Karl
Tuwing Martes at Huwebes ay sa umaga lang ang pasok namin. Tatlong major subjects ang aming klase, at mabuti na lang ay may sumulpot ng dalawang professor kanina. Pero as usual, pakilala lang at introduction ng subjects.
Habang naglalakad pauwi ay patuloy na nag-lalaro sa isipan ko ang naging pag-uusap namin kahapon ni Nix sa cellphone. Hindi siya pabor sa ideyang inihain ko, na hindi kami magpapansinan. Sinubukan kong ipaliwanag ang side ko, pero hindi niya maintindihan. Gusto ko lang namang pangalagaan ang image niya, knowing na napaka-clingy niya pa naman minsan. Ano na lang ang sasaabihin ng iba kung malaman nilang ang kanilang hearthrob ay may best friend na bakla? Baka pati siya ay masabihang bakla rin. Masyado pa namang mapanghusga ang mga tao.
Sabi ko sa kanya na okay lang na mag-usap kami through the phone, pero hanggang ngayon at wala pa rin siyang reply sa 'good morning' kong text. Muli kong tinignan ang keypad kong cellphone, pero wala pa ring paramdam si Nix.
"Hays. Nagtampo pa yata. Ang hirap pa naman niyang suyuin," bulong ko pagpasok ko ng gate.
Napakatahimik ng paligid, siguro ay karamihan sa kanila ay may pasok. Maayos naman ang B-house ni Tita Antonia. Two-storey ito at matingkad ang kulay green na pintura. Nasa first storey ang kwarto namin ni Amanda, at hiwalay sa iba pang kwarto. 'Yon kasi ang tinutuluyan ni Tita Antonia noon nang hindi pa naipapagawa ang extension ng B-house. Si Amanda ay anak ni Ate Dinya kaya doon din siya sa espesyal na kwarto.
"Ikaw ba ang bagong boarder dito?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang chinitong lalaki. Maputi ang kanyang kutis. Nakita ko ang malalim niyang dimples nang ngumiti siya.
"Ahh. Ako nga," nahihiya kong sambit. Hindi ko kasi inaasahang may kakausap sa akin.
"I'm Yves. BS Accountancy, third year," pagpapakilala niya.
"Karl. Karl Benedict," maikli kong pagpakilala.
"Nice name. See you around, Karl." Ngumiti pa siya bago tuluyang naglakad paalis.
Sinundan ko siya ng tingin. Nang mawala na siya ay ngayon ko pa lang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Malakas ang kabog nito at parang kinukuryente ang tiyan ko. Ano bang pakiramdam ito? Wala naman akong sakit.
Isinawalang-bahala ko na lang ang nararamdaman ko at pumunta na sa kwarto. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Nandito na si Nadia dahil hindi naka-locked.
"Here you are."
Napasigaw ako nang wala sa oras nang makita ko si Nix na naka-upo sa kama ko. Napaatras pa ako at napahawak sa wall dahil lubha akong nagulat.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Nadia. "Mag-syota ba kayo?!"
Napatawa silang dalawa. "Sabi ko sa'yo, ang cute niya," kausap ni Nix kay Nadia.
Nilapitan ko siya at malakas na hinampas sa braso. "Paano ka nakapasok dito?"
"Easy, Karl. Ako ang nagpapasok sa kanya. Wala namang nakakita sa kanya kanina. Anyway, magkakilala kami dahil pareho kaming members ng Alpha-X Fraternity," pag-iimporma ni Nadia.
"Ibig sabihin, kasali si Nix sa frat?" Kinurot ko siya sa tagiliran. "Bakit ka naman sumali sa frat? Diba delikado 'yon?"
"Nako, Karl, tigilan mo ako sa pagiging OA mo. Mainit ng ulo ko sa'yo." At inirapan pa niya ako.
"Hindi naman masyadong masalimuot ang Alpha," singit ni Nadia. "It's a friendly brotherhood."
Hindi ko na lang sila pinansin at inayos na muna ang gamit ko. Hindi ko lubos akalain na magkakilala pala silang dalawa. Sadya ba talagang maliit ang mundo para sa aming dalawa?
BINABASA MO ANG
About that Serindipity
RomanceMay mga bagay o tao na makikita o makikilala natin sa hindi inaasahang pagkakataon o pangyayari. Kadalasan ay may mga bagay tayong gustong mahanap, at hindi natin alam na nasa harapan na pala natin ito. I am Karl, and this is my story. A story of h...