SKPR 12: Why and Buts (Part 3)

981 26 3
                                    

What did he just say? What confess?

"All I want to ask is why? Because if you're going to ask me right now, I'll confess to you with no buts."

"Z-zi." I am shocked. No—I'm more than shocked. Alam kong medyo slow ako kung minsan pero parang mas bumagal ata ang pagproseso ng utak ko ngayon. Daig pa ang turtle net sa bahay niyo.

"I... I...Zi." I can't find my words. Ano nga naman kasi ang sasabihin ko sa boy bestfriend ko na indirect-na-nagcoconfess-sa-harap-ko-right-here-right-now. Or I just stand corrected…?

Bigla akong nagsisi na lumayas si Kendall.

AWKWARD!

“All I want to ask is why?” A-ano?

"W-why? Anong— anong bakit, Zi?" He bowed his head. So, is this the reason why he's acting weird lately?

Wait... may sinabi ba siyang gusto niya 'ko? Kasi 'yun talaga ang ina-assume ko e. Baka naman mali lang ako ng rinig? Anyway, may karapatang maging assumera ang magaganda. And it's not assuming, it'strying to read between the lines.

"Bakit ka pumayag?"

"Sa engagement?"

He noded as he looks at me. Ang lamlam ng mata niya. Ayan na naman e, ako ba ang dahilan?

I sighed.

"Zi, pumayag ako k-kasi...." arrrgh! Hindi ko rin alam! Hindi ko alam kung ba't pumayag ako, okay? Magulo ako, magulo ang isip ko. I may be witty but not in situations like this.

Kumbaga, napilitan? Naku, hindi naman. Willing na willing nga ako e. Nag-request pa nga ‘di ba?! Oh yeah, I’m negating myself.

Uhh, na-pressure? Tama! Oo! Na-pressure lang ako sa paulit-ulit nilang pagpapamukha sa 'king single pa rin ako at naiintindihan ko naman ‘yung mga magulang ko.

"... I-I am damn pressured?" I don't know if it's just me or patanong talaga ang pagkakasabi ko. Boplaks! Baka akalain ni Zi, nanghuhula lang ako ng isasagot sa kanya. Seryoso na nga 'yung tao oh!

Yumuko siya ulit saka nag-iwas ng tingin nang subukan kong habulin ang titig niya.

“…Because if you're going to ask me right now, I'll confess to you with no buts.”

'Eto na... It's my turn. Confess? Dalin ko kaya si Zi sa simbahan nang makapag-kumpisal. Ano'ng confess? 'di naman ako madre.

"Zi, a-ano'ng ipagtatapat mo?" Bigla akong tinubuan ng hiya sa kapal ng mukhga kong tanungin 'yon. Ang awkward lang kasi simula't sapul, kaibigan ko na si Zi at ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang lovelife. And now...? Ugh!

Pero wait—who says something about love life? Like DUH.

Tumayo siya saka naglakad patungo sa garden ng Restaurante. Sumunod ako syempre, baka ako pa pagbayarin ng bill e. Ayoko gumastos ngayon.

"Zi?" Okay. Ang snob niya.

I am facing his oh-so-yummy back. He's wearing the not-oh-so usual tux of his and me in my oh-so-ever-gorgeousdress.

Ilang minuto na ang nakararaan pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Ah ganun ah.

Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong stiletto heel saka inilapag ang paa sa damuhan. Agad kong itinuktok kay Zi ang isa. Syempre, hindi gaanong kalakasan at baka humimas ako ng malamig na rehas mamaya dahil sa isang krimen gamit ang Jimmy Choo.

"Aray!" At last, nagsalita siya! Hallelujah!

Agad niya akong hinarap. Saka ibinalik ko ang pagkakasuot ng sapatos ko.

"Ano ba 'yan, na-friendzone na nga ako— natuktukan pa ng sapatos!" Animo'y badtrip na badtrip ito.

Uh-oh, friendzone?

"Kanino?"

"Kanino pa... ugh, ubod ng slow. Kay Kendall! Na-friendzone ako kay Kendall! Tapos tutuktukan mo pa 'ko niyang deadly weapon mo?!"

Loading....

Confirmed. Dakilang assumera ka na nga, Scarlette.

"Si K-kendall?"

"O-oo. Tapos hindi mo pa sinabi sa 'min naengaged ka na. Hindi ba, ka-badtrip?"

My gulay! Akala ko... akala ko... hay.

"O-okay. Don't worry. Aayusin ko 'yung tungkol sa engagement. Nagulat lang ako," sabi ko sakanya. My lips twitched. Ang gulo ko. Ay, bahala na!

"Scarlette..." Hindi ko alam kung para saan 'yung pagtawag niya pero tumalikod na ako agad and bid my good bye without turning back.

Ang assumera ko. Nakakasakit pala sa ego, 'no? Saan ba kasi nanggaling ‘yung ideyang ‘yun? One thing I know right now: I’M HURT.

Single Ka Pa Rin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon