akong tinakasan ng hininga dahil sa sobra sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Para akong natatae na ewan.

"Angel? Ikaw ba 'yan?" Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses niya.

Namamawis na din yung noo ko at ramdam ko ang pangingig ng mga kamay ko. Kaya naman pumikit muna ako ng ilang sandali bago ko siya hinarap na ng tuluyan.

"O-oh, Hi James! K-kayo pala," Isang pekeng ngiti ang ipinakita ko sa kanilang tatlo nina Jeff at Nat ng makitang bumaba na din sila sa kanilang mga motor at kinawayan silang tatlo bilang pagbati.

Kumakabog pa din ng malakas ang dibdib ko pero hindi ko pinapahalata sa kanila na sobra- sobrang kaba ang binibigay nila sa akin.

"Hi,"

"Hi din sayo,"

Bati nila Jeff at Nat sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanila at umaktong normal sa harapan nila kahit sobrang kinakabahan na ako.

"Haha, Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina eh! Ayaw pang maniwala nitong dalawang ugok nato," Tumatawang turo niya pa kina Jeff at Nat na napapakamot na lamang sa kanilang ulo.

"Akala kasi namin nagbibiro lang itong si James kaya binalikan ka namin." Kumakamot sa ulo na sabi ni Nat at nahihiyang ngumiti.

"Ang talas naman kasi ng paningin ni James pagdating sayo eh! Kaya ka nga niya nakita agad kanina." Nangaasar na sabi ni Jeff na agad namang binatukan ni James.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tangled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon