Karl
Tunay ngang mabilis tumakbo ang oras. Parang kahapon lang ay graduation namin, at ngayon nga ay papunta na ako sa magiging boarding house ko sa University Town ng Gintanlak State University.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa GSU ako pinapasok ni mama. Medyo mataas kasi ang standards dito, kaya naman ay may kamahalan din ang gastos. Malayo kasi ang GSU sa San Sebastian, at gusto ko sanang sa isang private college na lang ako pumasok na mas malapit.
"Excuse me po, dito po ba ang Valdosa Boarding House?" tanong ko sa ali na nagwawalis sa entrance gate. Sinunod ko naman ang address na sinabi ni Tita Cecile at dito 'yon.
"First Year?"
"Opo."
"Dinya, naputulan pala tayo ng tubig!" sigaw nang kung sino sa loob ng gate. Ilang sandali lang ay lumabas na ito. Nagulat pa siya nang makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba si Karl Benedict Santiago?" tanong nito sabay bukas ng kanyang paypay. Bakla rin siya, tulad ko.
"Ako nga po."
"Halika, pasok! I'm sure nasabi na sa'yo ng uncle mo, pero magpapakilala pa rin ako. I'm Antonia, the owner of this friendly B-house." Binuksan niya nang mas malaki ang gate. Si Tita Cecile kasi ang nagpapasok sa akin dito. Matalik niya kasing kaibigan si Ma'am Antonia, sabi niya.
"Nice meeting you, Ma'am Antonia," magalang kong sabi.
"Dear, just call me Tita Antonia. Okay?" Tumango na lang ako. "Look at you, napaka-fresh mo pa. You're like a tiny bud waiting for the right time to bloom. Naalala ko na naman ang kabataan days ko." Sumunod ako nang pumasok na siya.
"Dinya, ito ang sinasabi ko sa'yo na pamangkin ni Celso," pagpapakilala niya sa akin. "And he will be a VIP in this B-house of mine." Napangiti lang sa akin si Ate Dinya.
"Sige, Antonio. Aalis na ako upang mabayaran ang bill ng tubig."
"Dinya Baltazar! Don't call me Antonio, ever!"
"Sige, Antonio." Napatawa ako dahil sa sagot ni Ate Dinya. Umalis din siya agad.
"That's Dinya. Siya ang caretaker ko. Madalas kasi akong wala rito. Let's go to you room already, shall we?"
...
Isinukbit ko na ang aking bag at akmang lalabas na sana nang biglang nagising si Nadia. Siya ang roommate ko. Second year Engineering student siya. Wala namang kaso sa kanya na maging ka-roommate ako.
"Wow! Handa ka na?"
"Oo, eh. Eight kasi ang start ng class ko." Napakunot-noo ako nang napahalakhak siya.
"Ganyang-ganyan din ako 'nong first school day ko. Pero trust me, pagsisisihan mong gumising ka nang maaga."
"Ganon ba?"
"Exactly."
Habang naka-upo sa sulok ay naisip ko bigla ang sinabi ni Nadia. Tama nga siya. Sayang ang paggising ko nang maaga. Hapon na at huling subject na ito, pero hindi pa rin dumadating ang aming prof, tulad ng mga nauna pa.
"Ano ba naman yan! Sayang ang fresh look ko. Na-haggard na ako and everything pero wala pa ring sumusulpot na prof natin!" reklamo ng babaing katabi ko, si Gail. Siya ang unang naka-usap ko kanina dahil pareho kaming maaga pumasok, kaya instant friends na kami.
"Bakit ka nga pala nag-educ?" tanong niya sa akin. "Mukhang mayaman ka naman, kaya bakit itong BSED-Math ang kinuha mo?"
Napangiti ako nang alanganin at umiling. "Hindi kami mayaman. Talagang ito talaga ang gusto ko," ang sabi ko na lang sa kanya.
"How nice. Talagang calling ang teaching, e? Ako kasi, 'di talaga 'to ang first choice ko. Gusto ko sanang mag-HRM or art courses pero hindi kaya ng budget." Napahalakhak pa siya. "Ang sarap sigurong maging mayaman 'noh? Kaya mong i-pursue 'yong passion mo nang walang kahirap-hirap."
Sasagot na sana ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bag. Dinukot ko ito at nalamang tumatawag pala si Nix. Simula kahapon ay ngayon pa lang siya napatawag. Nagpaalam ako kay Gail na sasagutin ko muna ang tawag sa labas ng room.
"Hello? Napatawag ka?"
"Siguro wala pa kayong klase, noh? Well, as expected."
Napabuntong-hininga ako. "Bakit ka nga napatawag?"
"Ang arte mo talaga! Masama na bang tumawag?"
"Oo, pag ikaw." Narinig kong napahalakhak siya sa kabilang linya. "Naayos na ba ang issue sa plantation ninyo? Nandito ka na ba sa Gintanlak Town?"
"Oo, naayos na. At, oo, nandito na ako. Sorry talaga dahil hindi kita nasamahan sa first fay of class mo. Akala ko pa naman naligaw ka na."
"Ayos lang 'yon. Hindi naman kita sinamahan 'nong first day mo. At tsaka, magaling ako sa directions, remember?"
"Nakalimutan ko. Ikaw nga pala si Dora." Napatawa pa ang epal.
"Corny mo talaga minsan."
"Karl, uwian na. Wala na talagang prof," wika ni Gail na biglang sumulpot sa tabi ko.
"Sige. Halika na," sagot ko habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone. Sumunod na ako kay Gail palabas ng college.
"Sino 'yon? Boses babae a! Maganda ba?" tanong ni Nix.
"Si Gail. Classmate ko. Maganda siya," makatotohanan kong sabi. Siniguro kong hindi ako maririnig ni Gail.
May sinabi si Nix pero hindi ko na narinig dahil may dumaan na truck, at idagdag pa ang ingay mula sa nagkukumpulang mga estudyante na naghihintay ng masasakyan. Mabuti na lang ay walking distance lang ang B-house ko.
Napalingon ako sa aking kaliwa at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Napatingala ako sa medyo may kalakihang tarpaulin. Hindi ako maaaring magkamali, si Nix Kendrick ang nasa tarpaulin. May katabi siyang magandang babae at kapwa sila may korona at mga sash. Sa baba ay may nakasulat na Mr. and Ms. GSU.
Teka lang. Itong pageant ba ang tinutukoy niya noon na napanalunan niya?
"Feeling ko na-statstruck ka kay Nix Kendrick Lewis," komento ni Gail na nasa tabi ko na pala. Tinitignan niya rin ang tarpaulin.
"Ha? Ako? Nako! Hindi a!" Dahil bigla akong kinabahan ay pinatay ko nang wala sa oras ang tawag.
"Sos! Pakipot ka pa! Ano pa bang hahanapin mo sa kanya? He got everything. The looks, the fame, the wealth. At balita ko, matalino rin daw siya."
"Wait. Kilala mo siya?" tanong ko.
"Si ate, patay na patay sa kanya. Actually, karamihan naman sa kababaihan at kabaklaan. Sino ba namang hindi? I mean, tignan mo naman ang mga titig niya. Mapagparusa. Mapang-akit... wait, nagiging madaldal na ba ako?"
Hindi ko na alam kung anong isasagot ko kay Gail. Hindi ko kasi alam na may image pala si Nix sa university. Hindi ko alam na marami pala ang humahanga sa kanya.
"Pero alam mo, napakamisteryoso niya. Hindi siya namamansin at tahimik lang, 'yon ang sabi ni ate. Si ate na ng diehard fan!"
Mabuti na lang ay dumating na ang tricycle na sasakyan ni Gail kaya nagpaalam na siya sa akin. Mabilis ko namang binaybay ang pabalik sa B-House. Agad kong tinawagan si Nix at mabuti na lang ay sinagot niya agad.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita," agad niyang bungad sa akin.
"Huwag!" Hindi ko inakalang mapapasigaw ako.
"Okay ka lang? Mukha kang sinapian. Baka kailangan mo nang ipa-exorcise."
"Ibig kong sabihin, huwag mo akong puntahan. Huwag mo akong kausapin habang nandito tayo sa university."
"Ano? Kinakabahan na ako sa mga pinagsasasabi mo, Karl Benedict. Nasaan ka ba?"
"Please, Nix. Let's pretend na lang na we don't know each other, pag nasa university tayo."
Ayaw kong masira ang image ni Nix ng dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
About that Serindipity
RomanceMay mga bagay o tao na makikita o makikilala natin sa hindi inaasahang pagkakataon o pangyayari. Kadalasan ay may mga bagay tayong gustong mahanap, at hindi natin alam na nasa harapan na pala natin ito. I am Karl, and this is my story. A story of h...