SKPR 29: Three Years After

950 33 11
                                    

I kicked both of my pumps as I laid my back at the sofa. I’m wearing all white and this gown is so itchy.

I dreamily sighed at the view. Eiffel tower is really a fascinating sight. Nawala ang pagod ko sa seremonya kanina. Yes, I’m here in France.

Kakauwi lang namin ni Clarence galing simbahan—the American Church just few blocks away from this hotel. Galing sa wedding to be exact.

I heard knocks coming from the door. I just let it fade until I heard the door open. Si Clarence lang ‘yun.

“Hey,” I greeted. He has this naughty smile. And he is, too, wearing an all-white tux.

“Tigilan mo ‘ko jan, ha?” I rolled my eyes at him.

“I’m just happy. After so long, ‘eto at kasal na ako,” sabi niya. Ang cute niya pa rin just like his cuteness three years ago when I first met him in the park with his brother. Manly cuteness.

Ngumiti na rin ako. Ako rin naman masaya e.

“So… ready for the honeymoon?” This is my turn to smile naughtily.

Mas lumawak ang ngiti nito.

Andito kami sa hotel kung saan inayos ang lahat para sa kasal. The Pullman Paris Montparnasse. Kitang-kita dito ang Eiffel tower.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Clarence.

“Thank you,” he whispered and for the nth time, I smiled.

Masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko akalaing tatlong taon na ang nakakalipas.

“Tara na?” aya ko.

“Sa honeymoon? Alam mo namang— aray! Para sa’n ‘yun?” Binatukan ko siya. Kung anu-anong sinasabi e.

You see, it has been three years. Napatawad ko na si Clarence sa ginawa niyang pagsisinungaling no’n at masaya na rin kami.

“Tara na sa airport!” Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Tss, sabi ko nga.” Nag-kamot pa siya ng ulo bago kuhanin ang mga maleta ko.

Pag-dating namin sa airport ay napa-buntung-hininga ako. Babalik na ulit ako sa Pilipinas. Kakayanin ko ba?

“Good bye, Scarlette,” bulong sa akin ni Clarence.

I smiled.

“Good bye. Ingatan mo ang asawa mo ha? ‘Pag nalaman kong pina-iyak mo ‘yun tatamaan ka sa ‘kin,” banta ko.

Until now, I can’t still believe it. Tignan mo nga naman. Kasal na siya. Ang bilis ng panahon. Hindi niya inaya ang mga kamag-anak niya at ako lang ang inayang kaibigan dahil may kasal pa ulit sila sa Pilipinas.

Single Ka Pa Rin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon