SKPR 23: What the Guys Think

1.1K 28 4
                                    

Scarlette’s Point of View

This is my fourth day here in the Coste’s Residence. Ugh! Wala namang pangyayari since yesterday, my third day here, kasi nagkulong lang ako maghapon sa kwarto acting that I’m busy while in fact ay iniiwasan ko lang si Krox.

Alam niyo ‘yun… ang weird weird weird weird ng pakiramdam ko when he’s around! Like what I’ve said, it feels I’m going nuts! Nakakaloka!

Alam ko na, kasi siguro hindi talaga tao si Krox kaya nawiwirduhan ako sa kanya. Tama! Isa siyang buwaya at hindi tao!

Sabi ko pa naman mabait siya kahit hindi halata tapos…. Tapos…

“…as well as I won’t make this girl cry and be hurt. Never.”

Aaaaaaah! ‘Wag mo na ulit-ulitin Scarlette! ‘Di ka kinikilig! Hindi talaga!

Ano ba kasi ibig sabihin niya dun? Ang landi niya ha.

Teka, ba’t ko nga ba iniisip ‘yun? Aba’y malamang ay ginamit niya lang ako kasi nagseselos siya kila Kendall. Asa ka naman kasi, Scarlette.

Hala? Hindi ako umaasa ha. Ini-note to myself ko na nga ‘yun e.

Hayy, nababaliw na naman ako. Ang hirap talaga ‘pag single ka, hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi na ipinapakita sa ‘yo ng isang lalaking tulad ni Crocs.

Oo, sige na! Iniisip ko na may gusto sa akin si Crocs. Sorry ha? Assumera ako e. ‘Di bale na, gorgeous pa rin naman.

I heard soft knocks on the door kaya nagtalukbong ulit ako ng kumot kahit tanghaling tapat na. Nandito pa rin kasi ako sa kwarto. Magda-dalawang araw ko nang hindi nasisilayan ang kagwapuhan ng fafa Clarence ko! Grr, bwisit kasi ‘yung kuya niya e!

“Scarlette?” He spoke.

Zion’s Point of View

“Hay naku kang Zion ka! Ang tanga mo rin ‘no? Ba’t ba hindi mo na lang diretsuhin ‘yung tao? Ayan, nasasaktan ka pa lalo. Isip-isip rin kasi.” Kanina pa dakdak ng dakdak ‘tong si Kendall sa unit ko. Oo, inaya ko siya dito sa mismong pad ko. Pangalawa pa lang siya kay Scarlette na nakapapasok dito.

But don’t get us wrong. Hindi ko talaga siya nililigawan. Palabas lang ang lahat. Isang malaking palabas.

“Huy! Ano? Kanina pa ‘ko nagsasalita dito o! Zion naman kasi—”

“Tss. Oo na. Tanga ng kung tanga. Pero hindi talaga ganun kadaling magtapat sa kanya, Ken.” Then there I spoke after his nonstop preach-like discussion.

Hindi naman talaga kami gaanong close nitong si Kendall kahit pareho naming kaibigan si Scarlette. Nagbago lang ang lahat nung araw ‘yun.

Single Ka Pa Rin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon