SKPR 27: Marry Me

964 31 3
                                    

Mga limang minuto na ang nakalilipas simula nang ihinto ni Clarence ‘tong sasakyan niya dito sa harap ng mansyon namin. I’m home. Ba’t baa yaw pang gumana ng paa ko’t bumaba?

“Clarence…”Nilingon niya ako. I felt a pang of guilt inside me.

“B-bakit—” His voice broke. “Never mind. Pumasok ka na.” Malamig ang tono niya.

“S-sorry, Clarence. Hindi… hindi ko rin kasi alam…” kung ano o sino ba talaga. I’m sorry.

Yes, I rejected his proposal. Bakit? Kasi nababaliw na ako. I totally turned into nuts.

Ngumiti siya. He tried, but he failed. It turns out to be a creepy smile. Pero ba’t gano’n? Fafable pa rin— aish! Stop, Scarlette! Habang pinapahirapan mo ang sarili mo, may nadadamay pang ibang tao.

Bakit ba ang gulo-gulo ko? May patutunguhan pa ba ‘to?

Let me think.

I like… him.

For Clarence. I liked the idea of liking him. Maybe it’s just an idea. Pero kasi, wala e. Hanggang dun lang—ideya. Ewan ko ba sa sarili ko. Magulo e.

It’s just that. A mere idea of liking him. Nothing more, nothing less. And I’m sorry kasi ‘etong puso ko at utak ko nagtatalo at kailangan ko ng oras para mag-isip, because if you’ll ask my heart at the moment… it’s him not him.

‘Yung kulang na sinasabi ko, wala kay Clarence. Nasa akin. Kulang ako sa atensyon. Kasi may iba akong hinahanap.

Ganito ba talaga kahirap i-figure out ang nararamdaman? Ang sarap talagang pumasok na lang sa dambana. Feeling ko mas masaya pang kasama ang katahimikan at rosaryo.

Siguro, I need to pass this muna. Mag-iisip pa ako. Kumbaga sa exam, magre-review muna ako para makasagot ng tama. Ba’t ba kasi biglang pumasok sa utak ko na siya ang gusto ko? E hindi naman kami close no’n—I mean, naging close naman kahit papaano pero I think it’s too early to think about that. Well, sa love, it’s not about the closeness naman e. But wait—love? Ako? In love? Ugh.

Utak: Fafa Clarence

Puso: Him

‘Wag niyo nang subukan isipin kung sino si him. I won’t say it to you. Baka pangunahan niyo ako e.

Unti-unti kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya pero bago ko pa ito isara pagkakuha ng mga maleta ko ay nagsalita siya. There were tears. I panic a little. A damn good man sheding tears for me.

“Scarlette, I’ll wait. I know nabigla lang kita.”

No…

Hindi ko na siya nasagot dahil nagmadali na siyang umalis. Nagulat pa nga ako sa paghablot niya ng pinto. Bastusan? I want to shout that but naisip ko na ‘wag na lang. Panira ng moment e.

I turned my heels to get in MY house. Woo! Ilang araw rin akong nawala rito.

Pansin ko ang madilim na loob ng pamamahay. Oh?

Pagpasok ko ay madilim talaga. Ano ba ‘to? Ilang araw lang nawala ang mga amo naputulan na ng kuryente? ‘Eto na nga ba sinasabi ko e.

Akala ko ba andito na ang nanay at tatay ko? Niloloko lang ata ako e. They must be setting me up para mag-stay ulit kila Coste.

Well, it’s not effective! Lalo na sa lagay ko ngayon.

Pumasok ako ng tuluyan at tinayuan ng balahibo sa musikang naririnig.

A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do

It gave me chills. Langhiya, nagpa-party ba ‘yung mga katulong namin? Nakalimutan kong kontratahin ‘yung maids nila C-crocs. Stuttering with his name? The eff.

Sinundan ko ang kakaunting liwanag na nagmumula sa pool side. Ngayon ko lang na-realize na malaki rin pala ang bahay namin. Well, at least kabisado ko ito. ‘Di tulad ng sa mga Coste.

Pinakinggan kong mabuti ang tugtog. The song is sung by a guy. It’s so… tranquil. Mas masarap itong pakinggan kaysa doon sa restaurant. Here, I can feel emotions rushing.

And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
We'll forever be in love, so there ain't no need to rush
But one day I won't be able to ask you loud enough

While walking in the dim, I received a text. It came from my mom saying, “Do the right thing, anak.” Ano’ng ibig niyang sabihin doon? Anyway, nakauwi na nga sila pero nasaan sila? Earth hour ba ngayon at nakapatay ang mga ilaw? Kailan pa sila nagging “Go Green”?

Nang makarating ako sa garden ay naramdaman kong summer na. Halo-halo ang naramdaman ko. Okay, I joked. You laugh.

There, near the pool filled with floating rose petals, I saw a guy. At siya ang kumakanta. I silently cursed. Paano nakapasok ang isang modern Adonis sa pamamahay namin?

I'll say, "Will you marry me?"
I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?"

Nag-backdrop ang music at ngayon ay recorded na ang kumakanta. Shit, he’s making the way towards me.

I don’t know what to feel. Andito ngayon sa harap ko… si… si Crocs. Why is he here?

“Scarlette…” What the—? He’s real.

Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Leche—kailan pa ako nakalunok ng paru-paro? Naguluhan na naman ako. I’m here to think, about me and Clarence and him.

Magulo. Hindi ko alam sa sarili ko. I’m starting to like someone I don’t even know fully. Well, I know his past but that’s it. Wala nang iba. At hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Love is crazy, indeed, right?

Hindi ko pa siya mahal. Tama, ‘di ba? Kasi sobrang aga pa.Ano bang ginagawa nitong buwayang ‘to dito?

Nagulat na lang ako sa biglaang pagluhod niya sa harap ko.

Ako ‘yung tipo ng taong hindi mahilig mag-mura pero para sa araw na ‘to ay quoting-quota na ako. Shit, what is he doing?

“Scarlette Martinez, will you marry me?”

Say what?
---

[A/N: Hi SKPR readers! I'm sorry if I'm hard-headed but I've decided to revise SKPR first. But good news! I'm already done! As of 11:00 pm of April 3 so better yet read it from the top. Haha. 'Yung time na hindi ako nagu-update ay 'yung time na nage-edit ako. Kamakailan ko lang kasi nagawa ang maayos (kung matatawag ngang ganun) 'na plot nito. As well as my other story (please click the external link). Isa pang announcement: papatapos na po ang SKPR. Ilang chappies na lang. Salamat sa pagbabasa. Sa wakas ay nakatapos rin ako ng isang istoryang mahaba-haba. May next book nito, for sure. Bakit? Abangan. Comment and Vote. Mwah!]

Single Ka Pa Rin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon