Chapter 2

8 8 0
                                    

Karl

Maitim na ba? Makintab na ba? Mukhang okay na ito kaya ibinalik ko na ang aking school shoes sa lalagyan. Napupuno na ako ng excitement kahit iniisip ko pa lang ang---

"Karl, kain na daw sabi ng mama mo!" Ang sigaw ni Tita Cecile ang pumukaw sa lumilipad kong diwa. Ang lakas pa naman ng sigaw niya. Mabiro nga.

"Opo, Tito Celso." Napatawa ako nang marinig ko ang matinis niyang sigaw.

"Ano ba naman 'yan, Karl? Minsan talaga makasalanan 'yang bibig mo!"

"Tumahimik na nga kayong dalawa," pagsuway ni mama na ikinatahimik namin. "Karl, ano pang hinuhintay mo diyan? Halika na."

"Opo ma!"

Tahimik kaming kumain. Napakasarap talagang mag-luto ni mama. No wonder, binabalik-balikan ang karinderya niya. Sa nagdaang dalawang taon ay naging maganda ang takbo ng negosyo niya at sa katunayan ay may staff na ang dalawang branch ng karinderya.

"Maitanong ko lang anak, total bukas na ang graduation ninyo, anong gusto mong kurso sa college?"

Napakagat-labi ako dahil sa tanong ni mama. Actually may three choices na ako : Nursing, Education, Architecture. Pero dahil understanding naman ako ay kino-consider ko naman ang estado namin sa buhay.

"Siguro kukuha ako ng Education course. Gusto kong maging teacher, ma."

"Aaaay. Nabasa ko noon ang tatlong slumbook mo, lahat doon nakalagay na gusto mong maging doktor," singit ni Tita Cecile. Napairap tuloy ako sa kanya nang wala sa oras. Kadalasan talaga ay wala sa lugar ang pagiging honest niya.

"Gusto ko rin pong maging doktor... noon 'yon. Pero ngayon, mas pursigido akong maging guro."

"Kung iyan ang dikta ng puso mo ay hindi na 'yan mababago pa. Huwag kang masyadong mag-alala dahil may bakasyon pa upang pag-isipan mo ang desisyon mo."

"Sige po, ma."

...

Hindi ako mapakali sa aking upuan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay graduate na ako ng high school. Masyado ba akong na-attouch sa school to the point na mukhang hindi na na 'to kayang iwanan? Siguro nga. Mababait kasi ang mga guro rito. Sa katunayan, isa sa mga adviser ko ang nag-inspire sa akin na maging guro.

"Ang gulo mong tignan, Karl! Parang may uod ang pwet mo," reklamo ni Cindee, ang first honorable mention na katabi ko. Second honorable mention kasi ako. Medyo may pagkasuplada talaga ang babaing ito, hindi naman pantay ang kanyang blush on at halatang lipstick lang ang ginamit.

Actually, pang second ako sa rank kung pagbabasihan ang grades. Pero nang pumasok na ang points ng extra-curricular activities ay nalaglag ako sa panglima. Hindi naman ako naging bitter dahil ganoon naman talaga ang guidelines. Nagkataon lang na hindi ako mahilig sumali sa mga activities. Ang mahalaga ay naging proud sa akin si mama.

Napatingin ako sa paligid at napansin ko na unti-unti nang napupuno ang quadrangle. Maraming tao ang dumalo. Halos buong pamilya ng bawat graduate ay nandito. Ang iba pa nga sa kanila ay may dalang pagkain na tila ba nagpi-picnic sila.

Natahimik lang ang madla nang magsimula na ang program. Isa-isang tinawag ang graduates na hindi kasali sa top ten. Pagkatapos nila ay kami naman, hanggang sa marinig ko na ang pangalan ko.

"School Year 2013-2014, Second Honorable Mention, Mr. Karl Benedict Santiago."

Tumayo na ako kahit nanginginig ang tuhod ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa stage na puno ng decorations. Nang makatapak na ako sa taas ng stage ay muli kong nilibot ang aking tingin sa malawak na quadrangle.

About that SerindipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon