Chapter 5

9 8 0
                                    


Karl

Kulang na lang ay tumakbo ako palabas ng B-house. Bakit ba kung kailan alas siete ang pasok ko ay mapapahaba ang tulog ko? P.E. kasi naming ngayon. Mabuti na lang ay komportable ako sa P.E. uniform ko, kahit medyo malaki ang t-shirt.

Paglabas ko ng gate ay eksakto namang may tumigil na motor sa aking harapan.

"Ang aga natin a." Napatingin ako sa driver at ang mukha ni Yves ang sumalubong sa akin. May dala siyang pagkain, agahan niya siguro.

"Ma-la-late na kasi ako," mabilis kong sagot.

"Sakay na."

"Ha?" gulat kong tanong.

"Umangkas ka na. Ihahatid na kita para mas maabilis."

"Okay lang ba? Talaga?" nahihiya kong tanong.

"Kung mag-uusap pa tayo nang ganito, talagang ma-la-late ka."

"Sige na nga." Wala akong choice kundi ang sumakay na lang. Hindi na lang ako kumibo nang magsimula nang umandar ang motor. Kahit halatang bagong gising pa lang si Yves ay napakabango niya pa rin.

Hindi ako makapaniwala na sa pangalawang pagkikita namin ay ganito ang magiging eksena. Napakalapit ko sa kanya at nakapatong pa ang isa kong kamay sa balikat niya. Naramdaman ko na naman ulit ang pagkabog ng aking dibdib. May sakit na ba ako? Kailangan ko na bang magpa-check up sa doctor?

"Saan pala ang P.E. mo?" Ang tanong niya ang nagpabalik ng diwa ko.

"Sa Quadrangle IV," sagot ko at tumango lang siya.

Ilang sandali lang ay huminto na kami sa Quadrangle IV. Bumaba na ako agad at nagpasalamat kay Yves.

"Sandali lang." Napatingin ako sa kanya. "Dalhin mo na 'to. Mukha kasing wala ka pang agahan."

"Nakakahiya naman sa'yo. 'Wag na. Pagkain mo yan."

"Ano ka ba? It's fine. Bibili na lang ako ng bago. At masamang tumanggi sa pagkain."

"Sige na nga. Maraming salamat talaga, Yves. Hulog ka ng langit sa akin ngayong araw." Napatawa lang siya at pinaharurot na ang motor niya palayo.

Naglakad na ako papuntang Quadrangle IV. Nasa gilid lang ito ng napakalawak na soccer field. Napatigil ako nang may mapansin akong pamilyar na motor na nakaparada. Pasimple kong tinignan ang plate number at tama nga ako, kay Nix ang motor na 'to.

Nilibot ko ang aking paningin at agad kong nakita si Nix na nakasandal sa pole ng soccer net, hindi ako sure sa tawag 'non. Nakatingin din siya sa akin. Pasimple akong kumaway sa kanya, pero ang loko ay wala manlang kibo.

Mahilig siya sa basketball at soccer. Pero nasabi na niya sa akin noon na pumasok siya sa soccer team ng university.

Napasigaw ako nang biglang may sumundot sa tagiliran ko. Sino ba namang gagawa nito sa akin?

"Malapit nang mag-seven. Halika ka na," sabi ni Gail.

Inirapan ko siya. "Kailangan talagang manundot sa tagiliran?"

"Mukha ka kasing baliw na nakatayo diyan. At sino ang kinakawayan mo kanina?" Napatingin pa siya sa field at mabuti na lang ay naglalaro na si Nix.

"Ha? Ah... wala. Namanhid lang kamay ko kaya kinaway-kaway ko."

...

Sunod lang ako nang sunod kay Gail. Oras na ng lunch at wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papunta sa isang sikat na kainan dito sa university. Ilang beses akong tumanggi dahil baka may kamahalan, pero dahil gutom na rin ako ay sumama na lang ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

About that SerindipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon